CHAPTER 1

277 3 0
                                    

Yhel's POV

Hi I'm Yhel! Ano ba yun, ang cliche ng intro ko, pero ito gusto ko eh :P

Nickname ko yun, malamang. Alryhel Anne Santos, yan ang buo kong pangalan. Hindi ko din alam kung saan naman napulot ng magulang ko ang Alryhel.

Mag-4th year High School na ako. Normal lang estado ng buhay ko, hindi mahirap hindi din naman mayaman. Steady lang. May mga kaibigan din ako, hindi ako loner hindi din naman ako masyadong socialize. Maganda grades ko, nasa honors ako :D

At ngayon, naghahanda lang naman ako para sa pasukan. Isang week na lang kasi pasukan nanaman. (-______-) Graduating na nga pala ako.

Tinatamad pa ako sa totoo lang. Ineenjoy ko summer vacation eh...

Maaga akong gumising, hindi ko nga alam kung bakit eh.. nawala sa isip ko.

Nang biglang, *boink*

Kailangan ko pa nga pala mag-enroll! OO NGA NO! A'a naman eh.

Nagmadali ako sa pag-kain.

Tapos naligo na ako, buti na lang mabilis ako maligo hindi katulad ng iba.

Nagbihis na din ako.

Bakit ba ako nagmamadali? Eh kasi naman! Ayako ng madaming tao! >_____<

"Bye Ma!" sigaw ko. "Tae. Anung oras na?------10?!"

Takbo na ako sa sakayan ng jeep. Ang hirap mag-habol ng jeep eh. Graaaaabe. -___-"

Sa wakas, nakahabol din. "Manong, sa school po, eto bayad, isa."

Pinag-papawisan na tuloy ako. At trapik pa. Eh kapag nagmamadali ka nga naman oh. WAAAAAAAA. ;_; Kinalma ko na muna sarili ko. Ayaw na ayaw ko kasi talaga na madaming tao. Nakaka-inip kaya!

Pagdating sa school, gladly, onti pa lang tao. Nakita ko pa si Clariza.

"Oy! Ano? Tapos ka na ba?" Bati ko sa kanya.

"Yah, obviously." Mukhang may gala. Nagmamadali eh.

"Ay Sige. Bye."

Pagdating ko sa loob, ay grabe, kakaunti tao. Thank you, Lord!

Edi hinanda ko na mga kailangan..pera at mga ipapasa.

"Um. Sorry sa abala at sorry din dahil di ko matandaan pangalan mo, pero pwede ba mahiram ballpen mo?"

Feel ko kilala ko ang boses na yun.

Pag-tingala ko, si Xander. Isang lalakeng hindi ko maintindihan. At ngayon niya lang ako kinausap ulit.

Nataranta na ako kaya ang nasabi ko na lang, "Ah. Oh, Go." Bakit biglang nag-init? >____<

Ilang minuto din nasakanya yung ballpen ko.

"Thank you." sabi niya. Kinuha ko na yung ballpen.

Tinignan ko siya na paalis. Thank you ulit, Lord. Woohoo--- WHUT. o_____o

Umupo siya ulit sa tabi ko! >////////<

"Balita na sayo?" sabi niya. Poker face pa din siya. Hindi na ba siya marunong ngumiti?

"Ayos naman. Masaya." Yumuko ako kasi nahihiya na ako.

"Ah. Mabute."

"Eh ikaw?"

"Okay lang din."

Biglang tinignan ko siya, at parang nag-smirk siya. Ay naman. Edi yun, nagka-kwentuhan kami ng onti at nalaman ko na classmate ko pala siya this school year!

"Oh, I see." Sabi ko nalang, pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Siguro kaba lang 'to. Kasi kaklase ko nanaman siya.

"May gusto ka ba sakin?" Bigla niyang sabi.

"Hala? Ano ka!!!" Sabi ko sa kanya. Tawa naman siya. Tinignan ko lang siya ng masama at siguro naman alam niya na ang sagot ko sa tanong niya.

"Ay. Hindi po ako nagpapatawa." Sabi ko.

Nakapag-bayad na ako, kakwentuhan ko padin siya.

"Oy. Salamat sa kwentuhan. pero kailangan ko na umuwi. Bye."

"Bayad." Tapos umakto siyang parang nanghihingi.

"Bayad? Saan?" Kunot noo na ako eh. -_____-"

"Ano ka ba. May bayad ang pakikipagkwetuhan sa lalaking katulad ko. Napagod kaya ako."

"Kapal mo." Kuha nga ako ng piso. "Ayan. Piso. Lamunin mo."

"Ang cheap." Aba. Yabang talaga. Inirapan ko nga.

"Bye na."

"Bye cheap."

Pwede ba? Hindi na tuloy ako kinikilig. Hindi na ata nag-babago. Gwapo pa naman. Makinis, mababa ang boses pero gwapo pakinggan, magulo buhok pero gwapo padin.

Pagdating ko sa bahay naka-ahin na yung tanghalian. Fried Chicken ulam. Lamunan na. :)

There's A Chance For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon