Dream 7
“Friendship, pasalubong ko?” sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kadarating lang na si Jinry.
“Nandoon sa Cebu, iniwan ko.” Derecha-han niyang sagot.
“Bakit naman friendship? Hindi mo ba alam na naglalaway na ako sa dried mangoes at pianono?” paawa kong sabi sa kanya with puppy eyes pa, kadiri tuloy.
“Naglilihi ka? Friendship you didn’t tell us na you’re preggy pala.” Eksaheradang pagsingit ni George. Binatukan ko nga.
“Gaga ‘to. Hindi ako buntis no! Gusto ko lang kumain ng dried mangoes at pianono. It doesn’t mean na buntis na kaagad ang isang babae kapag may hinahanap siyang mga pagkaing gusto niyang kainin. Gamit-gamit din ng utak minsan friendship, hindi ‘yan dinisplay lang diyan.” Pangangaral ko sa kanya saka ko siya binigyan ng nakakalokong ngiti.
“Tangina Paris, ako na naman nakita mo.” Sagot ni George sa’kin. Hindi na ako nagtaka kung bakit straight tagalog ang sinabi niya ngayon, ganyan talaga ‘yan kapag nasisimulan na ng pang-hahard. Natawa na lang ako sa kanya.
“Bakit nga pala sumunod kayong dalawa rito? Wala ba kayong mga trabaho kaya kami naman ang napili niyong gambalain?” tanong ni Madam Rodonna kay Jinry at Edgin.
“Naks friendship! Gambalain? Seriously, ang lalim nun ah! Nakakain ba ‘yon?” Edgin says na ikinataas naman ng kilay ni Rod.
“Ako ba pinagloloko mo Edgin?” she blurted out habang nakataas pa rin ang kilay.
“Nope. I’m deadly serious here, Rod.” Edgin says with a serious tone but then he gives Rod a mocking smile. She just rolled her eyes on him.
“Friendship Jinry! Where’s the otap-ube I’ve told you to buy for me?”
Lahat kami napatingin sa babaeng parang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses. Ngiting-ngiti habang naglalakad papalapit sa’min ang napapansin kong medyo nagpapaka-isip bata this past few days na si Marione Tezzoro. I rolled my eyes on the guy she’s walking with, who is currently beaming at me.
Wala na, ang panget na ng view, sira na tuloy mood ko.
“Paris, what is he doing here?” Jinry asks me in almost a whisper.
Oh, Shoot. I almost forgot, I haven’t told her about this ugly creature’s role in this project.
“Pinsan ng CEO and also the VP for finance. Ang swerte ko diba?” I say, obviously sarcastic on the last words.
I take a few steps backwards at bahagyang sumandal sa table na nasa tent na gamit namin ngayon. Our tent is the biggest among the four tents we use during our pictorials here. Bukas na ang last day ng photo shoot namin, but we have to stay here for two more days para sa grand opening ng hotel na ‘to.
“Ang malas mo friendship. Pero in all fairness ha, mukang close na siya kay Mari.” Jinry says then beam at me.
“Malandi kasi ‘yung panget na ‘yun. Tapos si Mari naman, parang gaga, nagpapalandi rin.” Walang gana kong sabi sa kanya.
Umalis na siya sa harapan ko at sumandal, err-correction, umupo na pala siya sa lamesa at tinabihan ako.
“He’s looking straight at you friendship.” Sabi niya sabay sagi ng balikat ko.