Chapter 15

3.2K 97 0
                                    


Calli


Magka halong excitement at kaba ang nararamdaman ko habang tinatahak ang kabuuan ng campus.

Naglalakad ako patungong building 3 nang humarang ang isang itim na sasakyan sa harapan ko.Napatingin ako sa mga taong naghihiyawan habang naka tingin sa taong lumabas ng sasakyan.

"Ms.L?" Ang ganda nito sa suot ngayon.Hindi ko alam na sikat pala ang palakang to sa campus.

"Don't call me that way when we're in school."

"Sorry.Lauren pala."

Nagkumpulan na ang mga tao kaya umalis agad ako sa kinatatayuan ko.

"Miss pwede pong magtanong?" tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.

"Ofcourse.What is it?"

"Saan yung room 215? Kanina ko pa kasi hinahanap."

She smiles at me."Oh?Magkaklase pala tayo sa unit na yan.Sumabay ka nalang sa akin."

"Salamat.Ahm ako pala si Calli Ferrer." nilahad ko ang kamay ko.

Tinanggap nito ang kamay ko at ngumiti."Cassandra Martinez."

"Okay calli.We have to walk faster,kailangan nating maunahan si Mr.Clean."

"Huh?Sinong Mr.Clean?"

"Just walk.Andyan na sya."

Pumasok kami sa room kasunod ng kalbong proffesor.Huminto ito sa harap ni Cassandra ng nakapamewang.

"Cassandra.You're always late.Hindi kapa ba nagsasawang bumalik sa unit na ito?"

"Tito.You're high blood nanaman.Ayaw mo nun?Hindi ka mawawalan ng student?"

"Manang mana ka talaga sa nanay mo.Pumasok na kayo,mag lilecture na ako."

"Ahm tito mo si prof?" tanong ko.

"Yes.He's my super duper gay uncle."

Medyo marami ng estudyante sa loob kaya wala kaming nagawa kundi ang maupo sa likuran.

"May naririnig ka bang sumisitsit?" tanong ko kay cassandra sa kalagitnaan ng discussion.

"Nah! Just ignore it girl."

May tumamang papel sa ulo ko kaya lumingon ako sa likod.

"Lauren?"

"Hi!" saad nito.

"Pano tayo naging magkaklase?Diba third year ka na?"

"Yes.I missed this unit kaya ni-retake ko.Bakit may problema ka?"

"Ms.Ferrer and Ms.Smith pwede ko bang malaman kung ano ang pinag bubulungan nyo?"

"It's nothing Mr.Austria." saad ni Lauren.

Nakinig ako ng lecture kahit pilit parin akong kinukulit ni Lauren.

Into You (gxg tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon