Chapter 1- Nakita kita

21 0 0
                                    

#Pag-ibig no.1
Nahuhulog tayo sa madaling panahon pero nakakalimot tayo ng matagal. Nagiging masaya tayo sa pagdating ng taong akala natin na para sa atin pero grabe din ang kalungkutan na bumabalot sa tuwing sila ay tatalikod at aalis.

Sumakay ako sa jeep. Ang lakas ng ulan. Grabe naman 'tong bagyo parang ayaw na ata tumigil e.
"Sanvil's subdivision po manong." Inabot ko bayad ko kase basa na ako at nahihirapan na akong gumalaw.

~~I found a love for me. Darling just dive right in and follow my lead ~~

Randam ko ang malamig na hangin sa katawan ko at ang tubig na malamig na umaagos sa ibang parte ng mukha ko. "Ang ginaw naman."

~~Well I found a girl beautiful and sweet~~

Corny naman ng jeep na 'to ang ginaw na nga at bumabagyo e nakukuha pang mag ed sheeran ng music.

~~I never knew you were that someone waiting for me~~

Napapadami na ang sumasakay sa jeep habang ako nakahawak sa magkabilang balikat ko at hinahaplos nalang ang ginaw na nararamdaman ko. Wrong timing naman si bagyo ngayon pa e gusto ko'ng bilhin 'yung mga libro sa bookstore hays.

~~Cause we were just kids when we fell in love~~

Pati ba naman jeep e hugot2 din. Ang dami ko na ngang iniisip na kadramahan sa nobelang nabasa ko e ito pa 'tong kanta na nagreremind sa akin na huwag nalang makinig kase wala naman akong lovelife.

~~Not knowing what it was. I will not give you up this time~~

Nakatingin lang ako sa sahig at nakitang umaagos 'yung tubig ulan na galing sa mga paa ng mga pasahero. Buti pa 'yung tubig e naghahabulan. Sa'ken wala talagang naghahabol e.

~~But darling just kiss me slow, your heart is all I own~~

Nakita ko na may sapatos ng babae ang dumaan sa harap ko na syang nagtalsik ng tubig na tintitigan ko sa tsinelas ko.

~~And in your eyes you're holding mine~~

Aba. Nadumihan ako nun ah. Hays badtrip. Gigil na gigil akong pinunasan ang paa ko na may tubig ulan. Hindi mamahalin itong tsinelas ko pero mahal ko 'to e. Joke lang.
"Sorry po."

~~Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms~~

Natigilan ako sa pagpunas at tiningnan ang babaeng nakatalsik ata ng tubig saken.
"Okay lang miss." At aba pagharap ko e ang ganda naman. Maputi sya at may malaking mata, malaki pero maganda. Tumigil ata ang pagtibok ng puso ko nung ngumiti sya.

~~Barefoot on the grass, listening to our favorite song~~

Kulay green 'yung mata nya. Na may halong saya at kakaiba. Para akong na hypnotize sa kanya at sa kakaibang dala niya. Para siyang isang anghel na ang dala ay magagandang alaala.
"Sorry po talaga. Peace po tayo."

~~When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath. But you heard it, darling, you look perfect tonight~~

"You looked perfect" tanging nasabi ko sa kanya sabay andar sa jeep na nagpagulat sa akin. Ano kaya ang pangalan niya?

Apatnapu na Salita para sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon