Entry 2

71 37 3
                                    

ENTRY 2: TRANSFEREE

Kriska's POV

Dahil wala ang teacher namin ngayon inutusan kami ng nagbabantay samin.

pinaglinis niya kami sa classroom. Langhiya! may Janitor naman dito tapos inutusan pa kami. Nagbabayad naman kami ng tama tapos ganito ang gagawin nila samin! Aba, Mahusay!

"Hoy Kriska lumingon ka sa kaliwa!"

Pabulong pang sabi ni Shiemara sakin na medyo nagpipigil ng kanyang tawa at nung matapos ako sa pagwawalis ay lumingon naman ako.

"hoy Bernard! Itigil mo nga yan! hindi ka nakakatuwa!"

Iniripan ko siya ng Petmalu! Sino ba naman ang hindi maiinis kung ang Classmate mo Nagsusulat ng kung anu- ano sa Blackbroad  "KRISKA ASAWA NI PEDRING, ALYAS KIRAT "

Sino naman babae ang hindi maiinis sa kanya.

"Hahahahahaha. Ayuko nga!"

Taena bakit ba ang kulit niya? Ee hindi ko naman sila pinapakialaman!

"Sus Crush ka lang nyan ni Bernard "
Sabat pa ng iba naming Classmate.

"I know! Kaya nga MASYADONG OBVIOUS ANG PAGPAPAPANSIN NIYA SA AKIN"

well. Totoo naman noon ko pa alam na Crush ako nitong Si BERNARD URANUS. Pero sorry nalang siya sapagkat ang puso ko ay para kay NIKKO lamang. Only him :).

Nakita kong kusa na niyang binura ang isinulat niya sa pisara at tahimik umupo sa upuan niya.

"Hala ka Bestfriend na offend ata sa sinabi mo"

Sus. Buti nga sinabi ko yung totoo hindi KASINUNGALINGAN.

"Pasalamat nga siya at hindi ko siya pinasalvage sa mga bodyguards ko"

"Bakit may bodyguards kana ba?"

"Body lang Shiemara, walang guards. hindi pala kami mayaman hehehe"

"Minsan talaga sira yang TUKTOK mo. Buti napagtyagaan ko pa yang kagagahan mo"

"Kasi nga MAGANDA ako. Period"

Hahaha. Ganyan talaga kami magmahalan ng bestfriend ko. napakaHarsh!

Lumabas kami ng room dahil napaka boring na sa loob napapalibutan kami ng LOVERS.
Ee sa BITTER itong kasama ko Allergic sa mga LOVEBIRDS kaya nagdecide kaming pumunta nalang ng Cafeteria.

"Dyan ka nalang Kriska, Ako nalang Mag oorder. sawang sawa na ako sa parati mong ino Order sa'ting dalawa"

"Hahaha Ikaw bahala"

Tapos umalis na sya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa sa Wattpad ng biglang sumingit itong lalaki na nasa harapan ko.

The F*ck! May dessert na agad. Wala pa man lang si Shiemara.

"Ate pwede pong maki Share dito?"

"Nako sure na sure, don't call me Ate. Di pa ako matanda."

"Ahehe sure. By the way may kasama ka ba?"

"Ahehehe. meron, Nagbibili lang ng pagkain namin"

Nagtango lang siya "ow, I see. Baka magalit siya?"
Buti nalang punuan at sa'min lang ang medyo malawak na pwesto kaso walang gustong maki share samin except sa lalaking 'to. Baka transferee to kaya siguro malakas ang loob na tumabi sa'min.

Kriska Alvarez (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon