Gaya ng napag usapan,nandito ako ngayon sa tapat ng apartment ni Aira,late na ako ng mga 15 minutes dahil sa biyahe. Nadatnan kong nag uusap si Manang Helena at si Aira sa terrace habang nakaupo sa sofa.
"Mabuti naman kung ganoon,mabuting bata iyang si Hanna tama lang din ang desisyon mo na baguhin ang pag aayos mo dahil sa panahon ngayon,hinuhusgahan na pati ang pananamit ng isang tao." mukhang nag kukwentuhan sila tungkol sa pagtulong ko kay Aira.
"Oo nga po eh, hindi ko alam na meron palang kabataan na handang tumulong sa kagaya ko.Naalala niyo po ba yung naikwento ko sa inyong babae noon si Honey? yung taong dahilan kung bakit hiyang hiya ako ngayon?" Ako yun ah?
"Ah,yun bang ipinahiya ka sa harap ng kamag aaral mo at sa taong iniibig mo?"
"Opo siya po, alam niyo po kamukhang kamukha siya ni Hanna noong nasa ganoong edad pa lang kami. Nakakatuwa ngang isipin na ang tumutulong sa akin ngayon ay kamukha ng babaeng ang baba ng tingin sa akin." medyo natawa siya habang nag kukwento.
"Basta iha,tatandaan mo na masama ang magtanim ng sama ng loob. Wala kasing magandang maidudulot kung may galit diyan sa puso mo,baka mas lalo mo lang iyang ikapahamak."
"Alam ko naman po iyon manang,iyan din po ang sabi sa akin ni nanay,kaya nga po mahal na mahal ko siya eh,dahil kahit hindi kami mayaman sa pinansyal mayaman naman kami sa kaalaman at kabutihan" feeling ko tuloy ang sama sama kong tao. Kahit hindi pa man nangyayari, ako parin ang magiging dahilan kung bakit bumaba din ang tingin ni Aira sa sarili niya. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nilang dalwa.
"Magandang umaga po sa inyo, ahm...Aira ready kana ba? madami dami din kasi tayong gagawin ngayon"
"Oh andiyan kana pala. Oo kanina pa akong ayos,katunayan hinihintay na lang kita"
"Ganoon ba? sige. Manang hiramin ko po muna si Aira ah? promise I will take care of her"
"Ano ka bang bata ka, may tiwala ako sayo. Sa totoo lang natutuwa ako sa mga batang katulad mo. Tumutulong kahit hindi kilala bukod doon. Tumutulong din kayo ng walang hinihinging kapalit." halata sa mukha ni manang na masaya siya,hindi para sa kanya kundi para kay Aira,siguro nga tunuturing na niya si Aira bilang anak kahit kalilipat pa lang dito ng huli.
"Sige na manang alis na po kami. Ingat po kayo dito, babalik din po ako kaagad pag katapos namin"
"Sige mga iha, mag iingat kayo. Marami pa namang masasamang loob ngayon." tinanguan lang namin si manang at pumunta na sa sakayan.
Halos 15 minutes lang ang naging biyahe namin dahil malapit lapit lamang sa kanila ang mall, kung tatanungin niyo kung anong suot niya,well nag palda siyang itim na lampas sa tuhod at blouse na asul sa tama lang sa kanya at sandals na kulay itim din, kung tutuusin okay lang naman ang suot niya,pero kung ikukumpara mo sa mga damit ngayon? parang panahon pa ng hapon ang disenyo at pagkakagawa ng damit niya.
Inumpisahan na namin ang make over niya, pumunta muna kami sa boutique,mukhang bago lang ito dahil doon sa kasalukuyang taon eh hindi pa kilala ang damitan na ito pero ngayon madami na ang bumibili dito.
Kinuha ko si Aira ng isang denim pants at white printed shirt.
"Ayan isukat mo iyan,maganda yan kaya kapag kumasya hahanap pa tayo ng ibat ibang design" Tinanguan niya ako at saka pumunta sa fitting room. Ilang minuto lamang ang naalioas ay lumabas na siya. Well, tamang tama sa kanya ang sukat na binigay ko sa kanya kaya tinanguan ko sa at pumasok ulit siya para suotin ang nauna niyang damit. Noong lumabas siya,nagsimula na ulit akong mag hanap ng iba pang damit. Sunod lang siya ng sunod sa akin at tinitingnan kung ayos lang ba ang mga pinipili ko. Minsan umaangal siya dahil masyado daw miikli ang mga damit na kinukuha ko kaya ang kinalabasan, 5 denim pants, at 5 printed shirt lang din ang nabili namin. Well pwede naman na iyon. Kung makikihalubilo siya sa mga tao ngayon ay kaya ng makipag sabayan ng mga damit na iyon. Binayaran na namin ang binili,salamat na lang talaga sa green card na binigay sakin noong kapatid ni Wendy.
YOU ARE READING
Let's See the Future Honey!
FantasyHoney Delos Santos is known for being a brat in their school. Sa edad na labing anim ay madami na siyang nagawang kamalditahan hindi lamang sa tahanan pati na rin sa paaralan. Paano na lang kung magigising siya sampung taon patungo sa hinaharap na m...