CHAPTER 14

139 0 1
                                    

Yhel's POV

Another beautiful morning! Bakit ang ganda ng gising ko? 

Dahil ba sa nilalang na nasa kabilang kama? Oo, wala kasi si Raf eh. Andun nanaman kina tita. Aba. Favorite na siya :( Joke. Mahal din ako ng mga tita ko na yan, tita lang yan ni Raf. Ninang ko yan! Bakit ang saya ko ngayon? I have a good feeling for today ah.

Pero, dahil nga ba kasi pag-lingon ko...ayun si Renz. Mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya pala. Bumangon ako at lumapit sa higaan niya. Tinitigan ko siya. Ang gwapo niya nga. Pasimple kong hinawakan yung mukha niya. Eto, etong nilalang na 'to ang boyfriend ko. Naalala ko yung mabilis na date namin nung monthsary namin. Hindi naman kasi kami umuwi agad nun eh. :">

*START OF FLASHBACK*


"Salamat. Renz Luke Cruz."

Yinakap niya ako. Yinakap ko din siya. Bakit? Bakit ganito? Nag-blublush ako. Nararamdaman kong nag-iinit mukha ko.

"Feeling ko uulan." Sabi ni Renz. Tingin kaming dalawa sa langit eh. 

"Oo nga." Sabi ko naman. at tama kami, biglang may tumulong ulan. Takbo kaming dalawa sa malapit na masisilungan. 

"Hindi pa tayo umuwi?" Tanong ko sa kanya. Ang lapit lang naman ng bahay namin sa park. Pwede naman takbuhin na lang namin yun at maligo na lang agad para hindi magkasakit.

"Dito na lang muna tayo. Tara." Anong tara? Nasaan ba kami? Tinignan ko kung nasaan kami. Oh. Nasa McDo kami. Natulala ako. Sign ba ito?

"Oy, Yhel. Sabi ko tara na. Kakain tayo."

"Ah. Sige. :D" Napangiti ako sa nangyayari ngayon. at monthsary pa namin. Ano 'to? Kinikilig ako bigla. 

Umorder na kami ng kakainin namin. Lunch time lang naman ngayon eh, kaya dito na kami kakain. Tinext ko na lang si mama na sila na lang ni papa ang mag-lunch sa bahay. At inasar pa ako ni mama, reply ba naman 'Magdedate kayo ni Renz no? Yii.'. Feeling bagets ang nanay ko. -_____-

"ito na Fried Chicken mo liit." Alam niyo ba ang nakaka-turn on? yung siya ang umorder at pinaupo niya na lang ako. Gentleman ba yun guys? :">

"alam mo talaga ang paborito ko eh no?"

"syempre, ako pa." umupo na din siya. Magkaharap kami ngayon.

Tapos na kami kumain at medyo tumambay na lang muna kami.

"Ganda." Lingon naman ako. "Ikaw? Maganda? HAHAHAHAHA!" hala? tinawanan ako? T____T

There's A Chance For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon