Chapter 9

694 13 0
                                    


Trisha's pov.

Siguro ilang minutes akong mag hihintay sa labas, bago siya ma tapos. Kaloka yung paa ko ang sakit na huhu.

Kaya na paupo nalang ako sa may gilid. Nag bilang ako ng mga tao na dumadaan, siguro naka 100 nako na may na ramdaman akong nakaupo sa tabi ko.

Dahan dahan akong lumingon. Nagulat ako dahil ang gwapo- este si MG ba ito?.

"Babae! Anong gingawa mo dito?."

Na pa iling ako, si MG nga tss siya lang naman tumatawag sakin niyan. Kainis

"Ahh, sumakit kasi yung paa ko kaya umupo ako rito."

Paliwanag ko, bigla siyang tumayo at inilahad ang kamay niya. Tutulungan ba ko netong tumayo?, dahan dahan kong itinaas ang kamay ko ng mag salita siya.

"Yung ibang diyamante asan?."

Tss wengya naloko ako dun ah! Akala ko pa naman hayz! O come on Trisha as if naman talagang tutulungan ka niya noh. Tumayo muna ako tiyaka ko kinuha yung pera at binigay sakaniya.

"Oh eto...bumili ka na rin ng pangangailangan mo."

Aniya at binigay niya yung kalahati sakin, hindi niya alam bilangin. Tiyaka na siya umalis. Hindi man lang nag paalam tss such a jerk.

Bakit parang umiba ang pakiramdam ko? Habang pinag mamasdan siya na naglalakad palayo.

Bakit ganon? Ayaw ko ba siyang umalis? (Napailing) umayos ka nga Trisha!!

Umalis nalang ako sa mall, tinatamad akong mag libot sa mall, at may pasok pa ako mamayang hapon.

Habang nag lalakad parang may naalala ako, e-eto yung daan na nasa panaginip ko. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Anak!!!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sigaw, napalingon kaagad ako nakita ko yung bata na hinabol ang bola sa may gitna ng kalsada. Yu-yung nasa panaginip ko, tatakbo na sana ako ng mahuli na ang lahat! Pumailalim yung bata sa malaking truck.

"Ahhh!!!."

Sigaw ko at napaluha! Totoo lahat ang nangyari sa panaginip ko. Napaupo ako doon na umiyak.

Wala akong nagawa! Para akong nawala sa sarili at nakatingin lang sa may kalsada kung saan maraming taong nag kukumpulan at may pulis tiyaka na ambulance.

Bigla akong nakaramdam ng may yumakap sa may gilid ko, (snif) lumingon ako kung sino yon. At lalo akong napa iyak kaya napa yakap ako sakaniya.

"Anong nangyari sayo?."

"Yung (sniff) sa panaginip ko nagkatotoo."

Hagulgul ko

"Shh tama na."

Pero patuloy parin ako sa pag iyak dahil sa halo halong na yung pakiramdam ko.

***********************************

Unknown's Pov.

Ba-bakit nawala yung prehensya na nararamdaman ko kanina?. Napahinto muna ako sa pag lalakad at lumingon lingon.

Prince And IWhere stories live. Discover now