Dream 4
“Paris, anong nangyari?” Salubong na tanong sa’kin ni Jinry nang makalapit ako sa pwesto niya. Ramdam kong mamasa-masa na ang mga mata ko. Kanina ko pa rin kinakagat-kagat ang lower lip ko. Ayokong umiyak ngayon, ayokong matulad ang itsura ko sa itsura ni Kim Sam Soon noong makita niya ang ex-boyfriend niyang may ibang babae pala.
Ayoko talagang umiyak pero magagawa ko pa bang pigilan ‘yon kung harap-harapan silang maghahalikan sa harap ko after pa nilang mag-I love you sa isa’t-isa. Plus, may parinig pa si Reed na maswerte daw siya kay Czarinna-gaga kasi hindi siya iiwan nito kahit na anong mangyari. Pisti lang!
Magandang tao lang ako, hindi ako bato. Marunong din akong masaktan. Pasalamat lang talaga si Reed at mahal ko pa siya, dahil kung hindi, nakoo! Lalagyan ko talaga ng gripo ang tagiliran niya.
“Paris naman, wag ka dito umiyak. Machichismis ka na naman niyan e.” Paulit-ulit na pinupunasan ni Jinry ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Pisting mga luha ‘to. Ang kukulit, ayaw magsipakinig.
“Jin…ang sakit.” I said, in a low and almost crying voice.
Jinry grab my wrist. Hinila niya ako palayo sa pwesto namin kung saan papalapit na ang ilang media men. Kung saan niya ako dadalhin, hindi ko alam at wala ako sa mood na tanungin siya.
“Pam, umamin ka nga sa’kin. Ano ba talagang nangyari?” Akala ko naman kung saan niya ako dadalhin, dito lang pala sa rooftop ng hotel.
“Wala. Naputol lang yung kuko ng hinliliit ko sa paa kaya masakit.” Pagsisinungaling ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nakakailang talagang makipagtitigan ng seryoso sa kaibigan mong kabiruan mo palagi.
“Tss. Sinungaling. Pwede ba Paris, wag mo nga akong linlangin. Sa tagal na nating magkasama, naumay na ako sa mukha mo at kabisado na rin kita. Alam na alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo at kung kelan ka nagsisinungaling.” She says, crossing her arms across her chest. Bagsak ang balikat na napabuntong-hininga na lang ako. Kwinento ko sa kanya ang lahat ng mga nakakabanas na nangyari kanina.
Tumatango-tango lang ang bruha habang ako naman, magkasabay nang tumutulo ang luha at sipon ko. Walang hiyang kaibigan. Hindi man lang nag-offer ng panyo, mas inuna pang makinig sa chismis ko. Bwisit!
Nang matapos na ang pagmomonologue ko, in-offeran niya naman ako ng panyo niya, mabuti naman.
“Buti na lang talaga at light make-up lang ang inilagay mo diyan sa mukha mo ngayon Pam.” She said. Napaangat naman ang tingin ko sa kanya and I gave her a questioning look. Sinisinok na ako kaya ayoko munang magsalita.
“Dahil kung naglagay ka pa ng mascara at eyeliner, nakoo friendship! Kamukha mo na siguro ngayon si Kim Sam Soon.” Nangingiti at pailing-iling pa niyang sabi. Walang hiyang kaibigan! Mas inuna pang isipin ang kung anong magiging itsura ko kesa sa nararamdaman ko ngayon. Inirapan ko na lang siya at inilibot ang tingin ko sa buong paligid. Nakakagaan talaga sa pakiramdam kapag nasa isa kang mataas na lugar.
“San Cai! Grabe makapag-throw back ang Meteor Garden, 3rd year high school pa lang ako nung perstaym kayong pinalabas. Tapos ngayon ipinalabas ulit kayo sa, wagas lang. talagang sinagad ang throw back.” Sigaw ni Jinry. Pisti na yan! Langya talaga ‘tong si Jinry. Pasalamat na lang talaga ‘to at maganda siya, dahil kung nagkataong pinagkaitan pa siya ng ganda, I swear, walang magtatangkang lumapit sa kanya. Madalas inaatake ng pagka-weird e.