Chapter 5

3.3K 98 0
                                    


Calli


Dumating ako sa cafe na abala ang mga tao sa pag lilinis.Nagpalit agad ako ng uniform at lumapit kay Marie.

"Pssst marie.Anong meron ba't sinisipag kayo maglinis?" pasimpleng tanong ko dito habang ang kamay ko abala sa pag punas sa salamin ng istante.

"Hindi ka ba na inform na darating ngayon si Ms.L?" pabulong din nitong sagot.

"Ah kaya pala." nakangiti kong sagot.

"O ba't ka nakangiti?" umiling ako at bumalik na sa pag pupunas.Grabe excited akong makita ang boss namin.Sabi kasi nila ang ganda daw nito pero masungit nga lang.Kinuha ko ang mop at mag ma mop sana ako ng sahig ng huminto si Ma'am Cynthia sa harap ko at may dalang paper bag.

"Callista pumunta ka muna sa mall at palitan mo ang item na to.Nariyan ang resibo sa loob.Bilisan mo dahil darating si Ms.L.Ayoko ng babagal bagal."Pinaglihi siguro tong si Ma'am sa sampalok o kaya sa kamias,ang asim kasi lagi ng mukha.

Tumango lang ako at nagpalit na ng damit.

Nagmamadali akong lumabas ng coffee shop para makasakay agad ng jeep ng di ko sinasadyang makabunggo ang isang babaeng kakalabas lang din ng sasakyan nya.Nahulog ang dala dala nitong mga papel kaya yumuko ako para pulutin ang mga ito.

"Naku pas-." Nahinto ako sa pagsasalita ng iangat ko ang ulo ko at makilala kung sino ang naka bangga ko.Siya yung kaibigan ni Maggie na kasama sa starbucks dati.

"Diba ikaw yung kaibigan ni Maggie?.Sorry talaga ha.Nagmamadali kasi ako." saad ko habang inaabot ang mga papel.

Nag aalin'langan akong ngumiti dahil sa itsura nito ngayong wala man lang emosyon.Hindi ko alam kung galit ba sya o ano.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka makaabala ng tao." sinara nito ang pinto ng sasakyan at tiningan ako mula ulo hanggang paa.

"And one more thing.Hindi porket’ magkaibigan kayo ni Mags ay magkaibigan narin tayo!" matapos nyang sabihin yun ay umalis agad sya at naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko.

"Hoy hindi ako nag a'assume na maging kaibigan ka noh.Ang ganda mo nga pero napaka antipatika mo!!!" pahabol kong sigaw sa kanya pero di nya na ito pinansin at dire'diretsong naglakad.

Naalala kong inuutusan pala ako ni Maam Cynthia kaya nagmadali akong pumara ng jeep.Biglang kumirot ang dibdib ko ng maalala ko ang sinabi ng matapobreng kaibigan ni Maggie.

Hindi porket’ magkaibigan kayo ni Mags ay magkaibigan narin tayo.

Napaka antipatika at napaka hambog ng babaeng yun.Akala nya kung sino sya.Bakit? porke ba mahirap ako e hindi na ako pwedeng magkaroon ng mayamang kaibigan? Aba,mabuti nalang at hindi naging ganun ang ugali ni Maggie.

Dumiretso agad ako sa mall at ginawa ang utos ni Ma'am Cynthia.After 20 mins ay inabot na saken ng babae ang paper bag kaya umalis na rin ako.

Lagot nanaman ako nito kay Maam Cynthia.Pasado alas onse na pero nandito parin ako sa jeep dahil inabot ako ng traffic.

Naiinip na ako sa kinauupuan ko dahil bukod sa mainit,ay amoy putok pa ang katabi ko.Pakiramdam ko tuloy dumidikit na ang amoy nya saken.:(

Haggard na ako tapos ang tagal pang umusad ng sinasakyan ko.

**

Tumakbo agad ako papuntang cafe pagkababa ko ng jeep.Inayos ko ang sarili ko bago ako pumasok dahil baka andyan pa si Ms.L,nakakahiya naman kung para akong ginahasa sa itsura ko.Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin saka pumasok.

Himala,wala ata si Kuya guard ngayon.

Tawanan ng mga kasamahan ko ang narinig ko pagkapasok ko ng cafe.Ang saya naman ata nila.

Lumapit ako sa kanila."Nasaan si Ma'am cynthia?Ibabalik ko kasi tong inutos nya."

"Kaya nga kami nagsasaya dahil wala ang dragon!" saad ni kuya ronie na natatawa.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako mapapagalitan ngayon.

"Akala ko pa naman malalagot nanaman ako kay Maam Cynthia kasi natagalan ako.Mabuti nalang at wala pala sya.Teka akala ko po ba andito si Ms.L?"

"Oo.pero saglit lang sya dito.Nag check lang ng sales at inventory.Tapos umalis din agad kasama si Ma'am Cynthia" sagot ni Marie habang ngumu'nguya ng egg pie."Syanga pala,maaga tayo magsasara ngayon.Kaya wag kana mag palit ng uniform"

Naupo ako sa tabi nito at kumain na rin ng egg pie.

Bigay daw sa amin ito ni Ms.L dahil malaki ang sales ng cafe the whole month.Kung ganto ba naman lagi ang mangyayari e di ang sarap ng buhay namin.

Nag yaya sila Kuya Ronie na kumain sa labas at mamasyal pero tumanggi ako.

Tutal linggo naman bukas kaya maglalaba na ako tapos yayain ko nalang si Celine na magsimba bukas.

***

Pagdating ko sa bahay,nadatnan kong umiiyak si Celine.Nilagay ko ang bag sa mesa at lumapit sa kanya.

"Lin ba't ka umiiyak ha? pinagalitan ka ba ni mama?" niyakap ko ito na lalong nag pa iyak sa kanya.

Suminghot ito bago sumagot "Ate kasi nanuod ako ng the notebook.Nakakaiyak pala yun!" sabay pahid ng uhog kaya bigla ko itong naitulak.

"Putcha ka Celine.Akala ko kung napano ka!" hinampas ko uli ito sa balikat at si tanga naman tawa ng tawa pero tumutulo parin ang luha.

"Kumain kana ba? baka gutom lang yan Lin." tanong ko dito pero bigla itong tumayo at kumuha ng tubig sa ref.

"Kanina pa ako kumain.Ikaw ate kumain kana ba? may tirang adobong baboy sa ref initin mo nalang." lumapit ulit ito sa akin at binuksan ang t.v.

Hindi pa naman ako gutom kaya umakyat muna ako sa kwarto para magpalit.Humiga ako sa kama pagkatapos kong magbihis,bigla naman akong nakaramdam ng antok.Mamaya nalang ako maglalaba!

***

Alas kwatro y medya na ng magising ako.Naligo ulit ako at bumaba para umpisahan na ang paglalaba.

Naglalagay na ako ng mga labahin sa washing machine ng may makapa ako sa bulsa ng short ni mama.

Kinuha ko ito sa loob.Papel lang pala.Tinapon ko ito sa mesa at nagpatuloy sa ginagawa.Parang nangangati ang kamay ko na kuhanin ang papel kaya kinuha ko ulit ito sa mesa.Inikot ko muna ang timer ng washing at binuklat ang papel.

To my dearest Celeste,

     How's my daughter Calli and Celine?.I really want to see them but my wife did'nt allow me to visit them again.I really miss my children Celeste.If only I can fly,then i will do it right away just to see them.I know that God will make my way to see them someday.Sorry if I can't send you money.My wife uses all of my account.Please let them feel that I love them so much.Hug and kiss them for me Celeste.
          Please don't tell them that I always send letters to you.I dont want them to hate me.Take care of our daughters.

                                                           Javier

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.After all this time,nagsusulatan sila ni mama.Ang saya ko na kahit sa sulat lang na ito naramdaman ko ang pagmamahal ni Papa.

Tinago ko ang sulat sa bulsa ko.Nag iisip ako kung dapat ko bang sabihin kay mama at celine ang natuklasan ko o ililihim ko nalang muna ito.

Siguro kakausapin ko nalang si Celine tungkol dito at ipapaintindi sa kanya tutal matured na mag isip yun.

Sana magkita kita din kami balang araw at sana kahit may iba ng pamilya si papa ay makasama parin namin sya kahit saglit.

Tinapos ko na ang paglalaba ko para makausap ko agad si Celine tungkol sa nabasa ko.


----------------------------

Into You (gxg tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon