Dream 5:
Ilang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko ang tuluyang gumising sa natutulog ko pang diwa, kanina pa ako gising ngunit nakatitig lang sa kawalan, ganito ako kapag nagigising, tumutulala muna bago bumangon sa kama. Parang iniisip kung tatayo na ba ako or matutulog ulit.
“Just a minute.” Sigaw ko dun sa makulit na walang tigil sa pagkatok sa pintuan ko. I got out of my bed at kakamot-kamot sa ulong binuksan ko ang pintuan.
“Oh, you’re here.” I said nang mapagbuksan ko siya ng pinto. “Good Morning Miss Paris. I’m here to do what you’ve had told me last night.” Karen said then smiled. Bilib din naman ako sa sekretarya ni Tita, kapag kasi may inutos ka sa kanya, gusto niya ginagawa niya kaagad yun, ayaw niya ng natatambakan siya ng trabaho. Tinatamad daw kasi siya kapag tambak na ang trabaho niya. Which is bihirang mangyari kasi ginagawa niya kaagad ang mga ito.
“Okay, let’s go to the study room first. After that, you know what to do.” Sabi ko sa kanya then lumabas na ako ng kwarto at naglakad patungo sa study room ni Jinry. Naramdaman ko namang sumunod na siya sa’kin.
--
“Paris! Pasaway kang bata ka. Nasaan ka na ba ha?” bungad sa amin ni Tita Almi nang mapagbuksan siya ni Mari ng pinto. “Ow, Tita A. Good Morning and Mabuhay Philippines!” I said, then isang napakalapad at nakakalokong ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
“Magtigil ka Audris. Wag kang makangiti sa akin ng ganyan. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo kahit na umabot pa sa batok ‘yang ngiti mo.” Seryosong sabi ni Tita at dere-derechong pumunta sa kusina. Anong gagawin niya dun? Magluluto ba siya?
“Go Mamita! Ipagluto mo na lang kami, nakakabitin kasi yung breakfast namin.” Makapal ang mukha na sabi ni Rod kay Tita Almira. Hindi pa siya nakuntento, kumawit pa siya sa braso ni Tita.
Nagkibit-balikat na lang ako at itinuloy ko na lang ang paglalagay ng cutics sa mga kuko ko sa kamay. Gusto ko sanang mag-nail art kaya lang dahil sa wala ako ni katiting na talent sa larangan ng pagpipinta, heto’t mukhang pinaglaruan ng 5-year old kid ang mga kuko ko. Nakakahiya. Pero keri na rin, nadadala naman ng mukha. Hihihi. Ang hangin ko din talaga minsan.
“Hoy Audris, ikaw bata ka. Hindi pa tayo tapos, ilabas mo si Karen. Karen! Karen, lumabas ka na, magpakita ka sa’kin.” Eskandalosang nagsisigaw paang tiyahin kong hindi ko ma-sense ang ipinaglalaban.
Hinayaan ko na lang muna siyang magsisigaw nang magsisigaw. Nakakatamad awatin pero nakakahiya na. Mabuti na lang talaga at ilang metro pa ang layo ng mga ilang kapit-bahay dito kaya’t malabo nilang marinig ang boses ng eskandalosa kong Tiyahin.
“Friendship, awatin mo na nga. Nakakahiya. Ang tanda-tanda na, eskandalosa pa rin.” Halos pabulong kong sinabi kay Mari. Pero wrong move yata ako kasi biglang ibinaling ni Tita ang tingin niya sa akin at tignan niya ako ng masama.
I gave her an innocent look, gusto ko sanang tignan siya ng masama, kaya lang ayokong salubungin ng pagkapasaway ko ang init ng ulo ni Tita. Mahirap na, baka hindi niya na ako pagpahingahin sa kaka-trabaho or worse, baka isang buwan niya akong hindi bigyan ng projects. I can’t bare with the latter.