Lei's POV:
Ang aga ko magising hindi dahil excited ako ha? Dahil maaga practice ngayon at may team weights na kasama ako dahil kay Kevin. Tinignan ko ang aking cellphone, hmmm tingin muna sa facebook tapos twitter and then message.
From: Kevin
"Ms. Lei good morning :) Nasa baba ako, and may dala akong coffee :)"
sent 6:00 am
Oh my gosh its 6:45 am. dali dali akong naligo at nagbihis ng pang workout at inayos ko na rin yung pang palit ko at nagsuot ako ng sapatos. Pagkatapos kong magayos dali dali akong bumama at lumabas ng bahay, nakita ko syang naka upo sa tapat ng pinto namin, nung nakita nya ako ay tumayo agad sya at nagpagpag.
"Coffee?" he said habang tinataas yung paperbag na may lamang coffee.
"thank you, Daldalhin ko pa ba yung car ko?" tanong ko sa kanya, umiling naman sya. After non sumakay na ako sa tabi nung driver at nagdrive na sya while umiinom kami nang coffee, hindi na ako nagpaalam kay mama kasi tulog pa sila. Im wearing a fited workout shorts na medyo mahaba, tapos crop top and a pair of sneakers. Nakita ko syang nakatingin sakin kaya tumingin ako sa salamin at wala naman akong dumi sa muka. Nagdridrive sya habang umiinom ng coffee ang cute lang tignan.
"May dumi ba ako sa muka?" tanong ko sa kanya, nagsmile lang sya. Tapos nagsip ng coffee, tumigil kami dahil nagred na yung light nung stoplight. Tumingin sya sakin, nakakailang kasi hindi naman ako sanay ng ganto. " wala kang dumi sa muka, hindi ka siguro nagsuklay" sabi nya habang nakatingin sa dinadaan namin. At dahil sa sinabi nya, tumingin ulit ako sa salamin at oo nga ang gulo ng buhok ko, kinuha ko yung suklay ko nakita ko namang kumunot yung noo nya
"Anong ginagawa mo?" sabi nya na nakakunot ang noo. " Inaayos yung buhok ko" maikli kong sagot sa kanya pero kinuha nya yung suklay at binuksan yung window sabay hagis nung suklay. "hala uy bakit mo tinapon yung suklay?" tanong ko sa kanya, tinitignan nya ako dahil magulo buhok ko pero tinapon nya yung sukay ko ay gago din ata to.
"ayaw kong magsusuklay ka dahil kahit hindi ka magsuklay maganda pa rin yang buhok mo." sabi nya tapos umiwas ng tingin, namula naman ako sa sinabi nya. At dahil nagkakahiyaan kami binuksan nya yung radio.
"Fla-fla-flash back fridayyyy. And our next song is Oh Darling by The Beatles" - Radio
Shit thats my favorite, parang ang sexy kasi tapos ang ganda pa ughhhh. Nagstart na yung kanta and nakita ko naman si kevin na naglilip sync, so alam nya din to? my goodness :)
Oh! Darling, if you leave me
I'll never make it alone
Believe me when I tell you
I'll never do you no harm
Believe me darling
"you like that song?" tanong nya. Siguro nakita nya akong kinikilig sa tugtog hayyy if you only know na sayo ako kinikilig hahahaha.
"yea i love that song, ang smooth lang nung sound nya" i said. He nod and less than 10 mins nakarating na kami sa venue nung weights. Lumabas na sya at pinagbuksan ako ng pinto, at pumasok na kami sa loob. Ang astig lang kasi lahat ng mga players nandito,nung nakita nila ako nagsitigil sila at nagbeso sakin, hindi naman sila ganito dati.
"Uy guys anong meron?" tanong ko sa kanila, nakakapagtaka lang kasi hindi naman ganito ang pakikitungo nila sakin, dati nagsisigawan sila pag nandito ako. "May kasabay kasi tayong ibang team ayaw naming makita nila na ang co-owner ay sinisigawan lang namin, baka gayahin nila at mawala ang respeto nila sayo," sabi ni paul. Tumanggo lang ako sa kanya. Bakit may kasama kaming ibang team? hay nako. Nagbihis na sila, at ako hindi kasi nakapang workout nako kasi maganda ako hahha. Nung matapos na silang magbihis, pumasok na kami dun sa may mga barbel at nagbuhat sila. Di ko naman ata kaya dun kaya nagpunta na lang ako sa may zumba class nila, buti na lang at pasimula pa lang sila. Nagstart na yung zumba, ako sayaw dito sayaw don. Ang zumba akala mo madali pero hindi talaga although madali at paulit ulit lang yung steps pero basta mahirap. Halos mag30 mins na akong nagzumba nung biglang tumigil silang lahat maliban dun sa nagtuturo, tumigil sila kasi nagpasukan yung mga players.
