Entry 1

111 39 1
                                    

ENTRY 1: UNKNOWN NUMBER

Kriska's POV

I was born to build a fire.
I'm Kristal Kate Alvarez but my friend calls me Kriska. Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos tamad siyang tawagin akong Kristal Kate.
Hay nako.

I'm a Highschool student and planning to take the 4th times as a Classroom Muse for now.

Sa school na 'to hindi uso ang inonominate ng mga kaklase mo ang candidates for muse and escort. Dapat voluntary ang pag kukuha ng position na yan. Maswerte ka kung wala kang kaagaw pero in my case apat kaming nagvoluntary, kaya mag lalaban laban kaming apat.

Matira MAGANDA. Wish me luck

Aba pang 4 times ko na itong position kung papalarin ako ngayon.

Importante sa kada classroom may muse kasi laging may Campus Goddess idinadaos dito sa school and suki na ako sa event na ito even i always got the 1 runner up hopefully this year will be my luck.

Nandito kasi ako sa favorite kong tambayan ang GARDENDIA.
Peaceful place dito kaya magandang magtambay.

"Kriska!"
Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.

Kauma umaga naka mega phone ang bestfriend ko.

"Oh, Ano nanaman yang kinapuputok ng butsi mo!"

Hula ko badtrip nanaman yan sa always busy niyang BOYFRIEND!

"Hinayupak na lalaking yun! lakas magpalit ng status sa Facebook ng SINGLE! Tapos yung Cover photo nya naka lagay ITS TIME TO SAY GOODBYE!"

See . tama ako, badtrip nga siya sa Busy niyang Boyfriend.

"Hahahahahah!"

"Bakit ka dyan tumatawa Kriska!"

Hala salubong na ang kilay ni Ateng.
"Gusto ko lang . Bakit ba, Break na ba kayong dalawa?"

"Hindi pa"

"Edi may possibility na mag break kayo."

"Never yun mangyayari, ano ba! Kakampi ba kita o kakampi ka nya?. "

"Pano kasi bakit mo pa pinagtyatyagaan yang boyfriend mong laging busy at walang TIME SAYO!"

Hay nako talaga. Di ko alam kong bakit hindi parin niya hinihiwalayan ang boyfriend niyang si Symon.

"Dahil MAHAL KO! period"

Gasgas na gasgas na ang linyang yan .kahit naman saang kwento ng buhay ng tao iyan ang rason nila. nakakarendi na.

"Mahal mahal ka dyan. Bigas lang nag MAMAHAL! . ANG TANONG, MAHAL KA RIN BA NIYA? SERYOSO BA SIYA SAYO?"

tapos bigla siyang natahimik sa tanong ko at parang napaisip.

"Ewan ko. Minsan kasi tanga din yun ee kaya di ko alam kong mahal niya ako at kung seryoso siya sa akin"

Napahilamos nalang ako sa mukha. bwisit talaga ito. Yung totoo! Nakikipaglaro lang ba siya.

"Hay nako mabuti pa tulungan mo nalang ako na makumbinsi ang mga classmate natin na ako ang gawin nilang Muse sa classroom natin. "

"Sus kahit hindi na natin gawin iyan alam naman natin na ikaw ang magiging muse. Walang wala sila Zijra,Mariam at Dova sa ganda mo"

"Wow best Katouch naman. Salamat sa napakasupportive kong bestfriend ayeee"
Tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Aba number one fan mo kaya ako!"

Kriska Alvarez (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon