Chapter 6

3.1K 93 0
                                    

Celine


Hello po makikiepal lang po ako sa story ni ate Calli ah.Utos kasi ni author.😅

Ako si Celine Ferrer,14 years old palang ako.Pero parang 21 na daw ako mag isip.Grade 9 na ako sa pasukan.Nasabi na siguro ni ate Calli na lima kaming magkakapatid.Oo at pangalawa ako sa kanya.

May sikreto ako.Atin atin lang to ah.Bisexual po ako.May naging girlfriend narin ako dati nung Grade 7 ako.Bisexual din sya tulad ko.Pero dahil nag migrate sila sa amerika kaya nag hiwalay kami.Nag mi message sya saken sa facebook pero ayoko ng LDR.Dinaig ko pa nga si ate Calli.Kasi NBSB yun.

May girlfriend ako ngayon.Grade 10 na sya sa pasukan,school mate ko din sya at bisexual din.Hindi naman ako ang nanliligaw sa kanila.Sila ang lumalapit saken dahil mahiyain ako.

Pero,nakipag break ako sa kanya ngayon.Nahuli ko kasi sila ng bestfriend ko na naghahalikan sa likod ng bahay nila.Dun kasi ang tagpuan namin kapag nagkikita kami.Sobrang sama ng loob ko habang pauwi ako sa bahay.Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak dahil 8 months din kaming naging mag syota.Dumating si ate calli galing sa trabaho at naabutan ako nitong umiiyak.

Nilapitan nya ako at niyakap kaya lalo lang akong umiyak.Gusto ko sanang mag open sa kanya ng problema ko kaso nag dalawang isip ako kasi baka hindi nya ako maintindihan,alam ko kasing straight si ate calli at hindi pa sya nakaranas magmahal.

Nung tanungin ulit nya ako kung bakit ako umiyak.Sinabi ko nalang na nanuod ako ng The Notebook.Pero wala kaming dvd nun.Di ko nga alam kung bakit naniwala si ate calli.Siguro dahil nadala sya sa pag hampas saken.

Pinilit kong nilabanan ang luhang gusto ulit pumatak kaya kumuha ako ng tubig sa ref.Akala ko magtatagal pa si ate sa sala pero buti nalang at umakyat na sya sa kwarto nya kaya malaya kong binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Dumating sila mama na mugto ang mata ko.Tinanong nya ako kung anong ngyare saken pero tulad ng sinabi ko kay Ate calli ay ganun din ang sinabi ko sa kanya.At tulad din kay ate calli naniwala din agad si mama.Tsk!

Nasa mesa na kaming lahat para kumain ng makita kong hindi umiimik si ate calli.Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit pero kinakausap sya ni mama.

Ako ang nagprisinta na maghugas ng mga pinggan ngayon para maaliw naman ang sarili ko dahil nakakapagod magmukmok.

Pagkatapos kong maghugas ay nagwalis ako na bihira ko lang gawin.Kaya inaasar ako ni mama na baka daw may lagnat ako kaya gumagawa ako ng gawaing bahay ngayon.Tinawanan ko nalang ito at dumiretso sa sala para makinuod sa mga kapatid ko.

Naaliw naman ako sa pinapanuod ng mga kapatid ko.Si ate Calli naman tulala lang na akala mo nanunuod pero lagpas naman sa t.v ang mata.

Nakatanggap ako ng text mula kay Louise na nasa labas daw ito.Si louise po ang girlfriend ko na brineak ko kanina lang.

Lumabas ako at hinarap ito."Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong sa kanya.

"Babe pakinggan mo naman ako please."sabi nito saken at akmang lalapit sa akin.

"Tang ina mo.Wag mo na akong mababe babe dyan.Wala na tayo diba?" pagalit kong sigaw.

"Celine please.Mali kasi ang akala mo.Nabigla din ako sa paghalik ni Agatha,pero maniwala ka sinampal ko sya after nun!" hinawakan nito ang kamay ko pero tinanggal ko agad.

