CHAPTER 6

141 3 0
                                    

Renz's POV

"Ano ka ba? Ang lakas ng loob mong puntahan yun ah! Kilala mo ba sila?" A'a naman kasi eh. Sabi ko kay tita aalagaan ko 'tong cute na 'to.

"KILALANG-KILALA!!!!" Galit na galit si Yhel..

"Walangya ka din eh no?"

"Oo na lang."

"Kumain na nga lang tayo." Tinuloy namin ang pag-kain. 

Kwentuhan tungkol sa pinapasukan naming dalawa. 4th year pala siya. Ah, oo nga pala. Ako si Renz Luke Cruz. 2nd year college. Oo, totoo. Iniwan ako ng dalawang babae na mahalaga sakin. Si dad? Wala na siya, bata pa lang ako. Andun na siya kasama si God... 

Si Maria? Mahal na mahal ko siya.. or Minahal ko siya ng sobrang-sobra. 

Naniwala ako na mahal niya din ako. Yun pala... magaling lang siya mag-acting. Kaya pala ganun siya. Kaya pala hindi siya pumapayag na gawin namin ang ginagawa talaga ng magkarelasyon, kasi hindi naman niya talaga ako mahal. Niloko niya ako. Kita mo na? Hindi lang lalaki ang nangloloko, babae din. hindi din ang mga babae lang ang nasasaktan, kaming mga lalaki din.

"O? Bat ka nakatulala diyan?" Nahalata pala ako ni Yhel. Paluha na sana ako kakaisip kay Maria..

"Ah. wala..."

"Weh?"

Napaiyak ako. Tumulo ang luha ko. Kahit ang panget tignan sa lalaki na naiyak..kailangan kong malabas. Sobrang nasasaktan na ako..

"Renz?"

"Renz?"

Di ko matignan si Yhel. Nakakahiya naman kasi.

Lumapit siya at tumabi sakin. Niyakap niya ako. 

"Renz..Lahat ng tao pinag-dadaanan yan. Naloko din ako. Naiintindihan kita. Ang kailangan mo gawin ngayon, maging matatag. Just be strong. Malay mo? May naghahanap din pala sayo pero di ka niya mahanap kasi palagi mong inaaalala ang nakaraan mo. Kalimutan mo na ang walangyang babae na yon. Hindi siya worth it ng pagiyak mo okay? May mas karapat-dapat pa diyan sa mga luha mo, yung babaeng para sa'yo talaga."

Yhel's POV

Niyakap ako ni Renz pabalik. Naiyak pa din siya. Hinimas ko na lang ang likod niya.

"Salamat Yhel."

"Wala 'yon."

Ngumiti na din siya :") Yey GV na. Si Xander naman kasi, panira ng araw eh. Tss. Bakit naman kaya nila ako pinag-uusapan? Past na ako ah diba? Tss. Walang kwenta eh.

"Oh. Sino ba talaga yun Yhel?"

Kinwento ko sa kanya yung tungkol samin ni Xander. Hindi- yung nagkaroon samin ni Xander.. Pero ah, gwapo pa din si Xander. Gwapo lang. Ano ba? Masama? >:)))

"Bobo si Xander."

"UY! Umayos ka nga. Hindi naman."

"Umamin ka..."

"Anong aaminin ko?"

"May gusto ka pa dun sa gaygong yun no?"

"Ano ka!?! Wala  na no!!!!"

"Mabuti."

Inakbayan niya ako at kinurot ang pisngi.

"Kayo ba?" 

Sino yun? Tae eh. Kung ano ano iniisip.. 

Pagtingin ko, si Xander!!!

"So?" sabi ko sa kanya ng matarayan.

There's A Chance For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon