CHAPTER 03

153 12 0
                                    

"Susmaryosep! Ay apo! Ano ba naman ang nangyari sa mga lalaking iyan?!" Nag aalalang tanong ni nanay habang naka pamewang at naka hawak sa noo niya.

Nandito na kami ngayon sa loob ng bakuran namin at syempre, dahil nga sa may kaibigan akong anghel na pulpol ayan kasama namin ngayon ang mga gagong nilalang. Kinakabahan ako sa totoo lang, hindi ako makapag-salita kahit na alam kong ako dapat ang nag-sasalita.

Nagka-tinginan naman kami ni Brent. At tinaasan ko siya ng isang kilay at tumingin ng LUSUTAN-MO-YAN-LOOK. At WAG-MO-AKO-ISUSUMBONG-LAGOT-KA-SAKIN-LOOK. Sabay inangat ko ang dulo ng labi ko at nag-sign na lagot siya sa akin. Mukang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya inalis niya ang tingin niya sakin.

"Ah, eh tita... nakita po namin kasi na napag-tripan ng ibang grupo itong mga ito, kaya naisipan po namin na dalhin dito. Saka ho, naisipan na naming tulungan kasi isa ho sa pamangkin nyo yung kasama." Mahabang daldal niya at nag-kamot ng batok.

Ngumiti siya at tumingin sa akin na para bang isang magandang dahilan yung sinabi niya. Na para bang kailangan ko siyang palakpakan.

"Tss." Nasabi ko na lang at pasinghal na nag-iwas ng tingin.

"Pamangkin? Sino ang aking pamangkin diyan?" Tanong ni nanay at humarap sa mga lalaki, tila inuusisa ang bawat isa sa kanila.

"Siya ho." Sabi ni Renz at itinulak si Bj. Mahina akong natawa dahil sa ginawa ni Renz, luko-luko. Kung hindi naka-tindig si Bj ay maaari itong magdapa, dahil sa ginawa niyang pagtulak.

"Anya ti nagan mo, ading?" Tinanong ni nanay ang pangalan niya, kunot noo ay tinitigan ng mabuti. Katulad ko ay hindi din niya nakilala agad si Bj, dahil malaki talaga ang pinagbago niya.

"Si Brixx Jay po. Si Bj po ako." Sabi niya habang nakayuko. Nakita ko ang mag-kahawak niyang kamay, na akala mo ay nililitis dahil sa pagkakayuko.

"'Wag ka matakot... 'di sila na ngangain ng tao, ako lang." Bigla kong sabi.

Nagulat naman na napalingon sakin yung pinsan ko, nginisian ko siya at tinaasan ng kilay. Bahagya akong natawa sa sinabi ko. Mag sasalita na sana si nanay para pagalitan ako sa inasta ko,  pero inunahan ko na siya.

"Sige. Papasok ho muna ako sa loob, kukuha lang po ako ng gamot." Sabi ko, at mabilis na pumasok sa loob. Mag sasalita sana si Brent, hindi na natuloy kasi tumakbo na ako sa loob ng bahay.

‘tsk! Anong gamot, ano itong bahay? Botika? Tsk!’

Dahil sa dami nila, inabot na kami ng tanghalian kakagamot sa kanila. Ke-aarte kasi, simpleng alcohol lang takot na takot na eh kanina nga nung humarang sila sa amin ke-aangas nila. Kung hindi sila nag yabang kanina baka hindi pa nangyare sa kanila yan. Dayuhan na nga lang, hindi pa marunong makisama. Hays!

"Tara na't kumain na tayo ng tanghalian at nang makapag pahinga narin kayo mga manong. Halika na." Pag aaya ni nanay.

Isa-isa naman nag upuan ang mga hinduting mayayabang. Yung isa nga nag-alinlangan pang tumabi sa akin, ang sama kasi ng tingin ko sa kanila.
Naka-halata naman siguro si Renz kaya siya ay nag salita.

"Ako na nga lang diyan, palit tayo." Sabi ni Renz at akmang tatayo ng biglang nagsalita si Brent.

"Hindi na. Tayo nalang ang palit, sige na Renz diyan ka nalang." Sabi ni Brent, at tumayo.

"Oh may mga bisita pala tayo dito." Napalingon kaming lahat sa nag salita. Si tito Romy, ang pang lima sa kanilang magkakapatid.

"Anong nangyari sa mga iyan?" Gulat na tanong ni tito Jhune, ang bunso. "Ano yan, nakipag bugbugan?" Tanong ni tito Eddie na kinikilatis ang itsura nila. Siya ang panganay.

SHE, IS MY BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon