CHAPTER 4 Annie and a stranger

139 1 0
                                    

“Wah! Annie! Na-miss kita!” Sabay hug mg mahigpit kay Annie.

3 months din nasa Korea family ni Annie. Hindi nga kami nakapag-goodbye ng maayos sa kanya eh before kasi yung last day ng Junior Year namin nakaalis na sila 3 weeks before pa. Kaya ayun, nalaman nalang namin na nasa Korea na pala siya nung 1 week absent si Annie. Pumunta sila ng Korea kasi may inasikaso yung daddy niya para sa business nila. Bestfriend ko nga din pala si Annie.~

“Yheel! Gwapo ni T.O.P!”

“Oh? Nakita mo siya?”

“Oo! Pati Super Junior at SNSD! Sayang di ka kasi sumama eh.”

“Kaya nga.. Di bale na. B2ST at 4minute naman kasi ang gusto ko makita eh.” Tawa kaming dalawa eh. Besides kasi na bestfriend ko siya, siya lang yung kaibigan ko na ka-bonding ko pagdating sa K-Pop. Addict kami dun. Kaya nung nalaman niyang pupunta sila ng family niya sa Korea, sobrang nag-wala si Annie.

Bigla kong naalala yung time na sumisigaw siya sa school kasi sobrang excited na niya talaga. Wala siyang pakielam sa mga tumitingin at pinag-uusapan siya, basta na malabas niya excitement niya.

“Muntimang ako nun eh!” Sabi ni Annie sabay tawanan kami ng malakas.

“Buti alam mo!”

“Osya, tara na. Dun na din kasi tayo manananghalian.”

“Sige, wait. Paalam lang ako.”

Pagpasok ko sa bahay, nasa kwarto si mama. Aalis nanaman siguro.

“Ma, alis na kami.”

“Ah. Oh, eto pera.”

“Salamat po.”

“Sige. Go na. Wag mo pagintayin si Annie.”

“Ma, sino magbabantay ng tindahan?”

“May pinag-bantay ako. Wag mo na alalahanin.”

“Sige po.” Kiniss ko na si mama, lagi kami ganun bago may umalis o may lakad ang isa sa amin.

“RAAAAAAAAAF! Pakabait kay tita ah. Wag magpapasaway. Kiss ako.” Yan si Rafael. Little brother ko, favorite ni tita yan eh, kaya ayun laging nasa kanila.

Lumabas na'ko. “Uy. Tara na?”

“Sige. Let's go!”

Sumakay na kami sa kotse nila. Tahimik lang on the way sa mall, nakakahiya naman kasi sa parents ni Annie kung maingay ako diba?

Pagdating sa mall, kumain na muna kami ng tanghalian. Napa-restaurant pa nga, nahihiya na nga ako sa parent ni Annie kaya hinayaan ko na lang na sila mag-order para sakin. After namin kumain, humiwalay na kami sa parent ni Annie at dumiretso sa tindahan ng school supplies. Bumili na kami. Papel, notebooks, at balllpen lang naman.

“Hayy, Ano? May gusto ka pa puntahan?” Tanong ko sa kanya.

“Shopping tayo? Damit? Sapatos?”

“BAG!”

“Nga no.” Sabay ngiti si Annie.

Buti na lang may binigay na extra money si mama, para may pambili ako ng bag.

“Uy, cute 'to diba?” Pinakita ko yung bag na napili ko kay Annie, may ribbon 'tong malaki, backpack

to.

“Kaw talaga. Hilig pa din sa ribbons... Ito na lang akin.” Pinakita ni Annie napili niya, may design na puso naman. Same yung color na napili namin, iba lang yung design.

“Tara na. Bayaran na natin.” Sobrang saya mamili kasama si Annie.

Nakauwi na kami. Home alone nanaman ako as usual. Di ko pa nakikita si mama, si Rafael naman nakila tita pa din bukas pa yun uwi, yung nagbabantay...Ah! Sino nga pala yung nagbabantay? Hmm. Takbo ako papunta ng tindahan.

May nakita ako, lalake. Medyo mahaba ang buhok, gwapo sa malayo pag malapitan kaya? Nakatulog nga siya. So, kinulbit ko.

“Um. Kuya... Gising na.” bulong ko. Nilapit ko pa mukha ko sa kanya. Ang kinis niya. Buti pa siya eh.

“Kuya..” Tuloy ako sa pag-gising ko sa kanya. Malapit pa din mukha ko sa kanya.

Nang bigla siya nagising. Nanlaki mata niya, pati yung akin. Nilayo ko na mukha ko. Hinawakan niya ako bigla sa likod ng leeg ko, at nilapit pa lalo yung mukha ko sa kanya. Hindi ko nagawa tignan siya sa mata, ang awkward ng moment eh. Ilalapit niya na yung lips ko sa kanya ng biglang...

“Yhel?”

“MA!” Bigla-bigla akong tumayo ng maayos. “Wala yon ma. Ito kasi si kuya-” Nakita ko bigla yung bote ng beer sa tabi ng lalake. “Nag-lasing oh.” Kinuha ko yung bote at pinakita kay mama.

“Hala! Bakit?!” Nag-panic si mama, at lumapit sa lalake. “Renz! Renz! Bakit ka nag-lasing ha?! Nako! Lagot ka sa mommy mo nito!” Natataranta si mama, ako din. Si Renz pala 'yon, yung kinekwento ni mama sakin na anak ng kaibigan niya.

“Okay na po ako...” Nag-salita si Renz. Minulat niya na ng maayos ang mga mata niya. Ang ganda ng mata niya, parang nag-spasparkle. Ngumiti siya bigla. Cute din yung ngiti niya. Napatingin siya sakin ng saglit at tumingin na kay mama. “Si mommy? Magagalit? Wala yun pakielam sakin Tita! Kaya nga niya ako pinaubaya sa'yo diba? Pinamigay niya ako!” Biglang umiyak yung Renz. “Tapos...tapos... Iniwan pa ako ng girlfriend ko kasi wala na akong pera at dito na kasi ako nakatira sa inyo. Nakila mommy na lahat ng pera ko. Wala man lang iniwan sakin? Wala siyang pakielam! Nalaman ko pa na pineperahan lang ako nung mahal ko... Sobrang malas ko eh.”

“Ikukuha lang kita ng tubig. Yhel, dalhin mo na siya sa bahay.” Sabi ni mama.

Wala akong magawa. Nanigas ata ako, naaawa ako kay Renz. Pagpunta ko sa kanya, tumingin siya sakin habang naiyak. Niyakap ko na lang siya.

“Magiging okay din ang lahat Kuya Renz...”

---------------

A/N: Ayun si Anne sa side oh played by Luna of f(x) -----> 

There's A Chance For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon