Chapter 28

2.8K 89 11
                                    

Celine

"Babe gusto ko yun!" turo ni Louise sa dress na nasa botique.

"Sige bilhin mo na.Pupunta lang ako saglit sa restroom naiihi na ako."

"Ok hihintayin nalang kita dito!"

Naghanap ako ng malapit na restroom.Maaga pa naman pero marami ng tao sa mall.

Nahagip ng mata ko ang babaeng nag aayos sa harap ng salamin."Ate maggie?Ate maggie ikaw nga." saad ko.

"Celine??Oh my God Celine,namiss kita!" nagyakap kaming dalawa.

"Kamusta po? Ngayon nalang ulit kita nakita."

"Kaka balik ko lang kasi galing Europe.Ikaw kumusta? Si calli kumusta?"

"Ok lang po.Lalo po kayong gumanda dyan sa buhok mo." nagpa ikli kasi ito ng buhok na talagang bumagay sa maliit nyang mukha.

"Thank you celine.Alam mo dalagang dalaga kanang tingnan at lalo kang gumanda."

"Talaga po?" kinamot ko ang ulo ko.

"Yes.Oh by the way who are you with?"

"Kasama ko po ang mga kaibigan ko.Ikaw  po sinong kasama mo?"

"My cousin.Pero nasa car na sya." binigay nito ang phone saken."Save your number so we can catch up."

"Matutuwa yun si ate kapag sinabi ko na nagkita tayo." saad ko.Binalik ko ang cellphone dito.

"Celine I won't take long.Marami pa kasi akong gagawin ngayon.So pano? Mauuna na ako ha."

"Sige po ate maggie.Sasabihin ko nalang kay ate calli na kinakamusta mo sya."

Nakipag beso sya saken bago tuluyang umalis.

Lalo talaga syang gumanda ngayon.

Pagkatapos kong umihi bumalik agad ako sa boutique na pinag iwanan ko kay Louise.Malayo pa ako pero nakikita ko na ang naka kunot nitong noo.Lagot! beastmode na nanaman!

"Celine!!Kanina pa ako nag aantay sayo dito.Akala ko nakain kana ng bowl!" galit nitong saad.

"Sorry babe.Nakita ko kasi si ate maggie sa restroom.Nag kamustahan lang kaya medyo natagalan."

"Talaga?E nasan na sya?"
ang bilis mag bago ng mood.Tsk!

"Umalis na.Marami pa daw kasi syang gagawin.Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Hay naku andun na silang lahat sa sasakyan. Tayo na nga lang ang hinihintay e." napakamot ako sa ulo saka inakay si louise papunta sa parking area.

***

"Text mo ako mamaya ha.I Love you." saad ni Louise.

Ako ang una nilang hinatid kasi mas malapit ang bahay ko.

"Okay.Love you too!"

"Tama na yang kakesohan nyo." sigaw ng bakla kong kaibigan.

"Hoy xander ford baka gusto mong bumalik sa matris ng nanay mo.Tumahimik ka dyan." pag bibiro ko.

Inirapan ako ni Louise."Makikipag lokohan pa e.Pumasok kana sa inyo."

"Oo.Pababa na nga e.Ingat kayo mga panget.Babu!!" saad ko habang pababa ng van.

"Celine puro nalang gala yang inaatupag mo ha!"

Napahawak ako sa dibdib ko."Oh my gulay Ma!! nakaka gulat ka naman e!" sigaw ko.

"Sinisigawan mo ko? Ikaw bata ka ha yang paa mo hindi mapirmi sa loob ng bahay.Puro ka gala,ang aga aga pa nasa galaan kana." sermon nito.

Nag peace sign ako tsaka inakbayan si mama."Hindi po gala ang tawag dito Ma,ang tawag dito millenials duty."

Into You (gxg tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon