CHAPTER 5

140 2 0
                                    

Hey silent readers. Ang tagal kong nag-pahinga wala pa din vote or comment man lang. Nawawalana tuloy ako ng gana mag-update. Pero itong update na 'to naka-save na kasi eh. Kaya ayan ah. :) Comment naman kayo. Please

Sorry kung natagalan ang update, school started already eh. ;)

btw, ayun si Renz played by Kim Soo Hyun ------------>

xx weirdcheesecake 

-----

Pinasok ko na sa bahay si Renz. Tulala pa din ako. Siguro, nagawa lang niya yun kasi nasaktan siya ng sobra sa girlfriend niya. Tapos dumagdag pa yung iniwan siya ng mommy niya. Bakit kaya? Sabihin mo ng tsismosa, pero concerned lang ako at gusto ko makatulong.

"Eto na Kuya Renz." Pinabigay na sakin ni Mama yung tubig, at pinaalagaan sakin si Renz, pagod na din kasi si mama. Dun daw sa kwarto namin ni Rafael matutulog si Renz, wala naman kaming guest room eh. Tsaka sa kwarto namin tig-isa kami ng higaan ni Raf.

"Tara na kuya. Tulungan na kita."

"Hindi na. Kaya ko na. Samahan mo na lang ako."

"Eh magkasama naman talaga tayo kuya. Dun ka sa kwarto namin ni Raf."

"Ganun ba. Sige, Kailangan ko na ng pahinga."

Humiga agad siya sa higaan ni Raf at agad naman siyang naka-tulog. Pagod nga talaga si Renz... Naisip kong maligo bago matulog. Para fresh.

Habang naliligo, naiisip ko pa din si Renz. At hindi ko siya kinukuya kapag nag-kwekwento ako kasi, okay lang siguro no and I don't feel like it. Tawa na. May mga tanong ako na nabubuo sa isip ko, 'Bakit kaya iiwanan ng mommy niya si Renz, mukha naman matino?' 'Bakit pinerahan lang ng babae si Renz eh matino nga si Renz diba?' 'Bakit andaming nang-iiwan na tao sa mundo ngayon?' 'Bakit may mga manloloko?' 'Bakit kailangan pa sila sa mundo na 'to kung magdudulot lang sila palagi ng gulo?' 'Bakit yung mga akala mong makakasama mo habang-buhay bigla ka na lang iiwan?' Naaawa na ako kay Renz parang gusto ko kayakap ko na lang siya palagi, parang gusto ko siya samahan palagi.

Natapos na ako maligo. Nagulat na lang ako kasi nakalimutan kong mag-dala ng damit sa banyo. Eh may lalaki nga pala sa kwarto namin na hindi ko masyadong kilala!

Dahan-dahan na lang akong pumasok sa kwarto para hindi niya marinig at para hindi na din magising. Kumuha na lang ako ng damit at sa banyo na mag-bibihis. Palabas na ako ng biglang..

"Maria?"

Nagising si Renz. Nakatingin sakin. Medyo mulat lang ang mata niya, siguro nananaginip lang 'to. Nanatili lang ako malapit sa pintuan at hinintay na makatulog ulit si Renz. Pero tumayo pa siya! Nag-lakad pa siya papunta sakin.

"Maria. Bakit mo ko kailangan lokohin? BAKIT BA KITA MINAHAL?!"Hawak niya mukha ko at naiyak nanaman siya. Hinalikan niya ako. Sa lips.

Aaminin ko. Hindi ito ang first kiss ko, pero yung kiss niya, may feeling. May feelings na nilalabas at alam ko na yun ay para kay Maria at hindi para sakin. Hinalikan ko siya pabalik. Bakit?

Bigla ko na lang naramdaman na lumuluwag na yung tapi ng towel sa katawan ko. Lalo pa niya diniinan ang pag-halik niya sakin, di na ako makagalaw, at naramdaman ko na lang na nalaglag na pala yung towel ko. Wala akong magawa, kasi gusto ko din yung ginagawa niya sakin ngayon. Dinala niya ako sa may pader at pinag-hahalik pa lalo, sa leeg, bababa pa sana pero pinigilan ko na, kasi alam kong mali.

Sinabi ko na lang ay, "Renz. Sorry."

----

Pag-gising ko, tinignan ko cellphone ko at Sunday na pala. (O.o)  

There's A Chance For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon