NAG-IISIP si Colt kung ano ang dapat niyang gawin sa parang kabuteng nararamdaman niya para kay Cindy ng biglang may humagis na hindi pa nabubuksang sitsirya sa mukha niya. Sapol ang pisngi niya.
"Hoy, Colt! Anong iniisip mo at mukha kang tanga na nakanganga pa diyan?" nakangising tanong ni Twinkle sa kanya.
Nakangiwing hinaplos niya ang nasaktang pisngi at binigyan ng masamang tingin ang may sala. Sabay pang tumawa ito at si Milo. Naroroon sila sa kubo kung saan palagi silang nakatambay. Hindi nila kasama si Jessie dahil may klase pa ang dalaga.
"Tigilan ninyo ako." aniya.
"Pare, ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" seryosong tanong ni Milo sa kanya.
"Wala, nag-iisip lang ako ng bagong kanta." kaila niya. Siguradong hindi siya tatantanan nito lalo na si Twinkle na ginagawang kasiyahan ang kamiserablehan ng iba.
"Paki-abot nga nung sitsirya, hindi mo naman yata kakainin." ani Twinkle.
Napapailing na iniabot niya dito ang sitsiryang ibinato nito sa kanya kanina.
"Kapag hindi mo tinigilan ang pagkain ng junk foods, hindi malayong maging buwan ka na talaga o kaya naman ay magkakasakit ka, Twinkle Star. To think na BS Biology ang course mo." naiiling din na wika ni Milo sa dalaga.
Lihim siyang nakahinga ng maluwag ng mawala sa kanya ang atensiyon ng mga ito. Nagsimula na naman kasi ang "lambingang walang humpay" ng dalawa. Minsan ay hindi pa din siya makapaniwala na tumagal si Twinkle na maging parte ng banda nila. Noong una kasi ay ayaw talaga ni Milo sa dalaga dahil nga madaldal si Twinkle. Pinahihirapan nito ang dalaga pero palagi namang may counter attack ito kay Milo. Sa huli ay tinanggap na lamang ng kaibigan niya na magaling talagang makisama si Twinkle. At ngayon nga ay magkasundo na ang mga ito kahit hindi masyadong halata dahil palagi pa ding nag-aasaran.
"Colt, ano na nga pala ang nagyari doon sa pinapagawa ko sayo?" baling ni Milo sa kanya at hindi na pinansin ang pagbubunganga dito ni Twinkle.
"Anong pinapagawa? May krimen kayong gagawin?" inosenteng tanong ni Twinkle.
"No, it's about Cinderella Valdez." aniya.
"Ahh, yung kapatid ni Nathan." tumatangong wika ng dalaga.
"Huwag ka ngang sumali sa usapan namin, Twinkle." naiinis nang wika ni Milo sa dito.
"So, wahat about her?" tanong ni Twinkle sa kanya at binale-wala ang inis ni Milo.
"Wala, Pare, mukhang totoo ngang may relasyon yung dalawa. Nakita daw kasi ni Cindy na nasa Kuya niya yung cellphone ni Jessie. Nahuli din daw niya ang mga ito na nagde-date." kibit balikat na sabi niya. "Pabayaan na natin si Jessie." dagdag pa niya.
Natahimik si Milo at sa tingin niya ay pinag-iisipan nito ang mga sinabi niya.
"Tama, huwag na tayong makialam sa relasyon nung dalawa. Suportahan na lang natin si Jessie kung saan siya masaya. Malay natin, maging normal na siya ng dahil kay Nathan." singit na naman ni Twinkle.
"Sinasabi mo bang abnormal ang pinsan ko, Tala?" seryosong tanong ni Milo.
"Teka, tumigil na kayong dalawa. Tama si Twinkle 'dun sa part na pabayaan na muna natin si Jessie. Gumawa na lamang tayo ng aksiyon kapag may ginawang hindi maganda si Nathan sa pinsan mo." awat niya sa dalawa.
Bumuntong hininga muna si Milo bago napipilitang tumango sa kanya.
"Sige na, mauna na kami sayo, Twinkle, at may klase pa kami." paalam niya sa dalaga at tumayo na sa kinauupuan.
BINABASA MO ANG
It's Gonna Be Love (Published under PHR)
RomanceHindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at kabanda nito na si Milo. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit sa iniirog ay nilapitan niya ito at nag...