BM42 - Audrey

20.8K 702 3
                                    

Chapter 42

Jeisen Jee POV

Hindi pa ako nakakapasok sa apartment ng bigla akong salubungin ng mga kaibigan ko. Yong itsura nila parang itsura ng naisahan. Mukhang may nangyaring hindi maganda sa tatlong ito ah.

Hinila nila ako papasok sa loob. Oh ok. I saw my sister. Nakatihaya ito habang kumakain ng takuyaki at naubos niya ata ang apat na box nito.

"Ang sarap talaga nitong taku... yum yum yum yum!" Sabi niya habang hawak hawak ang malaki niyang tiyan. Naka disguise na naman ito na mataba at hindi pa niya kami napapansin. "Okey 'to pampatanggal ng stress! Wew! Badtrip ako pero atleast busog."

"Flower girl kita mo 'yang si Ate Jaud? Kinuha niya ang pagkain namin ng hindi nagpapaalam." Nakapahid laway na sumbong ni Shasha sa akin. "Kagagagaling lang niya sa operasyon diba, pero ba't ang lakas ng lamon niya? Gutom na gutom si Ate Jaud flower girl. Hindi mo ba siya pinakain? Hindi niya kasi kami tinirhan eh. Gusto ko pa naman ang takuyaki, specially 'yong sauce niyang malapot." Nagpahid na naman ito ng laway. "Tapos pag kinain mo ng buo ang isang bilog niya ay the feels talaga! Alam mo 'yong ramdam na ramdam mo ang sarap ng malalim at isang buong lunok! Hihihi "

Napakamot ako ng nuo.

Hindi na ako magtataka kung may obsession itong si Shasha sa kong anong may basa. Parang 'yong fishball na kinain namin sa may taft. Enjoy na enjoy talaga siya sa paglamon.

"So tama girl." Sunod namang sumbong sa akin ni Aicel. "You know what? She's so tagal pa buksan ang door kanina. It's like forever pa 'yong hinitay namin. We forgot naman kasi the yawe to borrow you. It's our fault din naman because we are excited to come here."

"Sinabi ko kay Sh---"

"And then when we're about to pasok the apartment na ay biglang nag appear si Ate Jaud like she's multo. Syempre, nagulat kami 'no. Shookt ang beauty namin! Tapos when we make lapag the takuyaki ay kinuha niya agad and didn't even bother to make paalam to us. She's so nakakaka talaga girl."

Sasabihin ko sanang may sinabi akong password number kay Shasha para mabuksan nila ang apartment pero nagsalita na naman si Aicel. Baka nakalimutan niya lang?

Isang zero lang naman 'yon.

Wala naman kasing mag iisip na isang zero lang ang password ng pintuan ng apartment ko. Madalas kasi ay mahahaba ang password ng iba. Kaya iniiba ko ang sa akin.

Hindi rin naman ako nag-aalala na malooban itong tinutuluyan ko. Naka konekta kasi ang lahat ng meron sa loob dito sa relos ko. Eseneset ko lang.

Tumango ako.

"Umm, hayaan mo siya."

"Jeisen naman eh." Si Donna naman ang nag proprotesta sa akin ngayon. Okey, so takuyaki talaga ang inaalala nila ha. Sabagay, paborito ko din kainin 'yon. "Paano 'yong food natin? Gutom na din kami. Tapos si Ate Jaud parang wala sa sarili. Kita mo 'yan 'di pa tayo napapansin. Anong kakainin natin ngayon?"

Alright, let me handle this.

Kinuha ko ang isang maliit na unan pagkarating namin sa sala saka pumwesto para batuhin ang kapatid ko na tulala. Napalingon agad ito sa amin.

"SENJEI! Kanina pa ba d'yan?! Oh! Shasha? Aicel at Donna? Nandito rin kayo?"

Ang langya. Hindi niya talaga kami napansin kahit kanina pa kami nag uusap. May nangyari nga talagang hindi maganda dito.

"Obviously. Ano ba nangyayari sa 'yo at tulala ka d'yan?" Tanong ko sa kanya pagka upo namin.

"Hindi mo man lang kami pinansin Ate Jaud." Nagtatampong sabi ni Shasha sa kanya. "Tapos inagaw mo pa ang takuyaki namin. Parang 'di ka nasaksak nung nakaraan eh. Alam mo bang grabe ang iyak ko nun?"

BMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon