CHAPTER EIGHT

6.6K 142 8
                                    


NAGLALAKAD si Colt papunta sa classroom ni Cindy. Gusto niya itong makausap ng masinsinan upang humingi dito ng tawad sa hindi niya pag-contact dito sa mga nakalipas na araw. Tinawagan siya nito at nagtanong ng tungkol kay Maya pero wala na itong sinabi pang iba. Gustuhin man niyang makipagmatigasan dito ay hindi niya magagawa dahil siya din ang nahihirapan. Na-mi-miss na niya ito. Isa pa, wala namang alam ang dalaga na nagseselos siya kay Milo kaya siya nagkaganoon.

He bought pack of flat tops chocolate to make a peace offering. Desidido na siyang magtapat dito ng totoong nararamdaman niya. Hindi na magandang naiipon lang sa loob niya ang lahat ng nararamdaman niya para sa dalaga. Lilinawin na niyang mahal talaga niya ito at kung kinakailangan na magpanggap siyang isang prinsipe ay gagawin niya. Dalawa lang ang maaaring kalabasan ng naging desisiyon niya. He would end up broken hearted and his relationship with Cindy will be ruined or he will be the happiest man if she accepted him.

Kinakabahan siya, sa katunayan ay kanina pa siya pinagapapawisan ng malapot. His heart was beating drastically na para bang ano mang oras ay matutumba siya sa pagkakatayo. Walang panama sa bilis ng pagtibok ng puso niya ngayon kumpara tuwing may game sila o may gig. Nagmadali siya sa paglalakad ng makitang naglalabasan na sa classroom ang mga kakalase nito. Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ding Cindy na lumabas doon.

Lumapit siya sa may pintuan niyon at nakitang subsob ang dalaga sa pagsusulat ng kung ano. Narororon din sa loob at kausap nito ang mga kaibigan nitong sina Yani at Megan na kapwa nakatalikod sa may gawi niya. Papasok na sana siya at kukunin ang atensiyon ng mga ito ng marinig ang sinabi ni Yani.

"Friend, sigurado ka na bang sasali ka diyang sa Miss SRU? Hindi ba, ayaw mo talagang sumali sa mga ganyan?"

Natigilan siya. Taon-taon na may ganoong kumpetisyon sa eskwelahan nila at open iyon sa ibat-ibang colleges. Sasali si Cindy doon? Pero alam niyang ayaw nito sa mga ganoong contest dahil feeling daw nito ay masyadong ma-e-expose ang 'kagandahan' nito sa ibang lalaki. Ano at bigla nitong naisipan nitong sumali at baki hindi man lang nito nasabi sa kanya? Ano ka ba niya? tanong ng isang bahagi ng utak niya.

"Yes, I'm joining all for the love. Huwag na kayong maging nega, it's my first time, so both of you should cheer for me instead of questioning me." sagot ni Cindy na tutok pa din sa sinasagutang sa tingin niya ay ang registration form.

"Alam naman naming mananalo ka diyan, girl. But don't you think it's too much? I mean, you are doing things that you really don't like para lang mapansin ka ni Milo. Bakit kasi hindi na lang si Colt ang gustuhin mo?" tanong naman ni Megan.

Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Sasali ito para mapansin ng kaibigan niya. He felt that his heart was broken into pieces. Yun pala ang pakiramdam ng masaktan sa pag-ibig.Naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Tumalikod na siya at naglakad palayo doon. Wala ng silbi pa kung ipagtatapat niya dito ang nararamdaman niya. Tiningnan niya ang hawak na papel. It was a song that he wrote for Cindy. Balak niyang ibigay iyon sa dalaga pero hindi na niya magagawa pang ibigay iyon. Inspirado siya ng gawin niya iyon pero ngayon ay hindi niya alam kung anong gagawin niya doon ngayon. Hindi niya iyon maaaring ipakanta kay Jessie dahil siguradong maaalala lang niya ang kasawian kay Cindy.

Wala siya sarili at hindi niya namalayang nakalabas na pala siya ng building nila. Pupunta na lamang sana siya sa kubo upang pansamantalang tumambay at mag-isip-isip ng makasalubong niya si Maya. Hindi na sana niya ito papansinin pero talagang hinarang pa siya ng lukaret.

"Colt! Mabuti na lang at nakita kita agad." malawak ang ngiting wika nito.

"Maya." walang emosyon na bati niya. May karapatan naman siguro siyang maging snob dahil broken hearted siya. Pero insensitive yata si Maya dahil patuloy pa din ito sa pag-sasalita.

It's Gonna Be Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon