Sorry for the wrong grammars ang mispelled words...
***
Dream 2
Nakakunot-noo akong pumasok sa hotel. Binibigyan ko rin ng matatalim na tingin ang mga nakakasalubong kong mukhang gusto akong usyosohin.
“All of you, get out.” I say, using a cold tone of voice.
But no one seems to care. No one move inside the elevator, they just stared at me like I’m some kind of a lunatic person.
“Damn idiots. I said get out!” I say, using a high pitch.
Dali-dali naman silang lumabas ng elevator then I presses the button to shut it close.
Naiinis ako ngayon kaya ayokong may mga tao sa paligid ko. Baka sa kanila ko pa maibunton ang toyo sa utak ko. Mas malaking gulo pa.
“Hoy Paris! Anong nakain mo’t bigla-bigla ka na lang umalis sa party ko?”
Kitang-kita ko sa salamin ang naka-busangot at nakahalukipkip na itsura ni Rod, base on her look, she’s pissed.
Syempre hindi naman ako nagpatalo, dapat magmukha akong mas naiinis sa kanya.
Kaya naman nilingon ko sila nang nakakunot-noo at bahagyang nanlilisik ang mga mata sa kanila. Halos sabay-sabay naman silang nagtaas ng kilay.
Langya! Pwede pala silang sumali sa ‘Eyebrow Raising Choir’…kung meron man nun.
“Hey Audri. What happened?” Nag-aalalang lumapit sa’kin si Mari.
“Paris, girl, sinong UKC ang gumawa niyan sa’yo? Bakit mukha kang nainis sa sambayanan?”
Tss. UKC, ano yun? Baklang ‘to talaga oh. Kung ano-anong alien words ang alam.
Tila nabasa naman niya ang malaking question mark na naka-plaster na sa mukha ko.
“UKC, short for…Unidentified Kind of Creature, you know?” Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Baliw talaga ‘to kahit kelan.
“Ouch! My oh so precious brain…Kapag talaga nabawasan ang talino at kagandahang taglay ko…idedemanda ko talaga kayong lahat ng serious physical injury at illegal detention. Hmp!”
Nag-iinarte pang hinawak-hawakan ni Bakla ang ulo niya.
“Alam mo bakla, kupal ka. Ano namang kinalaman ng kasong Illegal Detention dito aber? Dini-detain ka ba namin? Eh, halos ipagtabuyan ka na nga namin, ikaw lang ‘tong kapal muks na sama nang sama. Alien ka talaga. Ewan ko sa’yo.”
Inirapan lang ako ni Edgin. Nag-flip hair naman siya kunwari. Tss. Lakas ng loob maka-flip hair, wala namang long hair.
“Ang sama niyo talaga guys! You’re always making him api-api. You’re all so sama talaga.”
“Alam mo ikaw Georgina, pwede ba bawas-bawasan mo yang pagka-conyo mo? Nakakarindi na kaya. Ang gandang babae, conyo magsalita. Kaurat!” Rod say then she rolled her eyes on George.
“Oo nga, bawal pa dito drama queen. Uwe!” Pag-segunda naman ni Mari.
“Hoy isa ka pa Mari! Bawal dito ang plastic. Baka akala mo natutuwa pa kami sa ka-plastikan mo. Lumayas ka na. Uwe!”
Gago talaga ‘tong si Rod, sinusumpong na naman. Poor Mari, siya naman ang pinagdiskitahan ng baliw.
“Ouch! Truth hurts talaga friendship Mari. Ito belt ko oh, bigti na!” Pang-aasar pa ni Edgin sa kanya.