Chapter97 - Finger

11.8K 416 145
                                    

G/N: YEY! Taga-Zamboanga ka ba, dear angel? I'll be in ZBO nextweek. 😀
---

Chapter  97

Jeisen Jee POV

Magsasalita na sana ang waiter pero sumenyas ako sa kanya na ipamigay na ang mga dala niya. Kailangan kong makaseguro sa isang inomin na 'yon.

Pero bago 'yon. Kailangan ko munang samahan ang dalawang ito para 'di sila magduda o magtanong sa 'kin.

"Kanina pa kayo?" tanong ko sa kanila habang inaayos kunyari ang camera.  "Kumukuha lang ako ng mga litrato."

"Hihi. Alam namin,  flower girl, " sagot ni Shasha sakin at hinawakan ako sa braso. Ganun din ginawa ni Donna.

"Kakaka. Ang dami mong pinag kakaabalahan, Jeisen," segunda naman ni Donna. "Bestfriend time muna tayo. Kaka. Si Aicel puntahan natin."

"Oo nga. Patapos na ang drama ni flower girl Aicel. Grabe. Nakikinita ko na nga mga flower girls ang puting katas na talagang iginiling at kayod ni flower girl ng ilang araw para lang sa act nila. Hihihi. Heaven is success. Success is heaven. Congrats kay flower girl. Hihihi. Teka lang. Ba't 'yan suot mo flower girl Jeisen?"

"Ah, eh...  mas komportable kasi."

"Kuku. Ba't 'di mo kami sinabihan? Kukuku. Bestfriend ka namin. Kami magdadamit sa 'yo, Jeisen. Kuku."

"Ha. ha," mapakla kong tawa."

Minsan nagsisisi akong binigyan ko ng signature laugh itong si Donna.

Nalilito kasi ako kung ano emosyon niya minsan. Kung tatawa ba siya o iiyak.

"Kas---"

Hindi na nila ako tinapos magsalita. Hinila na kasi nila agad ako papunta sa comfort room. Si Shasha umalis saglit at may bitbit na isang box.

"Flower girl, naalala mo pa ba 'yong white dress na binili natin nung nag mall tayo ni flower girl Aicel?" tanong ni Shasha sa akin sabay abot sa white box na bitbit niya. "Hihihi. Syempre,  alam naming korne ka manamit kaya pinasabihan na ako ni flower girl Aicel na dalhin 'yong dress mo. Hihihi."

"Kakaka! Yey! Hintay lang kami sa 'yo, best friend. Kakaka. Ang ganda natin! Sige Jeisen sa labas lang kami."

Nakangiwi akong tumango sa kanila.

Langya, naaala ko 'to 'e. Naalala ko itong dress na ito na binili naming tatlo ni Aicel. First shopping namin.

It's a sexy white long v-neck dress.

Medyo klaro ang cleavage nito. 

Napakapa ako sa dibdib ko.

"Langya, mabuti nalang medyo may laman ka," sabi ko habang nagpapalit ng damit. "Ayos ah. Pinaghandaan talaga nila ito. May white stiletto pa."

Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. 'Di na 'ko mag memake-up. Kakain din naman ako mamaya. Sayang lang 'tong kit na nandito.

Inayos ko ang gun pocket ko sa kanang binti and checked my Glock 19 gun.

This kind of gun accepts 10, 15, 17, and 33 round magazines. It gives the shooter plenty of ammunition to deal with a threat. G19 is one of my best gun. 

Napangisi ako.

Why I really love guns so much?

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Feeling ko nito ay parang mag co-comercial ako ng feminine wash.

Hindi fit ang sa may palda nito. Kaya anytime at kapag may hangin mamaya baka tumaas ito. Psh.  Madonna lang.

Napangiwi na naman ako.

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon