Chapter 3

1K 30 1
                                    

Blaze pov.

~Snowblade Kingdom~

"Prinsipe Blaze ikaw ang inatasan na hanapin sina Rosela at Baek-ah."

Sabi ni Tanda.

"Bakit ako pa? Nandiyan naman ang aking kapatid na si Blade."

Si tanda talaga, ang daming alam bakit hindi nalang siya ang gumawa?

"Dahil yun ang ibinigay na misyon ng inyong ama. At ang iyong kapatid ay maraming ginagawa."

Aniya at ipinakita niya sakin ang isang lugar gamit ang kaniyang tungkod.

"Ano naman yan.?"

Tanong ko, kakaiba ang lugar na ipinapakita sakin ni tanda.

"Ito ang mundo ng mga tao, dito mo mahahanap sina Rosela at Baek-ah."

Mundo ng mga tao? Hays si ama talaga. Yari sakin yang sina Rosela at Baek-ah

"Sige, kailan ba ako pupunta roon?."

"Ngayon na, pero tandaan mo prinsipe Blaze, hindi mo magagamit ang buong kapangyarihan mo sa mundo ng mga tao."

Sabi ni tanda at gumawa ng isang lagusan papunta sa mundo ng mga tao.

"Bakit hinde?."
Sarkastiko ko kong tanong.

"Dahil mag iiba ang iyong anyo, magiging kang isang tao, at---."

Hindi ko siya pinatuloy sa kaniyang sasabihin dahil alam ko na ang kasunod non. Ang patakaran namin pagdating sa mga tao.

"Sige na, para agad itong matapos. "

Walang pag alinlangan at pumasok ako sa lagusan. Pinikit ko ang aking mga mata ng ilang segundo at ng imulat ko ulit ito nasa isang lugar ako kung saan may mga bagay na kulay itim at mabaho ang amoy. Hangal ka tanda dito mo talaga ako dinala!

Naglakad ako paalis roon, ng may nakita ako na salamin nakita ko ang aking sarili na iba ang suot at ang aking buhok na kulay puti naging itim na ito.

"Ito na siguro ang mundo ng mga tao."

Naglakad muli ako, hindi ko alam ang pupuntahan ko kaya patuloy lang sa pag lakad kung saan saan. Pinag titinginan ako ng mga tao pero hinahayaan ko lang ang mga ito. Bigla akong nanghihina at may tumunog mula sa tiyan ko.

(Krugg.)

"Ahhh."

Pagsigaw ko at tinakpan ang tenga ko tiyaka na pa upo ano yon? May halimaw ba sa tiyan ko?

"Gutom ka iho?."

Napatingin ako sa nag salita. Gutom? Siguro? Tumango nalang ako bilang sagot.

"O eto."

Aniya at may binigay sakin na bagay kung saan may laman na pagkain siguro? At agad siyang umalis. Binuksan ko ang bagay na yon at may tinapay tiyaka tubig na nakalagay ulit isang garapon?.

Kinuha ko ang tinapay at kinain lahat ito, pinakinggan ko ang tiyan ko baka may tunog nanaman na mang gagaling doon pero wala na. Gutom ang tawag kapag ganon. Kakaiba talaga dito. Pero mas gusto kong kainin ay yelo na bulaklak.

Naglakad muli ako pero nanghihina parin ako, malakas dapat ako, pero bakit ganito?

May nakita akong isang babae, baka matulungan niya ako. Tinapik ko ang kaniyang balikat, agad niya itong tinanggal at parang takot ito sakin.

"K-kailangan ko ng yelo."

Ani ko, meron siyang sinasabi hindi ko ito maintindihan, hangang sa bumagsak na nga ang aking katawan.

Prince And IWhere stories live. Discover now