#Pag-ibig no.4
Kahit anong bagyo ang dumating. Ilang init ang susunog sa balat. Ilang alon ang hahampas. Ilang sakit ang madadaranas. Mananatili ako'ng taong matatag dahil ikaw, ang makasama ka ang pinaka mas importante sa lahat.Ang hirap magmahal. Nakakagagu. Alam nyo kung baket? Kase pag nasaktan kayo, sasabihin nyo na 'di na magmamahal ulit. PERO kapag naloko nanaman ni kupido e susugal muli.
Andami ko'ng iniisip. Andami.
Kagaya ng isang batang naglalakad sa kalsada na nanghihingi ng pera, ako naman e naglalakad sa kalsada para humingi ng sign sa Diyos kung nasaan si Aneka. "Kung pwede lang talaga sana na libutin ang buong mundo para makita ka e." Sinipa ko ang mga bato sa daanan.
"Aneka nasaan ka na ba?"
Kaparehas ng isang libro na hindi mo alam ang susunod na mangyayari e ako din, hindi alam kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos nito. Dalawa lang naman e. Siguro.
Makikita ko siya.
O
Hindi.
Umupo ako. Kasabay ng pag-upo e nakita ko ang mukha ni Aneka sa isip ko. Ang magaganda niyang mata e sobrang misteryoso. Siguro maihahambing ito katulad ng isang lugar na gusto ko'ng puntahan at malaman pa ang mga bagay na nakalagay dito. Para siyang isang karakter sa libro na nagugustuhan ko. Isang karakter na hinahanap at minahamahal ng karamihan sa mga tao. At isa ako sa mga taong iyon.
Lumipas ang oras at wala akong nakitang Aneka na dumaan. Kung hindi lang talaga napaka strikto ng nagbabantay na gwardya sa village nila e papasok talaga ako diyan. Pang mayaman naman kase talaga ang lugar nila e kaya mahirap siyang hanapin doon.
Dumilim ang ulap ngunit hindi dumilim ang aking pag-asa. Magkikita din tayo tiwala lang. Ito naman kase si kupido. Parang hindi na pana ang ginamit saken e kundi espada. Alas 9. Alas 10. Alas 11. Alas 12.
Ganito ba talaga ang pag-ibig?
Kaya mo'ng maghintay kahit ilang oras para sa kaniya?
Hindi muna ako kakain. Mas gugustuhin ko pa ang hintayin na makita siya kesa umalis dito at hindi na naman siya maabutan.
Dumilim ng dumilim. Hanggang sa umulan.
"Umulan na naman." Buti at hindi ko nabitbit ang isa sa mga libro ko'ng binabasa at kung nadala ko ito e siguradong nalanta na ito. Ang lakas ng ulan kaya nagdesisyun ako na tumakbo pauwi.
Naku naman.
Sa pagtakbo ko e naiwan ko ang tsinelas ko. Ano ba naman 'yan.
Kinuha ko ang tsinelas ko at daling sinout. Hello to lagnat na naman ako. Napatingin ako sa gate ng Narota's at may babaeng nakasakay sa sasakyan na dumungaw sa bintana. Maputla siya at ang buhok niya e parang wala ng kulay. Tapos ang payat pa. Hindi ko na ito pinansin pa at tumakbo na pabalik sa bahay.
Bahala na. May ibang araw pa naman e Aneka.
~~~
"Asan ka ba galing Alex at hindi ka umuwi kanina?" Sabi ni nanay."Sa labas lang po." Binigyan niya ako ng tuwalya.
Inabot din ni nanay sa akin ang isang bowl na may sabaw. "Inumin mo 'yan tapos magbihis ka."
"Opo." Hinigop ko ito at pagkatapos e nagpaalam na kay nanay na magbibihis lang sandali.
Pagpunta ko ng kwarto e nagbihis na ako. Ang lamig naman. Grabe.
"Asan ba naman 'yung damit ko."
Hinanahanap ko ang damit ko na makapal para labanan ang lamig. Sa paghahanap ko ng damit e may nahulog na litrato mula sa nabundok na damit ko. Kinuha ko ito at tiningnan.
*To the best man I always have
BINABASA MO ANG
Apatnapu na Salita para sa Pag-ibig
Romance#Pag-ibig Sa tuwing tayo ay nahuhulog, akala natin e sila na talaga. Sa tuwing tayo ay napapasaya nila e parang langit na talaga ang dala. Akala lang pala talaga... kase ang pag-ibig ay may mas malalim na kahulugan na kailangan nating makita, sa pu...