Chapter 8

759 11 0
                                    


Trisha's Pov.

Habang nag lalakad kami papuntang sakayan ng jeep, lagi siyang pinag titinginan ng mga tao. O what can i say?

"Saan ba tayo pupunta babae?."

Hangang ngayon hindi parin niya ko matawag sa pangalan ko. Kainis na MG toh!.

"Pupunta tayo sa may sakayan ng jeep."

Sagot ko, poor ako ngayon kaya tipid muna haha, mag ta-taxi sana kaso wala eh tipid talaga.

"Parang karwahe?."

Tanong niya. Lalim nun ah

"Lalim naman, well parang ganon narin yun."

Tumango lang siya, after a few minutes nakarating nakami. Nauna akong sumakay, akala ko kasunod si MG nasa labas parin, at pinag mamasdan ang jeep, hinahanap ata yung kabayo. Anu bayan -_____-
Sinenyasan ko siya na pumasok na, pero wa effect.

Bumaba ako dahil pinag titinginan na siya ng mga tao sa loob.

"Ano bang ginagawa mo?, sumakay kana dali aalis na yung jeep!."

Tinignan niya lang ako. Urgh! Kahit labag sa kalooban ko hinawakan ko ang kamay niya at hinila para sumakay na. At sakto lumarga na ang jeep.

Habang nakasakay kami, hindi siya mapakali, titingin sa likod, sa gilid at parang gustong tumayo.

"Pwede ba wag kang magulo."

Bulong ko sakaniya, tumingin naman sakin at yung mukha niya iritang irita talaga.

"Ayoko dito ang sikip."

Pagrereklamo niya, hays sana pala nag taxi nalang para hindi nakakaabala ng ibang tao.

"Malapit na tayo kaya tiisin mo."

Tumango lang siya pero ang likot parin, may bulate ata to sa pwet eh.

"Kuya wag ka naman magulo kanina pa ko naiipit at nasisiko."

Pag rereklamo ng katabi niya pero siya walang pake, kung baga parang 'no comment' at 'lang pake' ang peg niya.

"Sorry po ate......manong para po."

Sabi ko, ng huminto ang jeep nauna akong bumaba.

"Mg!! Tara na."

Bumaba naman agad siya. Yung mukha niya poker face.

"Saan ba tayo pupunta?."

Sarcastic nitong tanong at nag crossarm, wow kanina lang parang bata tapos ngayon nag ala boss na?

"Ipapa-palit natin yang diamonds para maging pera."

Prince And IWhere stories live. Discover now