CHAPTER 04

148 12 0
                                    

Pagka rating namin dito sa court. Lahat sila tinginan sa buong paligid. Maganda kasi mag laro dito, puro puno ang paligid kaya sariwang hangin yung iihip.

Naisipan namin silang dalhin dito sa court dahil nabanggit nila kanina na mahilig daw silang mag-laro, varsity pa ang ilan sa kanila pati na si Bj na pinsan ko. Naging proud ako ng palihim, dahil dati ay palagi ko siyang pinapagalitan dahil sa sobrang lambot at hinang mag-laro, pero ngayon ay varsity player pa sa eskwelahan nila.

"Ito na ba yung court nyo?" Tanong ni Chito, habang ang tingin ay nasa paligid.

“sa totoo lang classroom 'to, dito kami nag-aaral.” sarkastikong sabi ko at ngumisi.

"Ah, eh, hehehe sabi ko nga." Sabi niya at nag kamot ng batok.

"Masanay na kayo diyan kay Lj. Natural na sa kanya ang pagiging pilosopo. Mamamatay yan kapag hindi nakapang-bara." sabi ni Renz at tumatawang tinapik sa balikat ang mga kaibigan ni Bj.

"Oo nga hahaha!" Sabi ni Biya.

"Oh Lj, Brent, Biya, Kokey, Renz, Patrick, at ako. Kaming mag babarkada yung magkaka team. Kayo Bj? Bahala na kayo jan!" Sigaw ni Isko at itinuturo ang grupo nila Bj.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Sira ulo talaga, iiling-iling akong nag-shooting at inintay maka-ayos ang grupo ng kabila.

‘sa wakas matutuloy narin ang laro na kahapon ko pa gustong gawin.’

"Oh sige sige, kami-kami na dito." Sagot ng isa sa kanila na hindi ko matandaan ang pangalan.

Hindi kasama ang kambal niyang si Markie, hindi siya mag lalaro dahil masakit daw ang noo niya. Si Mark at Markie ay magkaibang tao, kambal iyon. Si Markie iyong tinamaan sa noo habang si Mark naman ay iyong pinaka kanang-kamay ng leader nilang hindi din namin kasama, dahil nga may pilay sa braso. Dahil pinilay ko, hehehe.

Nang mag-sisimula na kami ay narinig namin ang paparating na mga nagtatawanan, maiingay na akala mo nasa kabilang bundok ang kausap.

"Eto na naman 'tong mga epal na 'to"

Sabay-sabay kaming napatingin kay Biya ng mag-salita ito ng iba, bukod sa 'oo nga' at tawa. Mababakas ang inis sa boses niya na akala mo ay handa nang manapak, pero naagaw ng mga pandak ang atensyon ko kaya bumalik ulit sa kanila ang tingin namin.

‘kinginang laro to, hindi na talaga natuloy. Hayop!’

"Aba! Mukang nag kaka-siyahan ang tropa ng mga tomboy dito sa lugar natin!" Biglang singit ng lider na panget.

Humigpit ang kapit ko sa bola habang nakatingin sa kanila, si Biya naman ay pasimpleng umatras at tumabi sa akin.

"Aba! aba! aba! Nadagdagan ang pangkat. Humihina na ba ang pangkat ni LJ?" Sabi ni pandak. Nang aasar.

‘kahit kailan ay napaka-pangit niya talaga. Ang layo ng hitsura niya sa kuya niya.’

Wala talagang kadala-dala itong gagong ito, gustong-gusto ang nasasapak.

"Malabo ata na humina ang grupo ko sa lahat ata ng posible ay iyan ang imposible." Sabi ko.

"Wala kang kasing yabang, Lj." sabi ni pandak, sarkastikong tumawa na may halong inis sa boses. Tsk! Para naman akong may pake kung naiinis siya, kahit magalit ka pa diyan.

"Ah, eh Dedoo hindi naman namin gusto ng away. Gusto lang namin mag-laro." Napalingon naman kami pati na si Pandak dun sa nag- salita.

Walang tumatawag kay Pandak dito ng Dedoo, yun ang tunay niyang pangalan pero Pandak ang ginagamit niyang palayaw. Ayaw daw niya sa Dedoo, parang daw Dedo parang tinatawag siyang patay. Eh mabait pa naman ako kaya Pandak nalang ang itinatawag namin sa kanya, at isa pa, ambaho ng Dedoo. Hindi ko alam kung saang lupalop nahanap ang pangalan na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE, IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon