BM52 - Letter C

15.8K 449 24
                                    

G/N: Hello angels! Nag SPG na ako kasi sensitive ang topic ng chapter na ito.

Chapter 52

Warning: SPG

Sobrang Patnubay ni Guardian

---

Alfred POV

Ito na ata ang nakakatense at kakaibang multiple choice na pagpipiliian ko. Multiple choice sa kung anong paraan nila ako papatayin. Na buhay ko talaga ang sugal.

At tsaka maliligayan daw ako sa letter C? Yung dalawa nga hindi ako natuwa sa letter C pa kaya?

"Ano ba 'yong letter C?"

Ngitian naman ako ni Thena pagka lingon niya sa 'kin. Ang sweet ng ngiti niya. Hindi 'yong kanina na creepy masyado.

Ngayon ay parang may ibig ipahiwatig.

"Body benefits. "

"Anong body benefits?"

"Pa ki ki pag ta lik."

Napa 'ohh' ako pagkarinig ng talik.

Hindi ako makapaniwala na kasama ito sa choices! Damn to the infinity!

Parang nag ningning ang mga mata ko. Heaven nga talaga dito sa kampo ginoo.

"W-with w-whom?"

Damn to the infinity! Nauutal ako. Kung pwede lang kay Thena. Ang lakas niyang makaakit 'e. Dapat nga siya si Aphrodite. Mas bagay sa kanya.

Ibinato niya kay Aphro na katabi ni Aetus ang remote control na hawak niya kanina.

"You mean, sa kanilang dalawang?"

Sina Aetus at Aphro?

Napa ngisi ako. Hindi na ako lugi. Ang gaganda at sexy ng dalawa. Heaven na!

"Not with the two bitches Fred." Putol ni Thena sa pantasya ko sa dalawa. "Ipakita mo na kanino Aphro."

Nag flash na naman ang dalawang tao sa TV. Isang babae na sobrang sexy ang damit. Parang 'yong mga babae na binibili namin. May kasama itong lalaki. Nag-uusap sila pero hindi naman namin naririnig.

Although, hindi ko gusto ang idea sa lalaki. Pero may babae naman kaya okey na ako. Not bad.

Maliligayahan nga ako sa letter C.

"Pwede bang 'yong babae nalang?" Nagbabaka sakaling tanong ko. "Wag lang 'yong lalaki. Di naman kami talo niyan."

"Okey, kung 'yan ang gusto mo."

Napa 'ohh' uli ako. Akala ko mahihirapan akong pakiusapan sila na babae nalang. Dyahe naman kasi 'pag may kasama pang lalaki.

"Wow! Letter C na ako." Na e-excite kong sagot. "Yan ang pipiliin ko! Handa na akong mamatay. Mamatay sa ligaya!"

"Is that your final answer Fred?"

"Final answer. No buts and questions."

"K..."

Kinuha ni Thena ang telepono na nasa tabi ng kama ko. May maliit kasing mesa dun at may lampshade din. Nag dial ito ng numero.

"Excited ka na ba buddy?" Natatawang tanong ni Aphro sa 'kin.

"E-excited naman."

Tatanggapin ko ng mamamatay ako sa sarap. Lihim akong napakagat labi.

"Nice. Nice. Okey 'yang choice mo."

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon