Chapter 2

1.2K 18 0
                                    

Trisha's Pov.

Ok! Sawakas natapos na ang pag hihirap ko sa pag squat. Malas na araw to kainis. Buti nalang uwian na at maipapahinga ko tung paa ko.

Habang nag lalakad pauwi nakakita ako ng nagtitinda ng ice cream sa may gilid. Agad akong pumunta roon at bumili, pampatangal ng stress charot ^_^

Nagpatuloy ulit ako sa pag lalakad pauwi habang nilalantakan yung ice cream, malapit lang naman ang bahay namin.

Mga ilang minuto nakarating ako sa bahay, bubuksan ko na sana ang pinto ng may tumapik sa may braso ko. Pag tingin ko roon isang lalaki na parang hinang hina. Agad kong inalis yung kamay niya at lumayo ng konti.

"Ka-kailangan ko ng y-yelo."

Aniya ng parang lasing? Eh pero hindi naman siya amoy alak. Tiyaka ang weird niya, yung suot niya parang prinsipe or something? Tapos ang haba ng hair niya ah nag rejoice siya.

"Ahm excuse me, deretsohin mo yon at may makikita kang store, nag titinda sila ng ice."

Turo ko sa daan, napatingin ulit ako sa lalaki nakahandusay na sa may sahig, 'o' gosh anong gagawin ko?

"Kuya gising!."

Tinatapik ko braso niya, ayaw parin gumising, niyugyog ko na lahat lahat ayaw parin, kung kaya buhusan ko ng malamig na tubig to?. Ahy no! Bad yun. Hays ano bayan.

May nakita akong lalaki na dumaan, agad ko itong tinawag para humingi ng tulong.

"Kuya tulungan mo ko."

"Bakit miss anong nangyari sa kaniya."

Tanong ni kuya ng makalapit siya.

"Bigla nalang siya nawalan ng malay eh, baka lasing?."

Inamoy ni kuya itong si mysterious guy at umiling siya.

"Hindi siya amoy alak miss."

"Ah really? Tulungan mo nalang ako dalhin siya sa hospital kuya."

Pagkasabi ko non, may nagring na phone at kay kuya pala galing yon, tumayo siya at sinagot ang tawag. Pagkatapos ay humarap siya sakin.

"Pasensya na miss may kailangan pa kong puntahan.."
Aniya na nag mamadali at tumakbo na paalis. What the?

Aysh pano na to? Hindi ko kayang buhatin to ng mag isa, dalhin ko nalang kaya sa bahay? Ahy no! Baka bad guy yan. Nag a acting lang, iwan ko na kaya? May tutulong naman siguro diyan.

Tumayo ako at nag lakad papunta sa may gate namin. Pag open ko non bigla nalang umulan ng malakas. Kaya pumasok agad ako pero napahinto ako dahil si kuya nakahandusay parin doon at nauulanan.

Ahuhu nakonsensiya naman ako, argh! Ok fine tutulungan ko na nga. Lumapit ako kay kuya at dahan dahan ko siyang itinatayo.
Ipinatong ko yung kamay niya sa may batok ko, grabe ang bigat niya sobra!

Sang lupalop ba ito galing at ganiyan ang damit niya? Hindi kaya galing to sa isang costume party? At napansin ko ang lamig niya....omg Vampire? Oh come on Trisha are you insane? Vampire don't exist in this world.

Ng makapasok sa bahay hiniga ko siya sa may sofa, grabe nag kanda kuba kuba ako dahil sa pag buhat sayo!.

Napairap nalang ako at lumabas ulit para i sara ang gate, tumakbo ako pabalik. Umakyat ako ng second floor kung saan nandoon ang kwarto ko. Dali dali kong pinalitan ang basa kong uniform at pinupunasan ang buhok ko. Bumaba ako para tignan si kuya pero wala na siya sa may sofa! Oh saan na pumunta yun?.

"Sino ka?."

Sabi ng isang boses mula sa likoran ko, mabilis akong lumingon at-at muntikan ng mag lapat yung mukha namin, ngayon lang ako nakakita ng dark blue na mata. And his lips! Grabe daig pa ko sa pula ng labi niya. Napailing ako at lumayo sa kaniya.

"Sino ka? At kaninong tahanan ito?, ikaw ba si Rosela?."

Rosela? Sino yun? At yung pananalita niya parang pang sinauna. Ang weird talaga niya.

"I'm not Rosela. I'm--."

Hindi na tuloy ang sasabihin ko ng mag salita ulit siya.

"Anong lingwahe ang iyong ginagamit? Hindi kita maintindihan."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya, hindi niya alam ang english?

"Saan kaba galing huh?, baka naman nag kukunwari ka lang na hindi mo alam."
Tanong ko rito.

"Nanggaling ako sa mundo ng yelo ang snowblade. At hindi ako nag ko-kunwari babae, ako si Blaze Weidenword ang pinakamalakas na prinsipe ng yelo..."

Aniya at nag crossarm pa. What He is a prince of ice? Haha nag papatawa ba siya?

"Haha are you kidding me? Prinsipe ng yelo? Kailangan mo na atang pumunta ng hospital at mag pa tingin baka may saltik na yang utak mo.''

Dahil sa sinabi ko sinamaan niya ako ng tingin. Ehy hindi uubra sakin yan.

"Sino ka para sabihin yan sa isang prinsipe? Hindi ka naniniwala? Sige ipapakita ko sayo ang aking kapangyarihan."

Inilahad niya yung kamay niya, at finorm niya itong parang may pipitikin? Pero yung ring finger at yung thumb ang ginamit. Hinihintay ko kung may mangyayaring kakaiba pero wala naman.

"Asan?."

"Tignan mo ng maayos ang kamay ko." ~Blaze

"Ahh!...wala akong nakita." -__-!
~ako

"Niloloko mo ba ako? Kapangyarihan ka diyan, Eh wala-"

Dugtong ko pero hindi natuloy ng may lumabas na maliliit na butterfly sa buong bahay. may dumapo sa may kamay ko pero agad itong nalusaw dahil gawa sa yelo.

"Naniniwala kana babae?."

Hindi ko namalayan na nakanga nga pala ako kaya agad ko itong sinara tiyaka ko siya hinarap.

"Okay? so pwede kana umalis, tumigil na yung ulan."

Harsh ba? Eh kailangan tiyaka baka gawin akong ice block neto naku mahirap na.

"Ano? Bakit mo ako pina paalis?."

Nagtataka nitong tanong, at parang iiyak na.

"Siguro naman mahal na prinsipe makakabalik ka sa kaharian mo diba?."

Sarkastiko kong sabi at nag crossarm.

"H-hindi pa ko pwedeng bumalik sa aming kaharian hangat hindi ko pa nakikita sina Rosela at si
Baek-ah."

Aniya at kinuyom ang mga kamay niya.

"Eh labas nako diyan sa problema mo, siguro naman may bahay ka rito?."~ ako

"Wala akong alam puntuhan dito sa mundo ng mga tao. Wala akong kilala dito, bukod sayo."

Sabi niya at parang nag pa-puppy eyes. At teka lang ah kilala agad ako? Wow huh! Ni hindi niya nga alam ang pangalan ko.

At gosh look at those cute eyes hoho!. Pero no! Hindi ko parin siya papatuluyin dito.

"Hindi uubra sakin yang pag pa puppy eyes mo. So leave!!."

Sinamaan ko siya ng tingin, at tinuro ang pinto. Sinamaan niya rin ako ng tingin at nag lakad papunta sa pinto binuksan niya ito at lumabas tiyaka niya sinara yung pinto ng malakas.

(Bagshh.)

Konti nalang masira ang pinto. Buti nalang talaga pinaalis ko siya katakot eh, pero tama ba ang ginawa ko?

Napabuntong hininga nalang ako at umakyat sa kwarto ko, tiyaka nako humiga sa malambot kong kama. Hinihintay kong makatulog ako pero lagi akong binabagabag ng konsensya Nakakainis!!!

Prince And IWhere stories live. Discover now