#Pag-ibig no. 6
Pag-ibig nga ba ang tawag sa sandaling oras mo lang nakilala? Paano kung ikaw ay natukso sa kanyang pagtawa? Paano kung simpleng "hanga" lang pala... na akala mo ay totoo na? Paano nga ba?Sa pagsikat ng araw, may bago na namang pag-asa na makilala ka. Kay laki ng mundo pero ikaw ang taong sa akin ay nagpapasaya. Ang bagay na naging rason kung bakit ang nakaraan ay handang kalimutan. Ang rason kung bakit ang ulan ay tatakbuhan upang makita ka lang.
Isang taon ang lumipas ngunit hindi ko na nakita si Aneka. Bakasyon na naman. Marso.
"Alex hijo. Pupunta ang mga pinsan mo dito. Mag-ayos ka nga diyan. Mag bihis ka dali." Sabi saken ni mama. Nakauwi na sila dito. At mukhang ang bakasyon nila ay dito na din.
"Opo." Sagot ko kay mama.
Pupunta na naman dito 'yung mga pinsan ko na puro kalokohan ang ginagawa. Hays.
Yellow
Blue
Green
Ugh.
Ano ba'ng susoutin ko, ano ba naman 'yan oh!
Ang mga pinsan ko kase e klaro pa sa klaro na mayayaman kaya ayokong magmukhang katulong dito no. Aba magpapahuli ba naman ako? Haha.
Bumaba ako ng napiling kulay na gray na simpleng t-shirt lang. "Anak, kuhanin mo nga 'yung cake sa oven please. Nagpupunas pa ako dito e."
"Opo ma."
Habang ginagawa ko ang pagkuha ng cake e biglang may tunog ng sasakyan. May maingay na mga tao sa labas. Sila na ata.
"Tol!" Binati ako ni Rens sabay tapik sa balikat. "Kamusta ka na? Dalawang taon din tayong hindi nagkita ah!" Tumawa kaming dalawa.
"Oo nga tol. Antagal din bago kayo ulit bumisita dito." Kumabit-balikat lang sya.
"Bakasyon na e. Atsaka mamaya may sasabihin sina Tita sa'yo. Pasurprisa ata." Hindi ko alam kung ano 'yung tinutukoy niya pero hindi ko nalang pinansin. Sasakit lang 'yung ulo ko kapag iisipin ko pa.
"Hahaha aalamin ko nalang mamaya."
***
Naghapunan kami. Kain, tawanan, kuwentuhan. Lahat ng ginagawa ng mag-pamilya e ginawa namin. Hanggang sa iniba nila ang usapan.
"Alex, sa X university ka nag-aaral right?" Tanong ng Mommy ni Rens at Marco.
Kumunot ang noo ko. "Opo, bakit po?" Hindi ko alam kung ba't nagtatanong si Tita. Na-curious ako bigla.
"Dito ko na pag-aaralin si Rens at Marco. Dito na kase sila maninirahan sa inyo. Palalaguin namin ang negosyo natin sa ibang bansa ng Mama at Papa mo." Natigilan ako. Okay naman na dito na sila. Pero kase masakit sa ulo e. Hays
Hindi ako nagpakita ng reaksyon nagpakita na hindi ako sang-ayun. "Ganun po? Hmmm I think it's a great idea po." Ngumiti ako nagpatuloy na kumain. Naku. Lagot na.
"Tol, classmates na ata tayo hahahaha. Same course at year tayo e."
Yeah. Right.
BINABASA MO ANG
Apatnapu na Salita para sa Pag-ibig
Romance#Pag-ibig Sa tuwing tayo ay nahuhulog, akala natin e sila na talaga. Sa tuwing tayo ay napapasaya nila e parang langit na talaga ang dala. Akala lang pala talaga... kase ang pag-ibig ay may mas malalim na kahulugan na kailangan nating makita, sa pu...