BM12 - Police station

23.5K 816 46
                                    

Chapter 12

Gareth Liu POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ni Jeisen at kung bakit siya nag bulontaryong kalabanin ang grupo nila Arenn. Alam ba niya kung gaano kadelikado ang larong ito?

Seryoso pa rin itong nakatingin sa amin.

Kung tutuusin wala sa itsura niya ang nagpupunta sa ganitong lugar. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi man lang ito pinipigilan ni Zoniega sa sinabi nito.

Hindi ba siya nag alala?

Kung narinig naman niya ang pustahan namin kanina na siya ang kapalit kapag natalo ang grupo namin. Eh bakit pa niya pinipilit ang sarili niya?

Ganito na ba siya magpapansin sa mga lalaki?

Mas lalo tuloy akong nainis. Kami na itong ipinagtatanggol siya. Ngayon mas gusto pa ata niyang mapunta sa grupo nina Arenn. Naikuyom ko nalang ang kamao ko sa isipang ganun nalang kadali sa kanya ang mag desisyon na sumama sa ibang lalaki.

Humarap ako dito at seryoso siyang tinignan.

"Are you fvcking serious? Ni hindi mo nga alam ang larong papasukan mo, at malay ko rin kong marunong kang magmaneho ng kotse!"

Wala parin itong reaction sa sinabi ko. Nagpipigil lang ako ng galit dahil parang mas pabor pa sa kanya ang gagawin.

"Chillax Liu, ano kaba. Masyadong kang highblood." Sabi sa akin ni Aston. Tumataas na kasi ang boses ko.

Napasabunot nalang ako ng buhok ko ng mag umpisa na itong maglalakad papuntang kotse habang tinitingnan ito.

"Jeisen!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Arenn kanina? Ikaw ang kapalit sa pustahan!"

"Alam ko..." Sagot niya naman

"Alam mo naman pala. Bakit kapa pumayag? Ganito ba ang paraan mo para magpapansin sa mga lalaki ha?!'

Naiinis na talaga ako. Hindi ko na mapigilan ang mga pinagsasabi ko. Nilingon ko naman si Zoniega na sinusundan lang ito ng tingin.

Hindi ba siya nag aalala dito?

Umikot si Jeisin sa gilid ng sasakyan at may tiningnan uli ito. May mga naka reserbang pang race car sa gilid kaya pwede itong gamitin sa sinumang sasali. Pero halos sa amin may dalang sarili sasakyan.

"What are you doing?" Muli kong tanong.

"Ganda. Hindi mo na kailangang sumali pa. Narinig mo naman ang pustahan diba?" Nag aalalang sabi ni Aston sa kanya. "Isa pa, hindi ka marunong magmaneho ng mga ganitong klaseng sasakyan."

Tumayo ito ng matuwid at humarap sa amin pag katapos niyang kalikutin ang sa may ilalim ng sasakyan.

"Ano ba Jeisen. Nakikinig kaba sa amin? Do you even know how to drive a car? Baka matalo ka lang o mapano kapa sa gagawin mo."

Ngumisi lang ito sa akin saka pumasok sa loob nito.

Nasa gilid lang ng kotse sina Jin at Maggie. Medyo nanghihina pa ito. Mamaya ko na siya tatanungin kung bakit bigla nalang nag iba ang takbo ng minamaniho niya kanina.

Lumabas uli si Jeisen at che-neck ang makina nito sa labas. Ano ba ang ginagawa niya? Ano ang akala niya sa mga sasakyan dito laruan?

"Hey! Kanina pa ako nagsasalita dito. Marunong ka ba mag maneho?"

Tumingin ito sa akin at nag kibit balikat.

"Susubukan ko lang..."

Seriously? So ibig sabihin nga hindi siya marunong.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon