Dream 3
“Paris, durog na durog na ‘yung salamin day. Baka naman pwede ka ng umalis diyan?”
Inirapan ko na lang si Edgin. Sira ulo ‘tong baklang ‘to! Kahit kelan talaga, basag trip. “Buti na lang it's not obvious ang pluffy eyes mo friendship.” Sabi ni George. I look myself in the mirror…again.
“Obvious ba na umiyak ako? Mugto pa rin ba ang mga mata ko?” Tanong ko sa kanila.
Magdamag kasi akong umiyak kagabi, hanggang kaninang madaling araw ng umalis kami sa Thailand, umiiyak pa rin ako. “Tangang tanong lang day? Kakasabi lang diba? Haisst! Bakit ba ang daming tangang nagkalat ngayon? Nakaka-stress! Yung kilay ko tuloy kumukulot na.”
“So, do you mean wala akong common sense ganon? Ang sama mong haliparot na bakla ka! Absent lang ang common sense ko ngayon, pero ikaw, kahit kelan wala ka na talagang ganda.” Nag-cross arms ako’t inirapan ko siya. Akala niya ha.
“Aray naman! Kapag natanggal lang yang baga ko, idedemanda kita ng child abuse.” Bruhilda talaga. Kung makahampas ng likod, wagas!
“Below the belt na ‘yung sinabi mo kanina ah, sumusobra ka na. Hmp!” He rolled his eyes on me. “Sorry, okay? Sarreh naman. You know, you also said things that are below the belt. I have brains naman, ayun nga lang, sometimes katamad gamitin. Haha!” I said then ikinawit ko ang braso ko sa braso ni Edgin.
Pasimple kong tinignan si George, hindi man lang niya nahalata na nagpapaka-conyo ako ngayon at nakakawit ang braso ko sa braso ng hubby daw niya. Pasimpleng pang-iinis namin sa kanya kapag nagpapaka-conyo kami, just like her at lantarang pang-inis naman kapag hinahalay ‘kuno’ namin ang ex-boyfriend niyang mas malandi na sa kanya ngayon. Pero dahil busy siya ngayon, mukhang wala sa schedule niya ang mainis. Mabuti naman.
“What do you think?” I ask to them habang umikot-ikot pa ako sa harapan nila. “Gorgeous” says Jinry. And they all nod in unison. “Dyosa ka na friendship.” Komento naman ni Mari.
“Ang ganda mo talaga ngayon Paris! Manlilibre ka mamaya diba? Nabusog ka na sa kasinungalingan, este, papuri pala namin, kaya dapat manlibre ka.” Biglang hirit ni Rod. “Oo nga, dito pa lang qoutang-qouta ka na sa pambobola, kaya dapat talaga manlibre ka.” Pag-second the motion naman ni Edgin.
Bagsak ang balikat na pumayag na lang ako sa pang-uuto nila. Tsk! Mga kaibigan ko talaga, ang kakapal ng mukha.
“Oh, tapos na ba kayo?” tanong ni Rod samin habang isinusuot ang four-inch stilletos niya.
We all nod. Nag iba-iba kami ng kulay at designs ng suot na dress at gowns, syempre ayaw na naming mapagkamalang meron kaming dance number na gagawin mamaya.
“Sinong magda-drive?” biglang tanong sa amin ni Edgin. “Nagtanong ka pa, e, ikaw lang naman ‘tong mukhang driver samin kaya dapat ikaw na ang mag-drive.” Sagot ni Mari sa kanya at binigyan pa siya ng nakakalokong ngiti nito. “Aba! Hindi naman yata makatarungan ‘yon!” angal naman ni Edgin. “My hubby’s right. Sobrang unfair yun for him.” Pagtatanggol naman ni George sa kanyang ‘hubby’ daw.