#Pag-ibig no.5
Ang pagkakita ko sa litratong naluma na ng panahon ay nagbigay sa akin ng alaala. Mga panahong tila tayo lang dalawa ay ang mga taong pinakamasaya. Hanggang sa litrato nalang ba tayo masaya? Kase bumitaw ako, bumitaw ka. Nawala sa landas ang pagmamahalan nating dalawa. Hindi na pwedeng ibalik pa. Kase.... kase nawala ka. At ako ay muling iibig, pero sa iba na.*To the man I always have
Litrato namin. May nakasulat sa likod na "to the man I always have" ayokong nakikita 'to. Ayaw na ayaw ko. Kase ang alaala na ito ay masakit. Oo inaamin ko, matagal na mula nung mga panahong 'yun. Pero paano ko ba makakalimutan? Makakalimutan ang mga bagay na nagbibigay ng masasayang mga araw. Sa paglipas ng panahon, tinoun ko ang pansin sa libro. Naging library na nga ang kwarto ko.
At ako?
Naging masaya na ako dun.
Pero... ba't ba sa tuwing masaya na ako e bumabalik ang alaala mo? Akala ko ba e kung aalis na tayo e mas sasaya tayo? Pero baket ikaw e ayaw pa ding mawala sa mga lugar kung saan akala ko e makakalimot na ako?
Ganun ba kitang kamahal nun? Pero nandito na siya.... si Aneka. So please, kahit ngayon lang 'wag na sanang bumalik ang mga mukha mo sa isip ko. Masaya na ako na kahit hindi ko pa nakikita ulit si Aneka e alam ko ang nararamdaman ko. Pero ito ka nanaman e, ito nanaman itong puso ko na hindi marunong makibagay! Hindi na kita hinanap kase alam ko ma hindi ka na babalik pa. Hindi na kita hinanap kase iba na ang hinahanap ng puso ko pero ang isip ko e nandiyan na naman sa'yo! Please....
TAMA NA.
Sobra na'tong sakit na binibigay mo. Sobra na. Isa ka nalang talagang alaala. Alaala ng nakaraan. Kaya sana e 'wag na kitang maisip pa.
Nilagay ko ang litrato sa basurahan. Ayoko na. Ayoko na. Ang tagal na nun.
AYOKO NA.
Maybe we were too young when we fell in love. And I am too old now to feel your love, like I used to before.
Maybe I am too young when I felt your kiss. Maybe I am too old now to feel your lips. Pressed next to mine.
Maybe you were too young to keep your wish. Maybe I am too young too to grant that wish. We were too young before. We were never mature.
I am the one who promised to keep you forever. I am the one who promised to stay. I am the one who wanted to keep it all that way. But I broke it. And you did too. And you did too.
Sa ngayon, na may mahal na akong iba e pipilitin ko na 'wag ng mag-isip na bumalik ka. Sakto na din 'yung mapapait na araw na umalis ka.
Bumababa ako at kumain. Grabe gutom na gutom na pala ako.
Tiningnan ko ang litrato na nakasabit. Litrato ng pamilya ko. Namiss ko na sila. Iniwan nila ako dito ng hindi man lang naisama. Ang hirap kapag ang magulang e nasa malayo. Mabuti nalang e nandito si Nanay at kahit papaano e nawawala ang lungkot na dinadanas ko.
BINABASA MO ANG
Apatnapu na Salita para sa Pag-ibig
Romans#Pag-ibig Sa tuwing tayo ay nahuhulog, akala natin e sila na talaga. Sa tuwing tayo ay napapasaya nila e parang langit na talaga ang dala. Akala lang pala talaga... kase ang pag-ibig ay may mas malalim na kahulugan na kailangan nating makita, sa pu...