"Good morning, dito ba nakatira si Aira Costibaños?" tanong ko sa ikatlong landlady na nakausap ko ngayong araw.
"Ay,miss yung kulot ba na nakasalamin? lumipat na kasi siya dahil hindi na siya nakakabayad" Aish! lahat na lang ng pinagtanungan ko ganyan din ang sinabi.
Maaga palang inumpisahan ko na ang misyon ko,dahil kagaya ng sinabi ni Wendy kahapon,madami pa akong kailangang ayusin kaya dapat magsimula na ako para maayos ko na din ang sarili ko. Nalaman ko ang mga details tungkol kay Aira Costibaños dahil may pinainom na parang gamot sa aking si Wendy para daw mapunta daw ang isip ko doon sa scene ng pinangyarihan ng kamalditahan ko kay Aira
Nandito ako sa isang convenience store dahil hindi na ako inabot ng klase namin kaya hindi na lang ako umattend. Buti na lang at hindi ako pinapa alis ng may ari nito or yung manager nito. Mga 30 minutes pa bago ulit buksan ang gate ng school para sa mga na late kagaya ko ng may dumating na babaeng kulot kulot ang buhok at may makapal na salamin,wala kaming uniform dito kaya civilian ang suot namin at yung kanya? usual na nerdy style,mahabang palda at long sleeve na shirt na medyo may kalakihan sa kanya hindi lang yun,pang matanda din ang kulay ng damit niya kaya hindi talaga kaaya ayang tingnan.Nakangiti siya pero nung nahagip ng mata niya ang klase ng titig na ibinibigay ko sa kanya agad nawala ang ngiti sa labi niya.
"Ahm,Miss bakit? may dumi ba sa mukha ko?" mahinhin siya kaya kinailangan pa niyang lumapit ng konti para madinig ko yung sinabi niya.
"Actually,yung buong mukha mo mukhang dumi!" malakas ang pagkakasabi ko noon kaya nakuha ko ang atensiyon ng ibang customer dito.Tiningnan ko ulit yung babaeng mukhang nerd na ewan at nagulat ako ng makitang hilam na ang mata niya ng luha.
"Oh,such a crybaby eh? why are you crying? I'm just being honest here! No offense ha,pero kasi kahit sino walang mag kakainteres sayo.Look at your style! your fashion,that's too old for you. I'm sure hindi lang ako ang nag sabi niyan sayo kaya hwag kang umiyak diyan. Pasalamat ka nga at sinabi ko pa iyan sayo para matauhan kana dahil kapag hindi,hindi ka matatanggap sa trabaho niyan. Sino ba namang tao ang mag hahire ng mukhang manang diba? that's gross hahahaha!" mapanuyang sabi ko sa kanya na naging dahilan ng pagtakbo niya habang umiiyak. Tsk,tsk,tsk such a weak woman,buti na lang iba ako sa kanya.

YOU ARE READING
Let's See the Future Honey!
FantasyHoney Delos Santos is known for being a brat in their school. Sa edad na labing anim ay madami na siyang nagawang kamalditahan hindi lamang sa tahanan pati na rin sa paaralan. Paano na lang kung magigising siya sampung taon patungo sa hinaharap na m...