"OH bakit tumigil?" tanong nung nagtuturo, tapos tinuloy na nila yung sayaw.
"bakit kayo nandito?" tanong ko kay kevin. Tinignan nya ako at ngumiti ng malaki. "sasabayan ka namin, tapos na kami sa weights eh, kaso maaga pa kaya sasabay kami sayo" sabi nya. Sure ba sila? hala ano ba yan nakakahiya na tuloy sumayaw. Nagstart yung panibagong tugtog kaya pumwesto na sila. Nang magstart yung sayaw, nakakasunod naman ako pero sila halata mong nahihirapang sumunod kasi masyadong mabilis.
"Lei tignan mo sila paul" bulong sakin ni kevin na katabi ko lang, tinignan ko sila paul, grabe pinipilit kong pigilan yung tawa ko kasi halos matumba sila kasi hindi nila masundan yung sayaw. Pinanuod ko naman si kevin magaling syang sumayaw, nasasabayan nya yung mga mabibilis na steps ang galing hahahahhaa
Nung matapos yung zumba nag group hug kaming lahat hahahaha ang galing nila at halatang halata na seryoso sila sa ginagawa nila kanina, buong puso silang sumayaw hahahhaa naligo na kami kasi may lunch pa kaming team na syempre libre ko kasi si Ryan eh pasimuno. Naligo na ako at nagbihis, im wearing a short shorts tapos yung parang tube na maraming laces with see through cardigan and a pair of boots, i apply a little bit make up, tapos lumabas na ako.
Naglunch kami sa hindi naman ganon kamahal na resto, pero masarap ang ingay namin kasi kinukwento ni kevin yung tungkol sa sayaw ni paul kanina. Pagkatapos kumain nagsiuwian na sila at kami na lang ni kevin ang natira.
"pst uwi na tayo" sabi ko sa kanya. Nakatingin sya sa phone nya kanina pa yan kaya nagsiuwian na sila kasi wala nang nagkukwento kasi biglang naging busy si kevin. Hindi nya ako pinansin siguro hindi nya lang narinig. "HOY KEVIN UWI NA TAYO" medyo malakas kong sabi sa kanya, narinig nya naman kaya tumayo na sya at inalalayan ako sa pagtayo.
"Uy ang busy mo naman" sabi ko sa kanya, tinignan nya ako pero umiwas din agad ng tingin. "Sorry ha, kasi si mama may konting problema." sabi nya, at dahil hindi ako chismosa hindi ko na tinanong kung ano man ang problema nya. HInatid na nya ako pauwi, pagkadating namin sa tapat ng bahay hinatid nya ako sa may pintuan tinanong ko sya kung gusto pa ba nya pumasok pero tumanggi na sya. Nang makaalis na sya pumasok na ako sa loob at nadatnan ko ang magaling kong kapatid sa salas na nakaupo tila may hinihintay.
"Where have you been?" he asked me, eto nanaman kami sesermomnan nanaman nya ako. "since when did you care?" i asked him, tapos tinalikuran ko na sya.
"Mariz kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan?!" matigas na tanong nya.
"Simula nong pinagbuhatan mo ako ng kamay" matigas kong sagot sa kanya. Habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko ay umakyat na ako sa kwarto ko. Nagbukas ako ng facebook at may nakita akong isang article tungkol sa dalawang batang nawawala. Binasa ko yun, at ang nakalagay ay dalwang 5 years old young celebrity kids ay nawawala, si austin at amber nawawala pero si austin daw ay nasa contract signing pa kahapon at kinagabihan ay hindi sya umuwi, nang tinanong ang mga bodyguards ng bata ay hindi daw nila alam, hanggang ngayon wala pang balita tungkol sa kanila. hmm kaya pala wala si Alex kanina, hayy sana naman ligtas sila.
Nagbukas din ako ng twitter, yun din ang trending... Natulog na ako pagkatapos kong magbukas ng twitter.