BESTFRIENDS TO LOVERS
PROLOGUE:
"Hoy! Best friend! Kailan ka pa nagsuot ng ganyan? Ang ganda mo ngayon ah." Puri ni Kevin kay Ches.
" Ewan ko sayo. Binobola mo lang ako eh. Alam mo, hindi ko gustong magsuot ng ganitong damit. Alam mo naman na ayoko ng maiiksing damit diba? Ang gusto ko ay t-shirt at shorts, at may sombrero pa. Ewan ko ba naman kasi dito sa ermats ko eh."
"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Kevin.
"Sinabak ako ni ermats sa isang gera. Isang date daw. Ayoko ng ganito, pre." Naiinis na sinabi ni Ches.
"Hoy! Cheska Villaruel! Halika na at baka ma-late tayo sa date mo." Tawag sa kanya ng nanay niya.
"Ches, tawag ka na. Baka ma-disappoint yung ka-date mo kapag late ka." Sabi ni Kevin.
"Kevs, hayaan mo sya para matigil na ang kahibangan nyang nanay ko na gawin akong tunay na babae." Pangangatwiran nya.
"Ches, gusto lang naman ng nanay mo na magkaroon ka ng matinong kasama panghabang-buhay. Pagbigyan mo na. Yun lang naman ang ikasisiya nya." Pagpipilit ni Kevin.
"Kevs, ikaw lang sapat na. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang pagtanda. Friendship never dies. Matagal na tayong magkasama at magpapatuloy pa 'yon. Hindi ko kailangan ng ibang lalaki para may makasama lang ako habang-buhay."
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Lovers
Fiksi RemajaMahirap magsabi ng nararadaman sa taong nagugustuhan mo. Mahirap , sobrang hirap. Lalo na sa taong manhid at kailangan pang diretsuhin. Hindi sila naniniwala sa nakikita ng mata, naririnig ng tenga, mga kilos ng tao, sinasabi ng isip, at tinitibok n...