The Dream Not Pursued: Dream 6

11 0 0
                                    

Dream 6

 

Two days na since mag-start ang pictorial namin for the next month issue of Zemora Magazine, at two days na ring sumasakit ang mga mata ko kakairap sa panget na bakulaw. Wala kasi siyang ibang ginawa kundi ang tingan at kindatan ako. Wish ko lang talaga na makirat ang kupal na ‘yon.

“Friendship, ang gwapo ni Icen, ano? Ang sweet at thoughtful pa niya!” Halatang kinikilig na sabi ni Mari. Ano daw? Gwapo, sweet at thoughtful yung kumag na ‘yun? Eww ha. Kilabutan nga siya sa sarili niya. Kadiri lang.

 

Ewan ko ba dito kay Mari, obvious na obvious naman na nilalandi lang siya nung panget na’yun, nagpapalandi naman siya. Hindi na nahiya.

“Paris look oh, ang bango-bango ng handkerchief niya. Hmm! Ang sarap amuyin.” Nakakapangilabot na sabi niya sabay amoy pa dun sa panyong pagmamay-ari nung panget na nilalang. Kadiri talaga. Nasaan na ba napunta ang class nitong si Mari? Parang ilang araw na rin niyang hindi binabaon.

 

Ikinalawit ni Mari ang braso niya sa’kin. Shete. Kadiri, clingy much.

“Lumayo ka nga muna sa’kin Mari. Mamaya niyan, mahawaan pa ako ng virus niya na kumapit na sa’yo. Naiwan ko pa naman yung alcohol sa suite ko.” Sabi ko sabay layo ng mga 1 meter sa kanya.

 

“Walanghiya! Anong akala mo sa’kin Paris, na may virus ako ha? Ang sama talaga ng ugali mo friendship, saan mo ba hinuhugot ‘yang kasamaan na ‘yan?” she says coming near me. Ano ba naman ‘tong si Mari, lumayo na nga ako sa kanya, lumapit pa rin siya sa’kin. Bwiset! Pang-asar talaga.

 

“Inborn nang masama ang ugali ko Mari, kaya kung ayaw mong masampolan, lumayo-layo ka muna sa’kin. Tsaka yung virus nung panget na bakulaw na ‘yon, paniguradong kumapit na sa’yo. Ayoko lang mahawa. Shoo!” May tono ng pandidiri na sabi ko sa kanya. May kasama pang pagtataboy para kumpleto ang pagmamaldita.

“Ang arte mo. Tss.” She said and then turned her heels and started walking away from me. I rolled my eyes. Maarte talaga ako minsan, aminado ako jan. Lalo na ngayon at napapagastos na talaga ako sa pagbili ng ilang bote ng alcohol na nauubos din kaagad nang dahil sa panget na ‘yun.

 

Inilibot ko na lang ang paningin ko sa may harapan ko, ayokong tumingin sa may likuran nandoon yung panget, panigurado kasing masisira lang yung mood ko kapag nahagip ng aking mga mata ang panget niyang mukha.

 

Nandito kami ngayon sa bagong branch ng Haymitch Hotel sa may Tagaytay. The place is perfectly beautiful. I enhale, ang sarap dito ang sariwa ng hangin. Kahit kasi na modernized yung hotel, hindi pa rin nawala yung kagandahan ng nature sa paligid. Ang daming puno, plus the fact na may forest pa sa may likurang bahagi nitong hotel, ang cool lang. Parang ang sarap tuloy puntahan.

Naglakad-lakad muna ako dito sa lugar kung saan maraming puno. I do love trees, nakaka-refresh kasi kapag marami sila sa paligid.

 

Patuloy lang ako sa paglalakad nang may makita akong duyan na nakasabit sa magkabilang puno, kung saan pwede kang maupo or matulog, depende sa trip mo. Shems! Heaven ituu!

Ilang taon na rin mula nung huli akong nakasakay sa ganon. Dali-dali akong naglakad palapit sa duyan. Kinapa ko ‘yon, hmm…tuyo naman. This is perfect talaga!

The Dream Not Pursued (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon