Nandito na kami ngayon sa harap ng I don't know kung bahay ba ito o ano ng kapatid ni Wendy,well okay naman siya pero maraming nakatambak na mga gamit. Malayo layo ang biyahe dahil masyadong liblib ang lugar at sa buong byahe ipinamukha ni Wendy sa akin lahat ng kasalanan ko daw kuno,yung pangbubully sa nerd na classmate ko, panghihiya sa teacher ko noon at pag sigaw sigaw sa babaeng naka bangga ko noon sa market. Well,para sa akin it's not my fault naman kasi kung hindi sila stupid edi sana magkakasundo kami. Alam din pala niya ang naging pag aaaway namin ni Ayen noon dahil daw kuno sa akin eh hindi naman, kaya kami nag away noon kasi ayaw pa niya akong lubayan she said na gusto daw niya akong maging friend kuno eh if I know gusto lang niya ako gamitin para sumikat.
"Wendy? Wendy! namiss kita bal! matagal tagal na rin ng huli kang bumisita dito ah? ano ng balita?" sabi noong Renzy sabay dinambahan ng yakap si Wendy.
"Okay lang naman,Ito nga pala si Honey,ibebenta sana namin yung kotse sayo kapalit ng Green card kung pwede sana?" Okay? green card siguro yung tawag sa unli money card? cool!
"Sure! halina kayo pumasok muna kayo para maka kain sakto at kaluluto ko lang ng pananghalian." at pumasok na nga kami si bahay niya,maliit lang ito tamang tama lang para sa kanya,masyadong makaluma yung bahay pero malinis at maganda namang tingnan.
"Honey? pasensiya na ha? ito lang ang nga pagkain dito eh,malayo kasi ito sa bayan kaya minsan lamang ako nakakabili ng mga karne" pagkausap sa akin ni Renzy habang hinahanda ang kalabasa at hindi ko alam kung ano ito pero parang dahon dahon lang.
"It's okay,wala naman na akong magagawa right? bahay mo ito kaya kung anong ibigay mo yun lang ang kakainin ko, sana lang hindi ka bobo magluto" inirapan ko pa siya at kumuha na ng kaunting pagkain.
"Tsk,tsk,tsk ayusin mo nga ang pananalita mo,baka nakakalimutan mong ikaw ang may hinihinging pabor sa kanya kaya mag bigay respeto ka naman pwede ba?" hindi ko na lamang siya pinansin at inumpisahan na ag pag kain,kaunti lang din ang nakain ko dahil ayoko talaga ng lasa ng binigay niya. Tapos na ako pero silang dalwa mukhang ineenjoy pa ang pag uusap tungkol sa mga kaganapan sa buhay nila.
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras nagpaalan na sila sa isa't isa dahil mahaba pa ang byahe namin pero teka! wala na kami sasakyan! paano na kami makakauwi?
"Kumapit ka sa akin para maka alis na tayo,pupunta na tayo sa mansion niyo ngayon" Sinunod ko ang sinabi niya at sa isang iglap nasa may gate na kami at iniiscan na ang finger print ni Wendy para makapasok sa loob. Wow! may scanner na ang gate namin, cool!
"Kakausapin ko nalang si Mam na kung maaari ay ilagay din riyan ang finger print mo para pwede kang makapasok ng hindi ako kasama" paliwanag ni Wendy
"Okay,pwede na ba tayong pumasok I'm so sleepy na talaga eh"
"Later,papakilala ka muna kina Mam sakto naman at kumpleto sila diyan" sabay kaming naglakad papasok at pagkapasok pa lang namin naririnig ko na ang boses ng babaeng tinawag kong impostora.
"Stop it Vernon! pwede ba?! wala akong pake kung bumalik ka ng dahil sa akin! iniwan mo na ako noon so please! stop bothering me!" bulyaw niya da katawagan niya at agad na ibinababa ang telepono noong nakita na niya kami.
"Oh Hey! Sorry for what you heard earlier, by the way aren't you the one who come here last night? tama nandito na si Mom at tama lang ang dating niyo dahil mag tatanghalian na din"
"Yea right I'm Hon--"
"Hanna!siya po si Hanna mam siya po ang pinsan ko at nabalitaan ko rin po ang nangyari kagabi kaya pasensiya na po,naglasing lang po ang pasaway na ito pero hwag po kayong mag alala,okay na po siya ngayon" what the hell,Hanna? kailan pa akong naging Hanna ang dami talagang pakana nitong si Wendy
YOU ARE READING
Let's See the Future Honey!
FantasyHoney Delos Santos is known for being a brat in their school. Sa edad na labing anim ay madami na siyang nagawang kamalditahan hindi lamang sa tahanan pati na rin sa paaralan. Paano na lang kung magigising siya sampung taon patungo sa hinaharap na m...