#Pag-ibig no. 7
Kung sana lang e maibabalik ang panahong nahulog ako at umasa, sana lumiko ako ng tingin para hindi ka makita. Magiging akin ka pa ba? Kung mismo ikaw ay hindi ko na nakita simula nung nawala ka sa paningin ko. Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero may magagawa pa ba ako? Wala naman diba? Kase siguro isang pangarap ka nalang na hindi kailanman maabot ng isang tulad ko na nasa ibaba ng hagdanan, habang ikaw e nasa tuktok ng bundok.Nagbabasa ako ng libro. Malapit ko na itong matapos. Konti nalang talaga.
"Ang boring naman nyan pre." Sabi ni Rens saken.
Malamang boring talaga. Hindi ka mahilig e. Magpipinsan kami nina Rens at Marco. Silang dalawa ang magkakapatid. Panganay si Rens at si Marco ang bunso. "Hindi naman." Tumawa ako ng mahina. Minsan ang sarap din nitong suntukin e. Pakialamero. Joke lang.
Tumayo siya sa upuan at kumuha ng maiinom. "Ayyy oo nga pala Alex. Hmmm nagkabalikan ba kayo ni---"
I stopped him from saying that.
"Don't even dare to ask me that. Or mention her name."
He sighed.
"Hanggang ngayon ba e hindi mo pa siya nakakalimutan?" Tanga din minsan e no?
"Paano ko makakalimutan kung halos kada kita natin e tinatanong mo 'yan?" Sila naman talaga ang nagbabalik ng mga alaala namin e. Kakalimutan ko na nga e.
Bumalik siya sa kinauupoan niya. Kinuha ang remote at nanoud ng palabas. Akala ko na nga e tatantanan na niya ako e. Hindi pa pala. "Kalimutan mo na kase. Kaya ka affected e kase naman mahal mo pa."
I closed the book. Some people really needs to be taught well. "Nakalimutan ko na. Hindi ko na mahal. Pero pinapaalala niyo e. Pinapaalala niyo ang mga taong dapat sana e matagal ko ng nakalimutan." I opened the book again.
Natahimik siya.
I don't want them to open that topic again. I hate this feeling. 'Yung feeling na parang sila ang nagbabalik ng lahat sa pamamagitan ng pagtanong saken. Like ano ba. Can't you just get your own life lol.
Rens didn't say anything after that. Salamat naman. I continued reading.
***
The day passed. Another morning. Naglakad ako papunta sana sa gate na sinabi niya noon na nakatira siya. Sinungaling. Hahahaha joke lang. Hindi pala siguro siya taga rito.
"Aneka naman. Pinapahirapan mo ako."
Ang nagmamahal ay hindi sumusuko.
Yeah.
Kaya hindi ako susuko na makita ka. Kase mas masakit pa din ang hindi ka makita kase wala akong ginawa. Aneka naman oh. Magpakita ka na. Hanggang kelan ako maghihintay sa pagbalik mo? Hanggang kelan?
Huminto ako. Sa tapat ng gate. Hinanap ko siya.
Ulit.
Pero wala talaga. Umaasa lang ako sa wala. Ang hirap e. Hahahaha. Pero kaya ko.
"Sir sino po ang hinahanap mo?" Nakita ko ang guard. Siya ang nagtanong.
Humugot ako ng lakas ng loob at nagtanong.
"Sir, may kilala ka oo ba'ng Aneka na nakatira dito?"
Umihip ang hangin. Lumamig lalo ang katawan ko. At sa muli, naghintay ako...
Na sana...
Sana sabihin niyang oo.
BINABASA MO ANG
Apatnapu na Salita para sa Pag-ibig
Roman d'amour#Pag-ibig Sa tuwing tayo ay nahuhulog, akala natin e sila na talaga. Sa tuwing tayo ay napapasaya nila e parang langit na talaga ang dala. Akala lang pala talaga... kase ang pag-ibig ay may mas malalim na kahulugan na kailangan nating makita, sa pu...