Chapter 12

2.9K 100 1
                                    

Calli


Hindi ako pumasok ngayon sa cafe.Nilalagnat ang kapatid ko kaya ako ang nag-aalaga.Hindi naman kasi pwedeng umabsent si mama sa flower shop.



"Lin bili ka naman ng gamot sa botika."

"Ate masakit ang puson ko." reklamo nito.

"Palusot pa.Sige na ako na ang bibili.Bantayan mo muna si Che-che ha."

Bumalik agad ako sa bahay pagkatapos kong bumili ng gamot.Nagulat pa ako nang madatnan kong naka upo si Lauren sa couch.

"Ms.L ano pong ginagawa nyo dito?"

Inabót ko kay Celine ang gamot."Lin painumin mo muna si Che ng gamot."

"Here.I bought something for your sister." saad ni Lauren.

"Salamat.Nag abala kapa.Lin pakainin mo muna si cheche nitong soup bago mo pa inumin ng gamot ha."

"Sige ate.Maiwan ko muna po kayo."

Umakyat si Celine dala ang gamot.

"Salamat Lauren ha."

Bigla itong tumawa nang nagtama ang mga naming dalawa.

"Anong nakakatawa ha?"

Kumuha ako ng unan at hinampas sa kanya.Alam ko din naman na kaya ito tumatawa ay dahil sa pag utot ko.

"Arayy!!! Tama na.Hindi na ako tatawa promise." sigaw nito kaya tinigil ko na ang.pag hampas.

"Pano mo pala nalamang may sakit ang kapatid ko?"

"Nagpunta ako sa cafe para sana kulitin si ate cynthia ang kaso marami syang ginagawa.Tapos may nag sabi saken na absent ka dahil may sakit ang kapatid mo kaya naisipan kong pumunta dito."

"Salamat ha."

"Welcome."

May kumatok sa pinto kaya tumayo ako."Wait lang bubuksan ko lang ha."

"Oh Louise.Pasok ka.Tatawagin ko lang si Celine."

"Thank po ate calli.Para po pala sa inyo." inabot nya ang cheese cake.

"Salamat Louise."

Umakyat ako para tawagin si Celine."Lin nasa baba si Louise.Puntahan mo na."

Kinarga ko si Cheche at nilipat sa kwarto nila mama.

Lumapit si celine dito at sabay na pumunta sa kusina habang nagbubulungan.Inabutan lang nila kami ng cake at drinks pagkatapos ay umakyat na sila sa kwarto ni Celine.

"Gusto mo manuod ng movie?

"Sige ikaw ang bahala."sagot nito.

Romance ang napili naming panuorin.

"Save your phone number para kapag may kailangan ako sayo di ko na kailangang tumawag kay ate cynthia."

Pagbalik ko ng phone nya bigla din itong nag ring kaya lumabas ito saglit.

Bumalik ito na nagmamadali."Calli i have to go." kinuha nito ang bag at nag mamadaling umalis,hindi ko na nga naihatid sa labas dahil sa pagmamadali nito.

Pinatay ko ang t.v at umakyat sa kwarto.Narinig kong may kumalabog sa kwarto ni celine.Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock ito.

"Lin anong ngyare dyan? Bat may kumalabog?" sigaw ko.

"Wala ate.May nahulog lang."

***

6:00 pm

Into You (gxg tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon