Pagkatapos namin kumain, naupo kaming lahat sa salas. Nanonood sila ng balita, hindi ko naman hilig iyon kaya tumayo na ako.
"Papanam?" Si nanay
"Sa kwarto ko ho, matutulog na ako." Sabi ko.
"Bago ka matulog, kuhanin mo muna doon sa tokador ang padala ng ate mo, gamit yan para daw sayo." Sabi ni Nanay habang naka-turo sa lugar ng tokador.
Nag-tungo naman ako don. Nakita ko nga ang paper bag, kinuha ko iyon at saka ako pumasok ng kwarto.
Sa kabihasnan malayo dito nagta-trabaho si ate, nagpapadala siya ng pera dito sa probinsya para pang dagdag sa panggastos namin. May kuya din ako, iyon ang panganay sa aming tatlo. Nasa maynila naman siya, masyado madami daw ang ginagawa ni kuya sa maynila kaya hindi namin siya masyadong nakaka-usap, nag papadala din naman siya ng pera pero paminsan-minsan lang. Sabi kasi sa akin ni kuya ay may pinag-iipunan daw siya, hindi ko lang alam kung ano yun.
Binuksan ko na ang paper bag at isa-isa'ng inilabas ang laman.
~
"Eh ito naman ano kaya ito?" Tanong ko ulit sa sarili ko. Dahil hindi ako pamilyar sa mga gamit at bagay na nakapaloob sa sa paper bag, ang ilan ay pamilyar ako ngunit hindi ko naman alam kung para saan at kung paano gamitin.
"Ahhh pantapal." Sabi ko nang makita ang sampung pakete ng pantapal, natuwa ako dahil hindi ko na kailangan pang bumili sa tindahan nito, at hindi na din ako pagtatawanan ni aling Eba.
Sa kakaisip at kakatingin ko ng mga bigay ng ate ko ay inantok ako. Mayroon pang ibang laman ang paper bag, pero sigurado naman ako na hindi ko alam ang mga iyon kaya pinili kong matulog na lamang at gagala pa kami ng barkada ko bukas.
~
(Kinabukasan)Bumangon na ako at lumabas ng kwarto para mag-sipilyo at kumain.
"mangan ta." Si lola. Naupo ako sa upuan at sumandok ng pagkain, bago ko pa man umpisahan ang pagkain ko ay nag-salita si nanay. "Ano ang mga ipinadala sa iyo ng ate mo?" Tanong ni Nanay. Napakagat ako sa labi ko bago nahihiyang mag-salita. "Eh Nay, mga kung anu-ano laang ho. Karamihan ay hindi ko alam kung paano gamitin, may mga damit na hindi ko naman sinusuot. Nakakainis!" Sabi ko at napakamot na lang sa ulo.
Hindi sumagot si nanay at tinaasan lang ako ng kilay, nang mag-baba siya ng tingin ay nagtaas din ako ng kilay na mabilis kong binaba ng tignan niya ako ulit.
~
Naka-harap ako ngayon sa salamin ng buong kwarto ko, at tinitignan ang sarili ko.
"Ang gwapo ko talaga. Tsk! Tsk!" Sabi ko habang inaayos ang cap sa ulo ko.
Hanggang bewang ang buhok ko, pero hindi ko siya inilulugay dahil hindi bagay sa akin. At ayoko ng ganon, dahil masyado siyang mahaba at makapal. Kaya palagi lang siya naka-pusod, gustuhin ko man siyang ipagupit ngunit hindi pwede dahil bukod sa mapagagalitan ako ng aking tatay at lola eh nanghihinayang din ako sa buhok ko.
"Aalis na ho ako!" Sigaw ko mula sa kwarto ko. Kadalasan ay mga tito at si tatay ang kasama ko dito sa bahay, dahil si nanay ay madalas nasa kapitbahay at nakikipag-chismisan, si lola naman ay nasa loob ng kwarto at natutulog o di kaya naman ay nakikinig sa radyo.
Kaya kung iisipin, one of the boys ako.
"Papanam?!" Sigaw nila tito.
"Sa court mag lalaro lang." Sigaw ko pabalik at tumakbo na palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
SHE, IS MY BOYFRIEND
RomanceLauren Joie Ramos Arceveda or Lj. A handsome and masculine type of lesbian. Maangas, mayabang, astig at magaling sa pakikipag laban. Walang inuurungan kahit sino basta humarang sa kanyang lalakaran. Ngunit dahil sa ganoong kaugalian, napag desisyo...