Alaala

9 0 0
                                    

#Pag-ibig no.3
Ang pag-ibig na totoo ay hindi kailanman napapagod. Hindi sumusuko at napapako. Hahabol ng hahabol. Maghahanap ng maghahanap. Magpapahinga ng ilang segundo, pero hindi kailanman mawawala.

Naka patong ang paa ko sa lamesa habang binabasa ang libro na nabili ko. Ang init talaga ngayon. Parang masusunog na ang liig ko sa init.

"Hoy Alex umayos ka nga ng upo. Umagang-umaga ah. Grabe naman 'tong batang 'to parang 'di naman kumakain kakabasa ng libro." Rinig ko si Nanay Laida na nagrarap na naman dahil sa kakabasa ko ng libro. Kahit na ganito si Nanay tuwing umaga e hindi ko naman maitatanggi na mahal ko siya e.

"Nanay naman e. Kesa naman nasa labas ako at umiinom."

Si nanay Laida e katulong namin sa bahay. Hindi lang kase siya basta katulong, pamilya ko na siya. Sa tuwing wala kase dito si mama at si papa, siya ang nagsisilbing kasama ko at kakampi ko palagi. "Naku ikaw, ang laki mo na e pero nandiyan ka pa din nakatutok sa libro mo."

Alangan naman nanay kung maghahanap ako ng ibang magagawa. Hindi ko pa nga nahanap si Aneka e. Naalala ko na naman. Naalala ko nanaman siya. Dalawang linggo na mula nung makita ko siya sa jeep pero hanggang ngayon e 'di ko pa din siya nakikita na lumabas sa Narota's. Ano ba naman 'to. Nadelay na naman ang pagkikita namin ni forever ko. Feeling ko nga e parang 'di naman siya nakatira doon. Ang labo. Doon ko naman din siya nakitang bumaba ah.

"Nanay?" Tanong ko sa kanya.

"Oh bakit?" Tugon naman ni nanay na napatigil sa pagwawalis.

"Kung may isang taong gusto ka po, ano po ang gagawin niyo?" Napabuntong hininga ako. Paano ko siya mahahanap kung mismo 'yung tadhana e 'di naman sumasabay sa feelings ko. Napabuntong hininga ulit ako. Makikita pa ba kita ulit?

Lumapit saken si Nanay. "May napupusoan ka na ba Alex?" Ngumiti siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Pasensya ang kailangan dun anak. Kailangan mo ng pasensya sa lahat ng bagay at dapat e marunong ka din maghintay sa alam mo naman na tamang oras. Ang nagmamahal ay naghihintay." Ngumiti ulit si nanay. "Akala ko e hindi ka na iibig muli." Ayokong maisip na naman siya. Ang babae sa nakaraan na siyang nagpasugat sa puso ko.

Ayoko.

"Nay akala ko ba na napag-usapan na natin 'to." Nalungkot ako. Nalungkot ako dahil alam ko na babalik na naman ang mga alaala na ayokong maalala na ulit.

Napaiwas ng tingin si Nanay. "Ang pagmamahal Alex ay naglilimot ng nakaraan. Ang pagmamahal ay hindi kailanman tumatanggap ng sakit sa nakaraan. Ang pagmamahal ay kasiyahan."

Kasiyahan nga ba?

"Nay nakalimutan ko na po siya." Pero ang sugat na dala niya ay hindi kailanman mawawala. Ayoko siyang isipin dahil alam ko na iiyak ako hanggang sa makatulog nalang.

Tumayo si nanay. "Ang pagmamahal ay umaamin ng nararamdaman Alex. At kung alam mo naman na may mahal ka ng iba, habulin mo siya at aminin mo." Nagsimula na ulit siyang magwalis.

Ito kase 'yung pinaka-ayaw ko sa lahat e. Ang makaalala. Nilagay ko libro ko'ng hawak sa lamesa at ininom ang gatas na lumamig na ata.

Bumuntong hininga ako.

Handa na kaya akong magmahal ulit? Pero alam ko naman na mahal ko ma si Aneka e. May kakaiba sa kanya na gusto ko'ng malaman at alam ko na malalaman ko ito kung magiging akin siya.

"Ang pagmamahal at hindi sumusuko." Napatingin ako sa tv namin na may dramang nakapalabas. Nagulat ako kase ito 'yung gusto ko'ng marinig.

Hindi ako susuko.

Tumayo ako mula sa sofa at naglakad sa kwarto. Mag bibihis ako at sisimulan ko ulit mag-abang sa labas ng Narota's. Nagbabasakaling nandoon siya. Sinukoan ko ang babae sa nakaraan ko at hindi na siya bumalik. Sa ngayon, hindi na ako susuko dahil ayokong bumalik ang dati.

Magkikita din tayo muli.

Apatnapu na Salita para sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon