Chapter 5

837 14 0
                                    


Nandito ako ngayon sa may library at hinahabol ang hininga. Nahihibang na ba si mokong? Argghh yari ako neto kay Amber.

Huhu lupa kainin mo na ako, sana hindi ako mahanap ni mokong dito. Kainis na lalaking yon! Sinisira niya yung tahimik kong buhay dito sa school.

"Gotcha!."

"Ahh. Mokong."

Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras, nag tinginan yung mga nag babasa at sabay sabay sila nag 'ssshh' nako lagot.

Aysh nahanap niya ko. Huhu -___-!

"Babe bakit mo naman ako iniwan doon?."

Babe? Wait what?? Ays keun il nat-da (i'm in big trouble)

"Pwede ba wag mo akong matawag tawag na babe?."

Mahinahon kong sabi pero sa loob looban nang gi-gigil na ko sa inis. Grrr

"So Honey?, sweetiepie?, love?---."

"Shut up!."

Dahil sa sigaw ko na patingin silang lahat sakin at dumating yung nag Librarian.

"Miss you are not allowed to shout here!."

Huhu nakakahiya, asar kasing mokong na to.

"S-sorry po hindi na po mauulit."

Paghingi ko ng dispensa at yumuko, umalis naman siya agad at nag sibalikan sa pag basa ang mga istudyante na nandito.

Napag isipan kong umalis na at hinayaan si mokong doon. Bahala siya naiinis ako sakaniya.

Pumunta ako ng canteen, at bumili ng makakain ko pampatangal ng inis kay mokong. Umupo ako sa gilid kung saan malapit sa bintana, pinag mamasdan ang mga studyante na nag tatawanan kasama mga kaibigan nila. Hindi ako na iingit dahil na sanay na ako. At ayoko na rin ulit masaktan--

Bigla naman akong nakaramdam ng mainit na likido sa may pisnge ko, kinapa ko yun, napaluha nanaman ako. Ewan ko ba bigla bigla nalng babagsak ang luha ko kabag naiisip ko yun.

Pinunas ko yun gamit ang kamay ko, pag baba ko ng kamay may nakita akong nakatayo sa may harapan ko, tumingala ako, kainis naman oh! Siya na naman!!!

(Sniff). "Bakit ka nandito? Aasarin mo na naman ba ako?."

Umiling siya at may kinuha sa may bulsa niya, panyo na color blue.

"Oh eto!. Stop crying you cry baby."

Hindi daw ako aasarin, eh sinabihan ako ng cry baby? Wengya

"No thank you."

Pag susuplado ko kunno, (nako choosy ka pa.)

"Kunin mo na."
Pag pipilit niya.

"Ayoko nga diba, bakit ang kulit mo?."

Inis kong sabi sakaniya at pumatak nanaman ang mga luha ko, ano bayan tama siya i'm such a cry baby.

Bigla siyang lumapit sakin tiyaka niya pinunasan ang luha ko gamit ang panyo na inaalok niya.

Tug. Tug. Tug

Ano nanaman ba yon? Kailangan ko na atang mag pa tingin sa doctor eh.
Napatingin ako sa mga mata niya na dark blue, prang nakita ko na to, ahh kay MG dark blue rin ang color ng mata niya.

"Baka naman malusaw yung mga mata ko niyan."

Natauhan ako at napailing, ang kapal ng isang to. Inilayo ko ang mukha ko at na pa kagat sa ilalim ng bibig ko.

"Haha bakit pulang pula na yang mukha mo?."

Dagdag niya, nanlaki naman ang mga mata ko at hinawakan ang pisnge ko, ang init wahh!

"Wh-what!!!?."

Tumango lang siya at na tatawa. O gosh na kakahiya, dali dali akong tumayo at tumakbo paalis ng canteen at papuntang restroom para makita kung totoo.

Ng makarating doon, tumingin agad ako sa salamin at totoo nga! My gas what's happening to me? ngayon lang nangyari sakin to

"Look who's here?."

Tumayo ako ng maayos at naramdaman ko nalang na pumunta siya o sila sa may gilid ko. Kaya dahan dahan akong humarap sakanila.

"Hey what did you do to my king Jacob? Ginayuma mo siya noh?."

Galit nitong sabi, naniniwala pala to sa gayuma?, and excuse me hindi ko magagawa yun kung totoo man ang gayuma.

"Hindi ko yun ginawa."

Lakas loob kong sagot.

"Oh really?, pano ka niya naging girlfriend? Sa itsura mong yan? Pwe hindi kayo bagay."

O come on, nahiya naman ako sa pag mumukha mo. At tiyaka wla na ba akong karapatan mag karoon ng boyfriend na ganong ka gwapo? Charot lang.

"Hin--"

Mag sasalita pa sana ako ng mag ring ulit yung bell, parang na mumuro na sakin yang bell ah! Panira

"Come on girls, baka ma late pa tayo, mamaya ka lang you ambitious frog."

Aniya at nag flip hair nanaman, at umalis na sila.

"Pwe nakain ko pa buhok niya. Mamaya ka lang you ambitious frog. Ha! Di moko makikita mamaya dahil uuwi ako agad."

Lumabas ako ng restroom na ginaya ang pag lakad ni Amber, pero tinigil ko na kasi mukha akong tanga. Dumeretso na rin akong classroom namin.

Prince And IWhere stories live. Discover now