Alas siyete pa lamang ay ayos na ayos na ako. Sinabihan ko kasi si Aira na alas otso siya pumunta dito at eto ngahandang handa na ako.
"Oh Hanna, handa na din ako parating na ba si Aira?" nagulat pa ako ng may mag salita da likod ko, hinarap ko siya at ngumiti ako.
"Ah, siguro papunta na siya. Malayo layo din kasi ang kanila dito eh."
"Ganoon ba? Sige halika at samahan mo ako sa kusina. Mag luluto ako ng pag kain para makakain tayo pag dating niya." tumango na lamang ako at dumiretso na kami sa kusina.
"Mag sinigang na lang kaya ako? ano sa tingin mo?" sabi niya habang inihahanda ang mga gagamitin sa pg luluto Nakaka ilang pa rin na nakikipag usap ako sa sarili ko haay, hindi na ata ako masasanay.
"Yep! masarap nga iyon at siguradong magugustuhan din ni Aira dahil luto mo" ngumiti lang siya ng maliit na parang hindi siya sigurado sa sinabi ko.
"Tingin mo? baka kasi masama pa ang loob niya sa akin eh. Bakit ba naman kasi sobrang sama ko noon? kung hindi pa ako na in--"
'Ding dong' Ding dong'
"Oh? andiyan na siya? buksan ko na ah?" sabi ko kay Honey at tumango lamang siya.
pagkabukas na pag kabukas ko ng pinto hindi si Aira ang bumungad sa akin kundi si Vernon? kung tama ang pag kakatanda ko siya si Vernon ang dating boyfriend ni Honey.
"Ahm...Hello! nandiyan ba si...Honey?" gwapo nga siya kaya siguro ako na inlove sa kanya pero halatang playboy din eh! sa gwapong to imposibleng makuntento siya sa isa.
"Anong kailangan mo sa kanya? sa pg kakatanda ko ikaw ang naging dahilan ng pag iyak niya ah?!" nanlaki ang mata ng gago sabay iling.
"Hindi, ano nag kakamali ka. Hindi mo kasi naiintindih--"
"Hanna anon-- Vernon?! ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" sabay kaming napalingon kay Honey na kakadating lang at halatang galit siya.
"May gusto lang sana akong sabihin sayo. P-pwede pa tayong mag...mag usap?"
"Hannah,diba marunong ka namang mag luto? pwede bang ikaw na ang mag tuloy?" tinanguan ko siya at nag lakad na papasok ng bahay
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko na kailangan ng explanation mo?" rinig ko pang bulyaw ni Honey bago ako tuluyang naka pasok sa bahay.
"Haaay! I really need to make a move!" pumunta ako sa kusina para ipag patuloy ang ginagawa ni Honey at tinawagan ko na din si Aira sanay naman akong mag multi task eh hehehe.
*ring* ring* ring* ri*
"Hello Aira? where na you? dito na me?" bungad ko sa kanya.
"Ah oo, malapit na ako maaga din kasi akong umalis sa amin eh."
"Sige sige. nag luluto na din ako. Ingat ka ha? sige ibababa ko nato" ibinaba ko na din agad ang tawag at nag focus sa niluluto ko.
Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa din pumapasok dito si Honey patapos na akong mag luto pero hindi pa sila tapos? baka na kidnap na yun ah?
"Tuloy ka. Nasa kusina pa si Hanna pinag papatuloy niya kasi ang niluluto ko eh. Pero siguro patapos na din siya" oh? pinapasok niya si Vernon? akala ko ba warla sila?
"S-sige hintayin ko na lang siguro siya dito?" Oh! si Aira yun ah?
"Ah sige ahm A-aira pwede ba tayong mag usap? kung ayos lang sana sayo?" Great! ganyan nga Honey fighting!
YOU ARE READING
Let's See the Future Honey!
FantasiaHoney Delos Santos is known for being a brat in their school. Sa edad na labing anim ay madami na siyang nagawang kamalditahan hindi lamang sa tahanan pati na rin sa paaralan. Paano na lang kung magigising siya sampung taon patungo sa hinaharap na m...