"Umalis ka nalang louise.Ayoko ng masaktan pa." pagtataboy ko sa kanya,sobra talaga akong nasaktan sa ginawa nya.

"No.ayoko.kilala mo ako Celine.Hindi ako basta bastang pumapatol lalo na kung di ko talaga gusto." yayakapin sana ako nito pero sakto ding bumukas ang pinto at lumabas si mama.

"O Louise andyan ka pala.Pumasok na kayo dito sa loob.Malamig na dyan sa labas.Dito na lang kayo mag usap."saad ni mama.

"Oo ma.saglit lang kami dito."

Niyakap agad ako ni Louise ng bumalik si mama sa loob.Naramdaman kong may pumatak na luha sa balikat ko.Pinaharap ko sya saken at pinunasan ang luha nito.

Hindi ko pa pala sya kayang balewalain.

"Anong mangyayari kapag pinatawad kita?" tanong ko habang pinupunasan ang luha nya.

"I will be a better girlfriend.please patawarin mo na ako." narinig ko naman na hindi nya ginusto ang ngyare kanina kaya pinatawad ko na siya.Hinalikan ako nito sa labi ng sobrang bilis.

"Uuwi na ako.Si mommy kasi 30 minutes lang ang binigay saken para lumabas.Sorry ulit and I love you Celine." niyakap ko sya at pinag para ng tricycle para makauwi agad ito.Pumasok ako ng bahay ng nakangiti.

Nakita ko si ate na nakatingin saken ng seryoso.Kinabahan ako bigla,hala baka nakita nya ang pag halik saken ni Louise.Didiretso na sana ako sa hagdan ng tawagin ako nito.Oh my gulay!! nakita nya nga ata!!

"Celine sumama ka saken sa kwarto.may pag uusapan tayo." kinabahan ako lalo dahil buong pangalan ko ang ginamit nito at sobrang seryoso ng mukha nito.

"Ate bakit?"

Hinila ako nito papasok sa kwarto nya sabay lock nito.

"Ate mali ang inaakala mo,oo magka-"di natapos ang sasabihin ko nung hinampas ako nito ng unan.

"Anong pinagsasabi mo?" tanong nito na nagtataka.

"Ha?Ah wala ginaya ko lang yung napanuod ko sa t.v,ano ba kasing sasabihin mo ate parang sobrang importante naman nyan para magkulong pa tayo dito." naupo ito sa kama at humarap saken.

"Oo importante to kaya wala kang ibang gagawin kundi tumahimik." binigay nya saken ang papel."Basahin mo."

To my dearest Celeste,

How's my daughter Calli and Celine?.I really want to see them but my wife did'nt allow me to visit them again.I really miss my children Celeste.If only I can fly,then i will do it right away just to see them.I know that God will make my way to see them someday.Sorry if I can't send you money.My wife uses all of my account.Please let them feel that I love them so much.Hug and kiss them for me Celeste.
Please don't tell them that I always send letters to you.I dont want them to hate me.Take care of our daughters.

Javier

May tumulong luha sa mata ko,napipi ata ako sa nabasa ko.Tiningnan ko si ate Calli na ngayon ay umiiyak din.Niyakap nya ako na pareho paring umiiyak.

Humarap ako kay ate ng medyo lumuwag ang pakiramdam ko.

"Lin,isa lang ang hiling ko.Wag na wag mong ibabanggit to kay Mama ha."pakiusap ni ate.

"Oo ate.Akala ko walang pakialam saten si Papa.Yun pala dahil sa bago nyang pamilya kaya di nya tayo nadadalaw.Kala ko habang buhay na nating di makikilala ang papa natin ate." umiyak ulit ako ganun din si ate.

Ito na ata ang pinakamasayang gabi sa buhay ko.Ang malaman na may tatay kaming gustong gusto kaming makita.At kahit pinagbabawalan sya ng asawa nya na magkaroon ng koneksyon samen ay nagagawa parin nyang magpadala ng sulat para kumustahin kami.

----------------------------------

Into You (gxg tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon