-4-

31 3 1
                                    

"Pa, dahan-dahan lang baka mabilaukan ka dyan", saway ko kay papa kasi naman sunod-sunod ang subo nya. Nilunok muna nya yung sinubo nya bago nagsalita.

"Eh, ang sarap kasi ng luto ng mama mo. Parang ngayon ko lang to natikman sa buong buhay ko, kaya nga mas lalo akong naiinlove sa mama mo e", ako na kasi ang nagboluntaryong magdala ng baon kay Papa dito sa site kasi overtime sila, pinilit ko pa nga si mama eh, pero sabi ko namimiss ko si papa kaya yun. At sabi ko din babawi nalang si kuya pag-uwi nya galing Singapore, chef sya dun. basta tsaka ko nalang ikwekwento kasi ang korni na ni papa  eh. Haha

"Haha. Hindi ba masyadong korni yun papa"

"Aba'y hindi anak. Ganyan ang pag-ibig, mararanasan mo din yan"

"Nako. Matagal pa yan papa", 

"Oh Rap, halika at kumain ka dito", may tinawag si papa sa may likuran ko, lumingon ako at nakita ko si Rap, yung bagong classmate ko.

Nakangiti na naman sya,naalala ko na naman si Sion. Haay.

"Ah. Sige po. Salamat", umupo sya sa tabi ni papa at napatingin sya sa akin.

"Nga pala, Ren ito si Rap anak ng head engineer namin dito"

"Opo. Kilala ko na po sya, bago ko po syang classmate"

"Ah talaga? Mabuti yan", sumubo ulit si papa.

"Sir Fred, pinapatawag po kayo si Sir Charles", sigaw nung isang trabahador. Dali-daling uminom ng tubig si papa.

"Iwan ko muna kayo dyan", dali-dali syang tumakbo.

Tahimik lang kaming dalawa ni Rap, hindi pa naman kasi kami lubusang magkakilala.

"Uhmmm . .", sabay naming nasabi kaya nagkatinginan kami. Tumawa sya samantalang ako tulala lang.

"Kumain ka oh", yaya ko sa kanya, kumuha naman sya at nagsimulang kumain.

*burp

"Hehe. Sorry"

"Okay lang", nginitian ko lang sya, nakakatuwa pala to kasi kahit mukhang mayaman e hindi naman halata parang ordinaryong tao lang. Parang nung una ko kasi syang nakita e parang may gagawin syang masama pero kung titignan maamo ang mukha nya at maganda ang mga mata nya, pero obvious yung dimples nya kahit unting ngiti lang, naalala ko na naman si Sion.

"Salamat sa pagkain", nakangiting sabi nya sa akin.

"Walang anuman.  Uhmmm nga pala, may tanong ako"

"Haha.May itatanong din sana ako sayo e, pero sige ikaw muna", sumandal sya sa may upuan habang hinhintay yung tanong ko.

"Nasa lahi nyo ba ang ngumiti?" 

"HAHAHAHAHAHA", uhm? ano kayang nakakatawa sa tanong ko, seryoso naman ako dun ah.

"Bakit mo natanong?", medyo tumigil na syang tumawa.

"Lagi ka kasing nakangiti eh, medyo weird lang", sumandal din ako sa may upuan ko.

"Ewan ko, ganito naman na ako ever since, sanay na nga yung iba e masasanay ka din", cool lang yung pagkakasabi nya.

"Ah",yun lang yung nasagot ko pero deep inside hindi nasagot yung tanong ko.

"Ako din may tanong", nakangiti nyang sabi, ieentertain ko nalang yung tanong nya dahil inintertain naman nya yung  tanong ko kahit weird ang sagot.

"Ano yun?"

"Sino yung grade 3 crush mo?", nagulat naman daw ako sa tanong nya, pano nya nalaman yung about sa grade 3 crush ko? Tsk. Sinabi kaya ni Jes?pero malabo hindi naman sila magkakilala eh.

"Ha? Paanong? Bakit mo nalaman yan?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nabasa ko dun sa mga notes mo, mahilig ka pala magsulat sa notebooks mo ng mga ganun ha", tumawa naman sya ng mahina para siguro hindi ako maoffend, actually hindi naman ako naooffend, nahihiya lang ako. alam kong pangelementary lang yung mga ganun pero nagagawa ko pa rin.

"Ah eh boring kasi minsan yung mga klase kaya napagtripan ko lang", napaiwas naman ako ng tingin.

"sino nga si grade 3 crush mo?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Tayong dalawa lang naman eh. Dali na",ok, makulit na sya,pero hindi naman annoying, parang Jes lang.

"Haha. Makulit ka din eh no"

"hindi naman, medyo lang"

"Wala yun. Pangelementary lang yun"

"Eh bakit hindi na ba pwede sa mga matatanda?"

"Hindi naman sa ganoon, basta wag ka nalang makulit"

Nagkulitan lang kaming dalawa hanggang hindi ko na namalayan ang oras, buti nalang pinaalala ni Papa. Masarap din palang kasama tong si Rap, weird nga lang ang energy sa kakulitan. Niyaya nyang sya nalang ang maghatid sa akin at dahil makulit sya pumayag na ako, inangkas nya ako sa bike ko, kaya nagmukha tuloy kaming nasa koreanobela. Hanggang sa pagbibike kinukulit pa rin nya ako tungkol kay grade 3 crush ko. Dinig na dinig ang pagtawa naman kasi wala ng masyadong ingay sa kalsada, wala ng sasakyan o tao kaya malaya syang nagpapaikot-ikot dun sa kalsada, kapit na kapit din ako sa kanya para hindi ako mahulog.

"Osya dito na ako. Salamay sa rides Mr. Circus. Sumakit yung ulo ko dun sa rides mo ah", natatawang sabi ko sa kanya habang dala-dala ko na yung bike sa tapat ng gate.

"Haha. Masanay ka na. Sige bye Ms. Elem",tumatawa din sya, labas na namang ang dimples nya. Umalis na din sya agad habang sumisipol pa, napansin kong suot-suot nya pa rin yung hard hat. Haha. Hindi man lang nya napansin. Natawa na naman ako papasok sa bahay.

Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon