COLT'S heart suddenly skipped a beat. Napakurap siya ng marinig ang sinabi ni Jessie. Iba na talaga ang nagagawa ng taong umiibig, nagiging observant na ito sa paligid nito. Hindi niya inakalang ang dalaga pang dati ay may sariling mundo ang magbibigay ngayon ng pag-asa sa puso niya.
"Sasabihin ko nga din 'yun, naunahan mo lang ako." nakangising sabi ni Twinkle. "Anong dapat gawin ni Colt, Madam Jessie?"
Hinagisan ito ni Milo ng plastic na binuhol. "Tumigil ka nga, Twinkle. Walang mabuting naidudulot ang mga sinasabi mo."
"At least ako, may sinasabi, eh, ikaw?" angil nito.
"Anong gusto mong sabihin ko? Ako lang naman ang walang malay na biglang na-involve dito." naiiling na sabi ni Milo.
"Huwag kang mag-alala, Pare, hindi naman ako galit sayo." aniya.
"Dapat lang dahil ku–"
"You should date Cindy, Milo." sabad ni Jessie sa pag-uusap nila ng pinsan nito.
Sabay-sabay pa silang nagbaling sa dalaga.
"Para malaman natin kung sino ba talaga sa inyo ang talagang mahal ni Cindy. If it is really Milo, then you should move on, Colt." paliwanag nito.
Sa simula pa lang ay alam na niyang gusto ni Cindy ang kaibigan niya. He already gambled so far that he was willing to give it another try. Naputol ang pag-iisip niya ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at sinagot.
"Oy, Maya." sagot niya. Hindi na siya nag-abala pang lumayo sa mga kaibigan niya.
"Nasaan ka now? Babayadan na kita."
"Absent ako now, may sakit ako now." nakangising sabi niya. Maayos na ulit ang pakiramdam niya kaya nakakapagbiro na siya ng ganoon. Naghalakhakan naman ang mga kaibigan niya at tinapunan pa siya ng mga ito ng kung anong nahawakang bagay. Mabuti na lang wala siyang babasaging gamit na malapit sa mga ito.
"Napaka-sakitin mo naman, ano namang sakit mo ngayon?" tila dismayadong tanong nito.
"AIDS, kaya huwag mo ng pagnasahan ang alindog ko." biro pa niya.
"Siraulo! Tinawagan lang kita para sabihing babayadan na kita." defensive na wika ng ex-stalker niya.
"Papasok na ako bukas, puntahan na lang kita sa engineering building."
"Sige." anito at pinutol na ang tawag.
Nang maitago na niya ang cellphone sa bulsa ay hinarap niyang muli ang mga kaibigan niyang nagkukwentuhan na ng kung ano.
"Kailan natin isasagawa ang plano?" tanong niya kay Twinkle.
"May plano na ba tayo?" clueless na tanong nito.
Nagtawanan sina Milo at Jessie. Namumula na ang pisngi ni Twinkle. Napakamot na lamang siya sa batok niya. Mas lalong wala ng kwentang kausapin pa ito dahil mukhang lasing na ang dalaga.
"Ako na ang bahala, Pare." naiiling na wika ni Milo sabay tapik sa balikat niya.
Tumango na lamang siya sa kaibigan.
DALAWANG araw nang mainit ang ulo ni Cindy. Hanggang ngayon kasi ay walang Colt na nagpapakita sa kanya. Dumagdag pa ang letseng contest na sinalihan niya kaya nawalan na siya ng time upang pumunta sa apartment ng binata.
She joined the contest so that Maya will leave Colt alone. She was doing it all for her love to the man who is now missing in action. Dapat ay siya ang nagtatampo dito, pero ang gusto pa yata nito ay siya ang mag-sori.
BINABASA MO ANG
It's Gonna Be Love (Published under PHR)
RomanceHindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at kabanda nito na si Milo. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit sa iniirog ay nilapitan niya ito at nag...