BM61 - Damo

17.1K 495 62
                                    

Chapter 61

Jeisen Jee POV

Pinilit kong hindi ibaling sa ibang direksyon ang tingin ko. Ewan ko ba. Bigla nalang akong nakaramdaman ng pagkailang.

Kakaiba kasi ang titig ni Gareth sa 'kin.

Parang ako lang 'yong natatanging tao na nakikita niya. Kahit na sobrang higpit na ng hawak ni Maggie sa braso niya.

Oh my gosh... ang cute ng dimple ni Mr President Liu! Nakaka in love talaga!

Oo nga girls! Kyahhh...

Ang astig ng sagot ni Jeisen, parang politician lang na may kaso.

Di ko gets! Ang lalim kasi. Grrr!

Sila ba talaga o hindi?

Hala! Si Maggie, beastmode na!!!

Psh! Ito na naman ang mga bulong bulongan ng mga schoolmates namin. Ganito nga talaga seguro 'pag na involve ka sa isang sikat. Sikat at gwapo kagaya ng lalaking nasa unahan ko ngayon.

Hindi 'ko alam kung ano ang iniisip niya. But all I can see is amusement in his face.

And without breaking the awkward eye contact with him ay may na rinig kaming tunog ng naggigitara.

"Omeegee! Si Aud--- I ibig sabihin, si Ate Jaud is in the TV monitor girls. Look oh."

"Oh my goodness flower girls!" Niyuyog ako ni Shasha sa gilid. "Nasa music room si Ate Jaud! Marunong pala siyang mag gitara flower girl?"

"Don't tell me kakanta siya?"

"THE FVCK!" Rinig kong malakas na mura ni Aston sa kabila. "Anong ginagawa ng baboy na 'yan d'yan?!"

Napahigit ako ng hininga.

Ano na naman kayang kalokohan itong gagawin ng kapatid ko? May pinaplano na naman seguro 'to.

Napatingin na rin ako sa TV monitor na nasa taas ng dingding nitong hallway ng school. May mga flatcreen TV kasi sa bawat sulok at sound system dito sa UDR. Ganito sila ka modern dito.

Si Ate Jaud nga ang nakikita ko ngayon.

Nag-eestrum ito ng gitara at may microphone sa harapan niya. May kasama itong lalaki sa gilid na siyang magda drums ata.

She's in her fat costume attire.

Title: I like you so much, you'll know it. (A Love So Beautiful OST)

I like your eyes. You look away
when you pretend not to care.

Unang lyrics at kanta palang napa 'WOW' na ang mga schoolmates ko. And yes... my sister is that talented. Kaya nga nasa modelling at showbiz industry ito ngayon.

I like the dimples on the corners
of the smile that you wear.

Napatingin uli ako kay Gareth.

He is now smiling freely to me na para bang para sa kanya talaga ang kanta. Lumiit pa lalo ang singkit niyang mata. At mas lumalim pa ang dimple niya.

Hindi pa rin pala ito bumibitaw ng titig sa 'kin. Anong kayang ibig sabihin ng mga titig at ngiti niyang 'yan?

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon