"Honey? Honey Delos Santos?..."
"Aira..." bulong ko sa pangalan niya.
"What are you doing here? hindi ka pa rin ba tapos sa pagpapahirap mo sa akin? Ano ha? ipapahiya mo na naman ako? Ano?! ipag yayabang mo na maganda ka parin? na mukhang hindi ka tumatanda?!" bulyaw agad niya sa akin. Tss, mukhang nagalit nga siya.
"Look,I'm not Honey Delos Santos okay? maraming nagsasabi na kamukha ko nga daw kuno siya pero I don't care hindi ako siya at iba ang ipinunta ko dito." lies,sabi sa akin ni Wendy mag gawa na lang daw ako ng kwento,ako na daw ang bahalang dumiskarte para mapalapit kay Aira na hindi sinasabi ang tungkol sa pagpunta ko sa future.
"Then who are you? Sino ka at bakit ka nandidito? nandito ka ba para sa akin?" base sa pag titig niya sa akin alam kong nacucurious siya.
"Yea, nandito ako para sayo. Pero pwede bang sa loob tayo ng apartment mo mag usap?...Manang pwede po ba yon?" tanongvko kay manang Helena kung tama ang pag kakatanda ko sa pangalan niya.
"Siyepre naman iha,siguro kailangan niyo nga munang mag usap para maayos niyo ang hindi niyo pag kakaintindihan" umalis na ang matanda at nagtuloy sa pag wawalis mukhang matanda na talaga si manang helena kung titignan mo siya mukhang nasa 60 pataas na ang edad niya.
"Sumunod ka sakin...Honey" bingi ba ito? sinabi ko ng hindi ako si Honey na tinutukoy niya eh. Nag lakad kami hanggang sa 2nd floor nitong apartment mukhang dito na ang unit niya.Pumasok kami at okay naman ang itsura,tama lang ang sukat nito dahil mag isa lang naman siya dito.
"So...what are you doing here Honey? ano ba talagang pakay mo at ginugulo mo na naman ako? hindi paba sapat na sirang sira na ang kumpyansa ko sa sarili ng dahil sayo!" hindi parin siya tumitigil sa pag tataas ng boses niya sa akin.
"Aish! Hindi nga ako si Honey okay? ako si Hanna at ipinadala ako dito dahil may nag sabi sa akin na hindi ka daw makakuha ng magandang trabaho dahil kulang ka sa self confidence, ipinadala ako dito para ayusan ka at tulungang hanapan ng trabaho" buti na lang at magaling akong gumawa ng istorya,kaya mukhang malulusutan ko ito.
"At sino namang nag padala sayo? si Honey? o baka naman ang asungot na si Jameson the fuckboy?" nanlaki ang mata ko,so may contact parin sila ni Jameson hanggang ngayon?
"Bago sagutin yang tanong mo pwede bang maupo muna tayo? nakaka ngalay kayang mag usap ng nakatayo!" pinanlisikan niya ako ng mata,mukhang nagalit dahil sa bigla kong pag babago ng usapan. Binigyan niya ako ng plastic na upuan katapat ng kaniyang inuupuan.
"So ano na? Sino sa dalawa ang nagpadala sayo dito?" at mukhang siya pa ang naiinip sa amin ah? pasalamat nga siya at hahanapan ko siya ng trabaho eh.
"Well may ibang nagpadala sa akin dito. Hindi si Honey,wel I know her dahil amo siya ng pinsan ko pero hindi naman kami madalas ng kakausap kaya hindi siya ang nag padala sa akin dito, at sino pala yung Jameson?" siyempre kailangan kong mag maang maangan para may masagap na kaalaman.
"Tss,siya yung lalaking fuckboy na kilala ko mula high school palang. Isa siya sa mga dahilan kung bakit umalis ako sa school noon. May pagtingin kasi ako sa kanya noon pero ayun nga dahil sa Honey Delos Santos nayon nilait lait ako ni Jameson na nakakasuka daw kuno ako, at kung ano ano pa. Pero nitong mga nakaraang taon nag umpisa na siyang mangulit ngulit sa akin. Pinepeste niya ang buhay ko at pinakikialaman ang pag hahanap ko ng trabaho, gusto niya kasi na sa kompanya niya ako mag trabaho hindi ko alam sa kanya gusto lang ata niya ng makukulit kaya niya ginagawa yon" kita mo nga naman, mukhang nag kabaliktad ang mundo ah? biruin mong si Jameson pa ngayon ang nagungulit kay Aira.
YOU ARE READING
Let's See the Future Honey!
FantasíaHoney Delos Santos is known for being a brat in their school. Sa edad na labing anim ay madami na siyang nagawang kamalditahan hindi lamang sa tahanan pati na rin sa paaralan. Paano na lang kung magigising siya sampung taon patungo sa hinaharap na m...