Chapter 32

3K 89 5
                                    





Happy New Year Lovely Reader's❤

Sorry sa slow update guys.

Thank you pala  sa mga patuloy na nag babasa nitong Into You.Hope you read it until the end.I love you lovelies.






















Calli

"Salamat po talaga Ma'am Cynthia." saad ko.

Nasorpresa talaga ako sa ihinanda nilang mga regalo para sa akin.

"Para kana naming pamilya dito Callista.Oh ano may lakad ba kayo ngayon ni Lauren?"

Napaisip ako bigla.Wala naman kasi kaming napag usapan tungkol sa birthday ko.

"Wala po eh."

Hinawakan nito ang braso ko."Baka busy pa yun.Sige maiiwan muna kita."

"Thank You po Ma'am."

Niyakap agad ako ni Marie ng makaalis si Ma'am Cynthia."Beshie happy birthday."

"Salamat Marie.Tsaka salamat sa regalo mo."

"Nakakahiya nga yun eh.Pero galing yun sa puso ko ha kaya special."

Tumawa ako."Oo naman.Lahat naman ng galing sayo para sa akin special yun."

"Ay!" saad ko ng may tumakip sa mata ko.

Hinawakan ko ang kamay nito."Lauren??" tanong ko pero hindi parin nito tinatanggal ang pagkaka takip sa mga mata ko.

"How'd you know it's me?"

Tumawa ako ng pagak."Syepmre amoy mo palang po alam ko nang ikaw yan."

Tinanggal nito ang kamay at humarap sa akin."Happy Birthday Baby."
kinintalan ako nito ng isang mabilis na halik at inabot ang kumpol na pulang rosas.

"Thank You.Akala ko nakalimutan mo na."

"Paano ko naman makakalimutan ang special day ng babaeng mahal ko?"

"Ang sweet naman ng Lauren ko."

"And I have something special for you."

"Ano naman yun?"

Lumapit ito sa pinto at pumasok ang mga kapatid ko na may bitbit na malaking cake.Pati si Mama kasama nila.Sa likod naman nila ay mga babaeng naka uniform na may dalang mga pagkain.

"Happy Birthday Ate Calli." sigaw ng mga kapatid ko.

"Salamat."

"Blow your cake calli." saad ni Lauren.

Pumikit ako at matamang nagpasalamat bago ito hipan.

Pumwesto na sila sa isang mesa kaya lumapit ako kay Lauren at niyakap ito mula sa likod."Salamat lauren ko."

"Your welcome baby.But don't be so clingy,baka magtaka ang mom mo." bulong nito.

Humiwalay agad ako dito."Sorry.Oo nga pala ba't ba ako nawala sa sarili.Sorry ha hindi ko pa kasi pwedeng sabihin kay mama ang tungkol sa relasyon natin."

"It's okay,naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo."

"Pano mo pala sila naisama dito?"

"Sabi ko kasi sa mom mo.I wanted to surprise you with this."

Into You (gxg tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon