CHAPTER ONE

25.9K 242 10
                                    


"PARE, anong gagawin natin sa Nathan Valdez na yun?" tanong ni Colt sa kaibigang si Milo habang papasok sila nito ng canteen.

Alam niyang nag-aalala ito para sa pinsan nitong si Jessie kahit pa nga wala itong sinasabi. Sa apat na taon nilang magkaklase at magkaibigan ay alam na niya kapag may gumugulo dito. Hindi ito mapakali dahil gusto nitong palaging nasa ayos ang lahat. In short, medyo obsessive compulsive ito. Humugot muna ito ng hininga bago nagsalita.

"Wala, binalaan na tayo ni Jessie na huwag makikialam. Tingnan na lang muna natin kung ano ang mangyayari." anito at padabog na umupo sa upuan ng makalapit sila sa isang bakanteng lamesa.

Sanay na siya sa ugali nito, at kapag sinabi nitong wala itong gagawin, sa malamang sa hindi ay meron itong pinaplano. Napailing na lamang siya.

Tanda pa niya ng unang taon niya sa Saint Raphael University. Hindi niya inakala noon na magiging kaibigan niya ito at kabarkada. Kahit pa kasi iisang kurso ang kanilang kinukuha– BS Mass Communication– ay parang alangan na makipagkaibigan siya sa isang tulad nito. Mayaman ang pamilyang kinabibilangan nito kahit pa nga hindi nito iyon ipinagyayabang. Kung hindi pa sa probinsiya nila napiling mag-aral ng pinsan nitong si Jessie ay baka nasa Maynila ito ngayon at doon magtatapos.

Samantalang siya ay nakakapag-aral lamang ng kolehiyo nang dahil sa kanyang ate na isang nurse sa New Zealand. Ulila na silang magkapatid dahil namatay sa isang aksidente ang kanyang mga magulang. Nabangga ng isang ten-wheeler truck ang pampasaherong jeep na sinasakyan ng mga ito ng papauwi na ang mga ito sa trabaho.

Kapapasa lang nang Ate Jenny niya noon sa board exam habang siya ay magtatapos naman ng high school. Ibinenta nila ang kanilang bahay at lupa upang makabayad ito ng placement fee noon upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Sa isang maliit na apartment siya ngayon umuupa dahil iyon ang gusto ng kapatid niya. Nagsusumikap siyang mag-aral dahil gusto naman niyang makauwi na ang kapatid niya at siya naman ang magtatrabaho para sa kanila.

"Pare, kailangan nating alamin kung sino ang nagpasimuno ng lahat ng ito. Alamin mo kung sino si Cindirella Valdez." seryosong untag ni Milo sa pananahimik niya.

Sinasabi na nga ba niya, may binabalak ito.

"Ang sabi ni Twinkle, Psychology daw ang course nung kapatid ni Nathan, baka psychotic ang isang yun at kung mapaano si Jessie. Kailangang maagapan na natin tutal nasa building din natin siya." pag-aanalisa nito.

"Sige, ako na ang bahala sa pasaway na yun." nakangising sabi niya dito.

NAIINIP na sa paghihintay si Cindy sa kanyang mga kaibigan. Naroroon siya at nakatambay sa isa sa mga kubo sa labas ng building nila at balak na niyang umuwi dahil sa tagal ng mga itong dumating. Dapat ay may group project silang tatapusin pero nagpaalam sina Yani at Megan na may dadaanan daw muna ang mga ito bago sila sabay-sabay na pupunta sa library upang mag-research.

Isang linggo na ang nakakaraan ng maging instant celebrity siya sa building nila ng dahil sa kapatid niya. Nalaman kasi niya ang sikreto nito na magkarelasyon na ito at ang popular na si Jessie Adams. Kung sikat ang kapatid niya dahil Presidente ito ng College of Engineering, mas sikat si Jessie dahil bukod sa ito ang bokalista ng bandang Picayz, sikat ito dahil sa ugaling nitong mahilig mang-basted sa mga kalalakihan.

Kaya naman laking gulat niya ng malamang may relasyon ang mga ito. Siyempre pa, hindi pwedeng manahimik na lamang siya. Nagalit ang kuya niya at ngayon ay hindi muna siya naglalalapit dito dahil baka matuluyan itong kalbuhin siya. Sayang naman ang napakaganda niyang buhok na alaga pa sa salon.

Bata pa lamang siya ay mahilig na siyang mag-ayos ng sarili niya. Ang sabi ng kanyang Mama ay maganda daw siya kaya naman talagang isinapuso niya ang kaalamang iyon. Hindi siya basta-basta nagpapainit dahil natatakot siyang umitim at hindi na bumagay sa prince charming niya. Na mukhang na-stranded dahil tatlong taon na din siyang nag-aantay na mapansin ni Milo Cruz– isang fourth year student na ang kurso ay BS Mass Communication–ay parang hindi pa din siya nakikita nito. Iisa lamang ang building nila at palagi siyang pahara-hara sa line of sight nito, pero wala pa ding epekto. Hanggang tingin at silay lang siya sa binata mula sa malayo dahil ayaw din naman niyang bumaba sa lebel ng mga babaeng naghahabol dito.

It's Gonna Be Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon